Chapter 20 (Last Chapter) | Wedding Day (Part 1) |
3rd person's POV
Simula noong engagement party di na nagpakita si Mimi dahil hindi niya kaya na makita nag kanyang minamahal na ikakasal sa pinakamamahal niyang ate.. Walang nakakaalam kung saan si Mimi kahit na mga kaibigan niyang sina Yna at Martha.. Nagpalit na rin ng number si Mimi kasi alam niyang kukulitin lang siya ng ate at mommy niya na umuwi..
*kriiing *kriiiing
Calling : 0987654321
Sinagot ni Mimi ang tawag pero nagulat naman siya kung sino ang nasa kabilang linya
"Baklaaaa, San ka ba ngayooon.. Diba ngayon ang kasal ng sister moo" bulalas ni Martha kay Mimi.. Nagulat siya kasi ang lakas lakas ng boses ni Martha halos marinig na kahit hindi ilapat sa tenga ang cellphone
"Ah..Ehh.. TEKA ! San mo nakuha number ko?" tanong ni Mimi kay Martha kasi wala masyadong nakakaalam ng number niya.. Ang alam niya lang na may number niya na kilala ni Martha ay si Yna lang..
"Wag ka ngang sumigaw jan! Nababasag eardrums ko eehh.. Kay Yna.. Bakit ba?? At HELLO! Wala ka lang man bang gagawin.. Di mo ba pipigilan ang kasal ng pinakamamahal mong si Rick"
"Wala" matipid na sagot ni Mimi kay Martha.. Hindi niya alam ang gagawin niya ngayon.. Naguguluhan siya sa sitwasyon niya ngayon.. Kung papabayaan niya lang para sa Daddy niya na ang alam niyang ayaw ng Ate niya at ni Rick ang magapakasal sa isa't isa at isa pa nasasaktan siya.. Oh pipigilan niya ang kasal para sa ikakasaya nila ng Ate niya pero ikakagalit ng Daddy niya..
"Ano ka ba bakla! Wag ka ngang maging manhid.. Alam kong maiintindihan ka rin ng Daddy mo kapag pipigilan mo ang kasal ng Ate mo at ng Rick mo.." Natauhan naman bigla si Mimi sa sinabi ni Martha.. Kaya naman agad siyang nagbihis.. At tumakbo papuntang parking lot..
"Tama ka bakla.. Eto na ako susugod na.. Sana naman hindi pa huli ang lahat.."binaba ni Mimi ang telepono at nagmaneho papuntang simbahan.
Habang papunta si Mimi sa simbahan nag-umpisa na ang kasal.. Nang makarating si Mimi sa simbahan di muna siya bumaba.. Nag-iipon pa siya ng lakas kung paano niya pipigilan ang kasal.. Ngunit huli na ang lahat..
"you may now kiss the bride"
Yan ang naabutan ni Mimi sa labas ng simbahan.. Hindi pa siya nakakapasok pero rinig na rinig naman kung gaano ka lakas ang pagkasambit ng paring nagkasal sa Ate Meg niya..
"Huli na ang lahat" sabi ni Mimi sa sarili niya..
Bumalik si Mimi sa loob ng sasakyan.. Pinaandar niya ito at bumalik sa bahat kung saan siya namamalagi.. Sinimulan niya ulit ang pag-iimpake gamit.. Naka plano na sa araw na ito ang pag-alis ni Mimi papuntang Canada para doon magpalipas ng oras para makapag-isip..
Ilang oras ang lumipas at papunta na si Mimi sa airport..
*kriiiiiiiiiiiiing* *kriiiiiiiiiiiiiiing*
Tiningnan ni Mimi ang cellphone niya..
Calling : 0987654321
"Si Martha -____- " wika ni Mimi
Alam ni niyang kukulitin na naman siya tungkol sa nangyaring kasal kanina.. Alam niyang sisigawan at papangaralan na naman siya nito… Mimi turned off her phone tapos nagmadali siyang pumasok sa airport at sumakay sa eroplano..
----------
"Congrats Meg" wika ng mga kaklase ni Meg na nakidalo sa kasal niya
"Welcome ^___^ kain na kayo" aya nito sa mga kaklase
Hinahanap ni Meg si Mimi sa paligid.. Nagbabakasakali na umuwi na ito at nakiisa sa pag-iisang dibdib nila ng asawa niya.. Pero nagkamali si Meg nibakas ng anino ni Mimi hindi niya makita..
"Are you ok?" tanong ni Rick sa kanya
"Yes. Thank you" sagot nito kay Rick
"Ok. Take care" wika ni Rick pabalik kay Meg
Nakita ni Meg ang daddy niya kaya lumapit siya..
"Dad" wika ni Meg
"Hmm" sambit ng daddy niya habang umiinom ng wine
"Are you mad?" tanong ni Meg
"No" matipid na sagot ng daddy niya
"Are you sure?" tanong ni Meg
"Yes. As long as you are happy I'll support you" wika ng Daddy ni Meg bago ito umalis at nakihalobilo sa ibang tao
Naiwan si Meg na nakatayo at umiiyak.. Umiiyak siya dahil sa saya kasi di niya akalain na ang mismong Daddy niya ang gagawa ng paraan para maging masaya siya ngayong araw ng kasal niya..
BINABASA MO ANG
My Crush is my future Brother-in-Law?
Teen FictionDefine Crush, yung siya ang rason kung bakit may gana kang pumasok sa school. Yung nagagawa mong magsinungaling sa crush mo kapag tinatanong ka niya kung sino crush mo. Pero paano pag nalaman mo na ikakasal na ang CRUSH mo? May magagawa ka ba? kung...
