Chapter 17

286 2 2
                                    

Chapter 17 | The Truth (part 1) |

Mimi's POV

Kanina pa ako pa gulong gulong sa kama ko.. Hindi ako makatulog dahil doon sa capsule letter na ibinigay ni Rick sa akin..

*BLAG

*tok *tok *tok

"Meg! OPEN THE DOOR!"

*Sigh

Gabi gabi na lang ito.. Simula noong umuwi si Daddy at si Mommy palaging gayan na .. Palagi silang nag-aaway.. Kaya naman minsan si Ate Meg di na umuuwi ng maaga palaging naabutan ng hating gabi kung umuwi.. Naawa ako kay Ate Meg kasi naman alam kong napipilitan lang siya sa lahat ng gusto ni Daddy.. Wala rin naman akong magagawa kasi di naman ako gaanong close kay Daddy.. Hindi ko nakakausap ng matagal si Daddy.. Mas close ako kay Mommy kasi ang paborito ni Daddy si Ate Meg.. Pero wala akong pakialam basta mahal ko magulang ko..

Lumabas ako ng kwarto ko.. Nakita ko si Daddy na kumakatok pa rin sa kwarto ni Ate Meg.. Gusto kong lumapit pero natatakot ako sa aura ni Daddy.. Galit na galit.. Nakakatakot lapitan..

"YOU!"sigaw ni Daddy sabay turo sa akin..

"Yes Dad?"

"Kausapin mo Ate mo!" at sabay baba sa hagdan..

*sigh

Palaging ganyan ang conversation namin ni Daddy.. Palaging tungkol kay Ate Meg.. Wala rin naman akong magagawa si Ate Meg ang gusto niya eh!

Kumatok na ako sa pintuan ni Ate Meg..

*tok *tok

"Ate? Ok ka lang?"

Walang sumagot galing sa loob ng kwarto ni Ate.. Bumaba ako para hanapin si Manang para makuha ang spare key sa kwarto ni Ate..

"Manang? Asan po yung spare key sa kwarto ni Ate Meg?"

"teka lang iha… Eto" Sabay abot ng spare key sa akin

"Salam po Manang.. Goodnight"

Bumalik ako sa taas at binuksan ko ang kwarto ni Ate Meg.. Pagpasok ko eh nakakalat lahat ng gamit niya sa sahig.. Nakita ko si Ate na nakahiga at umiiyak.. Umupo ako sa tabi niya..

"Ate? Tahan na…"

Pero di pa rin ako pinansin ni Ate Meg..

"Alam mo Ate.. Napakaswerte mo.. Kasi concern si Daddy sa'yo.. Gusto niya maayos ang kinabukasan mo.. Kaya ka niya gusto ipakasal sa anak ng business partner niya"

Alam kong nakikinig lang si Ate Meg sa akin… Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak at hinayan niya lang din ako na magsalita..

"Basta Ate Meg, andito lang ako parati sa tabi mo.. Inaantok na ako.. Aalis na ako Ate Meg, matulog ka na ha? Goodnight"

Tumayo na ako pero sa pag tayo ko  may napansin akong mga envelope sa sahig.. Pinulot ko ito at binuksan..

YOU'RE INVITED

ENRIQUE AND MEGAN's ENGAGEMENT PARTY

Where : FLOWER POT GARDEN

When : November 24 20**

Kaya naman pala umiiyak si Ate Meg kasi malapit na ang engagement party.. Isang linggo na lang at engagement party na..

Binuksan ko pa ang ibang envelope.. May nakita akong mga picture ni Ate Meg na nakasuot ng damit pangkasal kasama niya yung magiging asawa niya… Enrique yung pangalan… Hindi masyadong klaro ang mukha ng lalaki kasi nasa malayo siya parang hinahabol niya si Ate Meg..

My Crush is my future Brother-in-Law?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon