12

10 0 0
                                    

Iniwan na nila ako sa loob ng kwarto ko dahil gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip. Gusto kong malaman kung ano ba talagang meron.

Naguguluhan ako.

"Bakit? Bakit ganito? Bakit nangyayare to? Hindi ko na kaya. Gusto ko ng umuwe. I just want to have a normal life. Bakit pinagkakaitan ako ng tadhana na maging normal ang buhay ko kasama ng pamilya ko at ng taong mahal ko." Napahagulgol nalang ako.

Maya-maya ay may narinig akong kumatok.

"Bab-" bago pa nya ako matawag ay inunahan ko na sya.

"What are you doing here? Diba sabi ko gusto kong mapag isa? Diba sabi ko iwanan nyo ako? Bakit ang lakas ng loob mong kausapin ako pagkatapos ng lahat ng ito? Why? Huh?" Naglakad sya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Isaias' POV

Yakap ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ayokong nakikita syang umiiyak dahil parang nadudurog ang puso ko. I want to be the reason of her smiles. I want to be her everything.

"Isaias bakit ba to nangyayari sakin? Ang sakit. Nawalay ako kila dad para sa walang kwentang ito? Bakit? Parang awa mo na ialis mo na ko dito. Oo mabait na tao si Jacob pero naisip nyo ba kung ano to? Kung gaano ako masasaktan sa ginawa nyo? Nasasaktan ako ngayon kasi akala ko normal ang lahat kasi kasama kita. Pero lalo akong nasaktan nung nalaman ko na kasama ka pala sa paghihirap na to. Alam mo naman na mahal na mahal kita diba? B-bakit g-ganito?"

Ang gago ko. Sa kabila pala ng pangarap ko na maging lahat sa kanya ay ang maging rason ng sakit na nararamdaman nya. Mahal na mahal ko din si Lovely. Sobra. Na umaabot sa point na kaya kong talikuran lahat, para lang sa ikaliligaya nya.

I cupped her face."Baby. Listen to me first. I love you so much. I really really love you. Sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw yung pinaka kakaiba. Malakas ka, palaban, ikaw din yung tipo ng babae na kayang magmahal ng buong puso nya, and I truly admire you for that. Nagpapasalamat ako na ikaw yung girlfriend ko. Alam mo napakaswerte ko sayo kasi ikaw yung babae na kayang intindihin ako. At alam ko sa lahat ng ito isa lang ang sigurado ko, malalampasan mo ito at magtatagumpay ka. Naniniwala ako sayo kasi kilala kita."

"Pero bakit kaylangan kong gawin 'to? Bakit ako? Paano kung utusan nila akong patayin ka? Isaias hindi ko yun kaya!" niyakap ko muna sya bago ako muli nagsalita.

"Hindi ka nila mauutusan, baby. You can so whatever you want. Just please don't leave me kasi hindi ko kaya. Ikaw yung babaeng gusto kong makasama kahit na sa ganitong sitwasyon na medyo nahihirapan tayo. I know your parents, they will do anything and everything just to find you pero ngayon pa lang sinisigurado ko sayo na na babalik tayo sa kanila ng magkasama, pangako yan. Basta ngayon magpanggap ka munang manhid. Gamitin mo yung katarayan 101 mo sakin nung high school ka pa lang hahahaha." narinig ko syang tumawa. Sa wakas napatawa ko din sya.

Agad syang kumalas ng yakap at nagpunas ng luha. Yan ang babaeng mahal ko. Palaban. Kahit na nahihirapan, basta may pag asa, hinding hindi sya susuko sa kahit ano mang laban.

"Kaya ko 'to baby! Superwoman kaya ako! Hahaha. Malalagpasan din natin 'to, pangako ko sayo yan ay sa pamilya ko! Diba sabi mo uuwi tayo ng magkasama? Tutuparin ko yun! Tutuparin natin yun, diba baby?" tumango ako bilang sagot. "Kaya tara, labas tayo. Papaalam ako kay Jacob. Bonding tayo baby ok?"

Ito yata yung sinasabi nilang TRUE LOVE. At masasabi ko namang super true ang love story ko. Sya lang naman yung pinapangarap kong babae eh.

Sana lang kung dito kami lumakas, wag naman sanang dito din kami humina at tuluyang matapos.

I Can't Find The Words To Say GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon