Chapter 18

311 5 11
                                    

Chapter 18 | Goodbye for good |

Mimi's POV

"Babe, saan ka ba nagpupunta? Kanina pa ako nag-aalala sa'yo"  nilingon ko yung lalaki na nagsalita malapit sa akin..

"Ri-ick?" at kaagad ko siyang niyakap..

Ewan ko nga ba kung bakit humagulgol na lang ako sa pag-iyak nung niyayakap ko si Rick.. Di ko alam kung dahil ba sa nalaman ko kanina tungkol sa akin at kay Daddy.. Pero may nasesense talaga akong mali na… AAAAAAAAAHH! Ewan.. Basta ang feeling ko ngayon nasasaktan ako sa lahat ng nangyari sa aking ngayon..

"shhh.. Iiyak mo lang ang lahat" sabi ni Rick habang hinahaplos ang aking likuran

"Bakit tinago nila sa akin? Ok lang naman sa akin eh kung di ako tunay na anak ni Dad.. Pero bakit ganon? Bakit kailangan nilang ilihim sa akin!"

Hindi na nagsalita si Rick pinabayaan niya lang ako umiyak at magsalita habang nakayakap pa rin sa kanya.. Hanggang sa napagod na ako kakaiyak at kakasalita hindi parin kumalas sa pagkakayap si Rick.. Alam kong hindi niya naiintindihan kung bakit ako iyak ng iyak pero andyan pa rin siya nakikinig at pinapatahan ako.. Mabuti na lang talaga at nakita niya ako dito sa park..

Sa park….

At paano niya nalaman na umalis ako sa bahay? AGRRRRH! Eto na naman ako.. Walang ka ideidea.. Paano niya nalaman? Nakakasakit ng ulo mag-isip kung paano at bakit niya ako nahanap.. May kinalaman ba si Daddy dito? Kasi nga diba nakita ko si Rick kanina papalabas ng bahay namin pero di man lang nya ako pinansin..

"hmm.. Babe, bakit ka nga ba nasa bahay kanina?" tanong ko kay Rick..

"Doon ka nakatira? Kapatid mo si Megan?" sunod-sunod na tanong ni Rick sa akin

"Oo. Kapatid ko si Ate Meg sa nanay.. Kaya nga ako umiiyak kanina kasi nalaman kong di pala ako anak ni Daddy" Sagot ko kay Rick

"AGGGRRRHH! SH*T" pabulong na salita ni Rick pero sa talas ng pandinig ko eh ring na rinig ko..

"Bakit babe?" tanong ko sa kanya kasi mukhang nagulat at the same time naiinis siya dahil sa sinabi ko..

"W-wala" Sagot niya

Wala? Pero bakitt ganon? Feel ko na may mali? Feel ko may tinatago sila sa akin.. Feel ko pinaglilihiman ako ni Rick.. Feel ko --- AGGGGGGGRRRRRRRH! Eto na naman yang Feel ko.. Sana naman mali ang nafefeel ko.. Sobrang pagod na ako sa kasinungalingan.. Nakakasakit ng damdamin..

"Iuuwi na kita" salita ni Rick habang kinukuha ang kamay ko at nagsimula na kaming naglakad..

Di naman gaano ka layo ang bahay namin.. Kaya naman siyang lakarin.. Kaya naglakad kami ni Rick instead na sumakay ng tricycle.. Katahimikan ang bumalot sa amin ni Rick habang naglalakad.. Hindi naman kami ganito dati pag naglalakad eehh.. Ang lalim ng iniisip ni Rick ngayon.. Dahil ba doon sa sinabi ko kanina? Eh? Ano naman kung kapatid ko si Ate Meg? Sila ba? Malamang HINDI! Alam kaya ni Ate na boyfriend ko si Rick..

"Andito na tayo" Sabi ni Rick

Hindi ko pala namalayan na andito na kami sa harap ng bahay.. May nagtutulak sa akin na wag munang pumasok pero alam kong nag-aalala na si Ate Meg sa akin..

"Salamat sa paghatid. Ingat ka" Sabi ko kay Rick at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

Napaka-akward nung kanina ewan kung bakit.. Bakit nga ba? May mali ba? May kailangan ba akong malaman? *sigh

"Where have you been?! Kanina pa ako nag-aalala sa iyo.. Tinatawagan kita pero di ka macontact.. Saan ka ba ng galing ha?! Kanina pa tawag ng tawag si Mommy! Di ko alam ano isasagot ko kung nasaan ka.. Ano ba Mimi.. Magsalita ka nga" Bulalas ni Ate Meg.. Paano ako makakapagsalita kung sunod sunod siya kung magsalita? *sigh* si Ate Meg talaga (-__-)>

My Crush is my future Brother-in-Law?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon