2

23 0 0
                                    

"Ladies and Gentlemen, please welcome, the debutant, Lovely Angelica Cruz"

Masayang pakilala ng emcee at sabay sabay na nagpalakpakan ang mga bisita. At syempre, si Isaias yung escort ko. Masaya ako sa party na hinanda ng parents ko para sakin. Color violet and green ang motif ng party which is our favorite color. I am wearing a violet flow gown with a high slit and 6" high heels.

"What a lovely lady we have here. Mukhang inspired na inspired." isang simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa emcee. Ehh ano naman ngayon kung inspired? Big deal? Tss.

Inalalayan ako ni Isaias na maupo sa isang throne sa gitna ng di kataasang stage then he remained standing beside me. Ganito ba talaga ang drama ng mga escort? Sitting pretty ang debutant samantalang ang escort ay nakatayo? I can't even have a chance to leave him. Dahil din siguro hindi ko kaya o may tamang oras para sa gabing ito na tapusin lahat.

Natanaw ko sa malayo ang pigura ng isang lalaki. Sigurado akong si Kenneth iyon, ang lalaki na susundo sa akin pagkatapos ng party ko. Bigla akong kinabahan. I bit my lower lip to prevent myself to cry, baka maraming makahalata. Kenneth was my bestfriend at alam kong safe ako sa kanya. Sandali lang naman ako mawawala at babalik din ako, pero alam kong sa muling pagbabalik ko, marami ng magbabago. I saw him mouthed 'Be ready' na lalo kong ikinakaba.

This is too much. Masyado na akong nahihirapan. I can't even say a word when Isaias is around.

Lahat ng balak ko nauurong kapag nandyan sya sa tabi ko, niyayakap at hinahalikan ako. Maya maya pa'y tinawag na ako ng emcee para pumunta sa dance floor for my 18 roses. Wala na din si Isaias sa tabi ko. For sure nagreready na yun.

My first dance was my dad. I am proudly Daddy's girl. Kapag may problema ako, sa kanya lang ako tatakbo.

"You're so pretty. Hindi mapagkakailang adult ka na anak. Happy birthday baby girl. Anything happens, ikaw pa rin ang nagiisang baby ko. Don't mind your kuya, malaki na sya at kaya na nyang alalayan ang sarili nya at isa pa, lalaki sya. I just want to apologize for all the times na hindi ako nakakapunta sa lahat ng special events mo dahil sa trabaho ko . Maging masaya ka sana, kayo ni Isaias. Nandito lang ako para sayo, sa inyo, and I will support you two no matter what. I love you baby girl."

Then dad kissed me on my cheeks at bumitaw na hudyat na tapos na ang turn nya. Second dance ko ay ang poging pogi kong kuya. Oo, pogi talaga dahil maraming babae ang nagkakandarapa dyan.

"Hoy, birthday mo pala di ko alam haha." patawa ni kuya.

"Baliw ka kase. Busy ka sa mga babae mo" sagot ko.

"Hindi joke lang yun. Magpapakasenti muna ako ha? Alam mo sissy, akala ko noon malas ka sa buhay ko. Bakit? Kasi nasayo lahat ng attention nila Mom and Dad pero hindi pala. Ngayon naiintindihan ko na. Sorry sa pantitrip ko sayo nung bata pa tayo. Ang ganda mo ngayon, at syempre gwapo din ako kasi magkapatid tayo haha. I love you sissy. You're the best sister in the world." then he hugged me at pagkatapos ay bumalik na sa table nila.

Natapos na ang 17 roses ko pero nasaan yung pang 18? Hindi ko pa nakakasayaw si Baby ko? Nasaan na kaya yun?

Biglang huminto ang music.

"Baby..."

Tumingin ako sa may likuran ko at nakita ko si Isaias na hawak ang pang-18 na rose. He's holding the microphone at hindi ko alam kung anong binabalak nya. He walked slowly towards me while looking straight at my eyes.

He gave me my 18th rose at nagsalita.

"Baby... I don't know how or where to start. Akala ko nasabi ko na sayo kanina lahat, hindi pa pala. I know how coward I am to face your parents when you're just a high school student at 15 years old ka pa lang noon. Isip bata, malikot, galawgaw, maingay. That's how I describe you back then. Hindi ko inaasahan na mamahalin kita ng sobra sobra. I asked your parents about this. They said yes. Hindi ko hinihiling na ngayon na pero gusto ko lang malaman yung sagot mo. Oo alam ko wala kang idea sa pinaggagawa ko. I spend my hours planning for this. Ikaw yung babae na gusto kong makasama habang buhay."

I started to cry. Sa simpleng mga salita na iyon ay alam ko na ang ibig sabihin nya. He kneeled in front of me. May kinuha syang maliit na box sa bulsa nya. He opened it and I saw a diamond ring. I also heared the people gasp in shock. Kahit ako ay nagulat din.

"Baby... Ang tagal kong hinintay to. Yung haharap ako sa maraming tao, eto nagpopropose sayo. Oo nagpopropose ako kasi ayoko na may masayang na panahon. Teritorial na kung teritorial pero gusto ko Baby sakin ka lang. Baby... Will you spend the rest of your life with me? Build a basketball team with me? And be my wife and companion?"

I was still in shock. Pero hindi ito pwede. Hindi. After all, I still have the courage to say "I'm Sorry" then I run away.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I found myself running towards the exit and waiting for a miracle.

I Can't Find The Words To Say GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon