Chapter 16 | Promises |
Mimi's POV
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH! Inaantok na akoooooooo! Asan na ba kasi Ate Meg! Pass 12 midnight na oh! Matawagan na nga!"
Dinial ko ang number ni Ate Meg..
"Hello?"
[….]
"AATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE"
[Ano ba Mimi, ang ingay mo.. Sakit sa tenga]
"Asan ka na ba?"
[Pauwi na ako… Wag mo na ako hintayin]
"Teka.. Saan ka ba galing? WUSHU! Nakipagdate ka noooohh??? Ayieeeee si Ate kumakarenkeng na"
[Ewan ko sayo.. Matulog ka na nga!]
"OH na! Matutulog na nga ako kasi kanina pa ako inaantok.. Bye Ate Meg.. Ingat sa pag-uwi"
Inilagay ko na ang phone ko sa side table at na tulog na..
*********
Rick's POV
*bzzzt *bzzzt
From : Megan
Thank you nga pala kanina.. Goodnight :)
Hindi na ako rumespond sa text ni Megan kasi nga wala akong load kaya nga hiniram ko ang phone ni Daddy kanina para matawagan ko si Mimi…
Kakauwi lang namin galing sa resort kung saan gaganapin ang kasal.. Oo, beach wedding siya yun ang napagkasunduan ng parents namin.. Wala na rin kaming pakialam ni Meg kung saan gaganapin kasi nga ayaw namin pareho ang ikasal sa isa't isa..
Nagphotoshoot nga pala kami kahapon para sa invitation card.. Ibinigay ko kanina lahat ng copy kay Meg para naman mapilian niya.. Wala akong kaideidea sa mga ganyan mabuti na kung ang babae ang pumili para naman maging presentable..
Inaya ko nga pala lumbas bukas si Mimi.. Wala lang.. Miss ko na kasi siya.. Isang linggo ko rin hindi nakita ang baby ko.. Isang linggo na rin akong pinapagod ng pag-aayos ng kasal na ayaw ko naman mangyari kaya pwede ko naman siguro pasayahin ang sarili ko bukas.. Halos isang linggo na rin akong nagpapanggap na OK LANG lahat.. Kasi kaharap ko si Mommy at ang pinakaayaw ko ay yung madisappoint si Mommy.. *sigh
Isang buwan na lang.. Malapit na… Malapit ko ng iwan si Mimi… Ginagawa ko na lahat ng makakaya ko para naman sa huli di ako magsisisi.. SELFISH na kung SELFISH pero alam kong may mahahanap pang iabang lalaki sa Mimi na maproprotektahan siya at di siya sasaktan.. Pero ako? Ikakasal na nga ako diba kaya di na ako makakahanap ng ibang babae.. Itatali na ako for short..
-------------
"where are you going?" tanong ni Mommy
"outside? I guess?" sagot ko habang nakaturo sa pintuan..
"with whom?" tanong ulit ni Mommy
"Mom, listen.. You know that I have a girlfriend right now.. I'll spend my day with her.. One week ko rin siyang hindi nakita.. So, can I go now?"
"Ok.. Ako na bahala sa Daddy mo.. Ingat ka" sabay kiss sa cheeks ko..
"Thank you Mom" at lumabas na ako sa bahay
Alam ni Mommy na may girlfriend ako.. Remember nung time na nagseselos si Mimi diba nga si Mommy ang kasama ko nun.. Kaya pag uwi ko sa bahay nun eh tinadtad ako ng tanong ni Mommy pero pinakiusapan ko siya na wag na ipaalam kay Daddy kasi alam kong gagawa ng paraan si Daddy para mapaghiwalay kami..
Papunta na ako sa Flee Café kung saan kami magkikita ni Mimi may 30 minutes pa ako para pumunta doon.. Habang nagmamaneho ako hindi ko mapigilan na tingnan ang bottle na may lamang 25 capsule letter… Alam kong masyadong bakla pakinggan at korny pero dahil sa pagkamiss ko kay Mimi eh nagawa kong magsulat ng kung anu-ano sa capsule letter..
BINABASA MO ANG
My Crush is my future Brother-in-Law?
Novela JuvenilDefine Crush, yung siya ang rason kung bakit may gana kang pumasok sa school. Yung nagagawa mong magsinungaling sa crush mo kapag tinatanong ka niya kung sino crush mo. Pero paano pag nalaman mo na ikakasal na ang CRUSH mo? May magagawa ka ba? kung...
