16

28 0 0
                                    

Nakaramdam ako ng kaba. Sya na naman. Ang lalaking dahilan ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang taong gusto akong magtuloy ng mga unfinished business nya pero, why me? Bakit kaylangan kong gawin ang isang bagay na wala akong idea kung anong meron sa mundong 'to? I have no idea who is he pero siguro panahon na para makilala ko sya.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at bumaba sa lobby. 9:55 na at sasakto ako sa calltime na binigay.

Nang marating ko ang lobby, wala akong ibang nakita kundi mga empleyado at iba pa. Where is he? Where is that bastard?

"I'm glad you came on time, miss."

Agad akong lumingon sa aking likuran at laking gulat ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Therence Jim?"

Ngumisi sya atsaka nagsalita. "Long time no see my dear bestfriend"

"Jim, anong ginagawa mo dito? Ikaw ba yung ka-meet ko?" I asked him.

"Ofcourse not. I'm here to talk to you, privately. Come on." mas lalo akong kinabahan pero mas minabuti ko na muna na makipag usap sa kanya.

Hindi ko maintindihan. Bakit parang may iba sa kinikilos nya, natataranta na nagmamadali na ewan. "Wait, wait , wait! Jim, may hindi ka ba sinasabi sakin? Is there anything that I need to know? Why are you here? Yes, I know na nandito ka for your studies pero, how did you know that I am here? " 

"Sumama ka muna sakin and I will tell you everything. Trust me, wala akong balak na masama sayo. I'm here to tell you something. Nung nalaman ko na kinuha ka nya, hinanap kita kaagad." paliwanag nya. "Mamaya ka na magreact 'cause I really need to talk to you, Let's go!" 

Agad akong sumama kay Jim dahil siguro curiosity na ang nagudyok sakin. Masyado na akong nahihiwagaan sa mga bagay na nangyayari at sa sinabi nya na hinanap nya ako. Isa rin kaya sya sa kanila?

Pansin kong paunti ng paunti ang mga bahay at parang papunta kami sa isang city na hindi masyadong pansin ng madaming tao. "S-saan tayo pupunta?" I asked him dahil nacucurious na talaga ako.

"Just wait. Ilalayo kita sa kanya, Lovely. You're not belong here ok? Hindi ka dapat nandito sa Paris ng dahil lang sa ganyang dahilan. Maghintay ka lang and if we're finally settled, ipapaliwanag ko sayo bawat aspeto. Now, all I want is your trust at ipinapangako ko sayo, hinding hindi ko iyon sisirain at ipagtatanggol kita. You're my bestfriend. At nung nalaman ko ang nangyari, hindi na ako nag aksaya pa ng oras, Lovely." paliwanag nya. Hindi na ko muling nagtanong pa dahil sa sinabi nya na kapag settled na kami ay ipapaliwanag nya lahat. 

Therence Jim Garcia is my childhood bestfriend. Sobrang close namin noon at napagkakamalan ding lovers. Pero bago sya mag high school, dinala na sya ng parents nya sa Paris para sa pag aaral nya dahil sya ang susunod na tagapagmana ng ari arian at kumpanya nila.

Flashback...

"Do you really have to leave?" I asked him teary eyed.

"Sorry, Love. Gusto ng parents ko eh. Tomorrow morning is our flight and I don't know kung makakabalik ako kaagad. Mamimiss kita, sobra. 'Wag mo 'ko kakalimutan ha?" sagot nya na naging dahilan ng pag iyak ko.

"*sniff* I-I promise *sniff* hin-hindi ako makakalimot, TJ. Hihintayin ki-kita, huh? Mag iingat ka doon ok? Yung mga sinabi ko sayo la-lagi mong tatandaan at kapag nalaman kong pinabayaan mo ang sarili mo, kukurutin kita!" ngumisi sya at niyakap ako. 

I watched him as he walked away. Kung alam nya lang kung gaano ko sya kamahal, kung alam nya lang. 

The days have passed, malungkot pa rin ako. First day of school, nakakapanibago. Noon, kapag first day, kasama ko si TJ na maglalakad sa hallway dahil sa kaba ko. SInilip ko ang cellphone ko at nakita ko ang picture naming dalawa sa park after namin gumraduate ng elementary. "Siguro kung nandito ka lang, masaya sana ang first day ko. Haay" 

I searched for my assigned section at hindi naman ako masyadong nahirapan dahil hindi naman ganoon ka-crowded dito. I saw some Senior students making out at the washroom and I don't know if they're aware na may makakakita sa kanila. Bago ako sa school na 'to at mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko noonng nalaman kong nasa first section ako. For me, first sections are composed of brats, pervs, whores,  and cool guys na mga womanizer, at sa nakita ko kanina? HIndi ako nagkakamali. Haay.

After dissmisal ay naisipan ko munang tumambay sa school grounds. Maganda naman dito, ayoko lang ng ugali ng mga estudyante. May mga bago din akong mga naging kaibigan and I think we're good together dahil hindi naman sila ganoon ka bratinela. 

"Pwede ka ba namin makausap sandali?" Tanong ng isang lalaki na hindi ko kilala kung sino. Tiningnan ko sya mula sa likuran ko and I think he's a goon. 

"W-why would I? Do I know you?" matapang na sagot ko. 

"HIndi. Pero kilala namin ang ama mo. Magkaugali kayo, matapang at may paninindigan. Gusto lang naming sabihin sayo na mag-aral ka ng mabuti upang may matapos ka, ija. Pag tungtong mo sa edad na dise-otso, panigurado'y matututunan mo na ang pait ng buhay. Sya nga pala, ikumusta mo ako sa ama mo, isa sya sa mga mabubuti 'kong kaibigan. Paano, aalis na kami, ija. Mag-iingat ka" 

Pagkatapos ay umalis na sila ng mga kasama nya. Dali-dali ay tinawagan ko ang driver ko at umuwi. 

End of Flashback...

"We're here." bumalik sa ako sa realidad nang nagsalita si Jim. Narito kami sa isang mansion na sa tingin ko ay pagmamay-ari nila. 

"Anong lugar 'to, TJ?" I asked him na mukhang ikinagulat nya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng initials nya.

"I missed the old times. By the way, this is my house, away from the city. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang ng simple at tahimik na buhay mag isa dahil nasa States sina Mom and Dad. 'Lika na?" 

Sabay kaming bumaba sa kotse nya at dere-derechong naglakad papasok sa mansion. Bago kami makapasok ay muling nagsalita si TJ, 

"Tutuparin ko yung pangako ko sayo na poprotektahan kita. At hindi ako papayag na ituloy mo ang kabaliwan na'to, pinapangako ko." 

__________________________________________

Hallooowwww!! Mahabang UD pambawe... Ano kaya ang magiging role ni TJ sa buhay ni Lovely? Just wait for my update tomorrow..

P.S: Keep reading and voting! Also, pwede kayong magcomment, kung gusto nyo lang hahaha. Enjoy!

-justEnded00

I Can't Find The Words To Say GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon