Chapter 10.5 | Yes or No (Part 2) |
Mimi's POV
Lunch break na ngayon. Nasa canteen kami ni Yna.. Si Martha? Ayun! Nasa kabilang table sa table ng mga basketball players.. Naawa ako sa mga basketball players kasi isa-isa silang hinahalay ni Marth sa isipan.. Magtitirik na lang ako ng kandila sa Quiapo para sa kapakanan ng mga basketball players dito sa school. -___-
"Mimi, asan nga pala si Rick?" tanong ni Yna
"Ewan" Matipid kong sagot kay Yna
Ewan nga eh kung bakit naiinis ako eh di ko pa naman siya boyfriend nanliligaw pa yung tao pero. Arrrrrrggghhh! Nakakainis! Yung text kanina ni Rick? Akala ko kasi magsosorry siya kasi walang flowers at card kanina sa upuan ko. Pero aggggggggggrrrrrrrrrrrhhh! Alam niyo ano laman ng text. Eto babasahin ko ulit.
From : Rick <3
Hindi ako makakasabay sa'yo ngayong lunch. Kita na lang tayo mamayang uwian.
Kitams? Sinong hindi maiinis niyan? Wala lang naman kaeffort-effort.. Aggggggggrrhhh! Bat nga ba ako nababagabag? Kung ayaw niya sumabay sa amin ngayon eh di wag! AISH!
"uuuy baklaaa.. Kawawa naman yung food.. Tinotorture mo na.." sabi Martha.
"Kamusta ang panghahalay?" tanong ko kay Martha
"Naku! Bakla! Ang yummy nila.. Ehhh! Kinikilig ako" sagot ni Martha. Kahit kailang talaga ang landi nitong baklang to -____-
"Ano ka ba Marco.Nakakadiri ka" - Yna
"CHE! Dyan na nga kayo. Babalik na ako dun sa mga papable" - Martha
"Uyyy friend, Ok ka lang" tanong ni Yna sa akin
"oo naman. Tara na sa room?"
Naglakad na kami papuntang room. *sigh.. Nababagabag na talaga ako.. Ano ba talaga ang gusto ni Rick makuha? Ahhhhh! Nakakabaliw na! Ayoko munang isipin yan!
"Mauna ka na muna Mimi. May nakalimutan ako sa canteen"sabi ni Yna sabay takbo at iniwan ako. -___-
Naglakad na ulit ako papuntang room.. Pagkarating ko ng room umupo ako kaagad sa pinakamalapit na upuan sa may bintana.. Pagka-upo ko nakita ko si Rick tumatakbo papunta sa isang babae.. Di ko kilala ang babae kasi nakatalikod ito mula sa akin..
Alam mo yung feeling na patay na puso mo pero pinapatay ito ng paulit-ulit.. Alam ko
masyadong korny pero harap-harapan eh! Gag*han dre? HAAAAY ! Buhay nga naman..
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing *kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
Nagbell na ibig sabihin mag-uuumpisa na ang first period sa hapon pero wala pa rin si Yna at Martha.. Ano na kaya nangyari doon.. Puntahan ko na kaya? Tumayo ako sa kinauupuan ko at sakto rin pumasok yung prof -___- Wrong timming naman. Umupo na lang ako ulit at nakinig sa mga lecture..
Subject ko ngayon Introduction to Hotel and Restaurant Management.. HRM 101 for short.. Hindi pumasok si Yna at Martha.. Tinetext ko pero wala akong nakukuhang reply.. Tinetext ko rin si Rick pero wala rin.. Medyo lutang utak ko ngayon.. Wala ako masyadong naiintindihan sa mga dinediscuss ni prof.. Ang boring din naman kasi niya magturo.. Walang ka effort effort na gumawa ng mga visual aids basta maiexplian niya lang kung ano ang nasa libro OK na yun sa kanya.. -____-
*bzzzt *bzzt
From : Rick <3
Sorry late reply. Kita tayo mamaya sa parking lot.
Eh? Kaya I press the reply button
To : Rick <3
OK.
BINABASA MO ANG
My Crush is my future Brother-in-Law?
Novela JuvenilDefine Crush, yung siya ang rason kung bakit may gana kang pumasok sa school. Yung nagagawa mong magsinungaling sa crush mo kapag tinatanong ka niya kung sino crush mo. Pero paano pag nalaman mo na ikakasal na ang CRUSH mo? May magagawa ka ba? kung...
