Chapter 14 | Wedding Preparation |
Rick's POV
SH*T.. Sa dinami daming araw na pwedeng ipabook ni Mommy para sa pag-aayos ng kasal bakit sa mismong monthsary pa namin ni Mimi. SH*T SH*T SH*T! Alam ko labag sa kalooban ni Mimi ang di pagcelebrate ng monthsary.. Pero wala akong magawa.. SH*T.
Naihatid ko na si Mimi sa bahay nila at ako papunta sa isang restaurant kung saan nandoon si Mommy at yung fiancée ko.. Imemeet nga pala namin yung wedding organizer ngayon.. Labag man sa loob ko pero wala na akong magagawa.. Pangalan ng kompanya ang nakasalalay pati na rin kompanya ng pamilya ng magiging asawa ko.
Nakarating na ako sa restaurant kung saan kami magmemeet ni Mommy at fiancée nagpareserve naman si Mommy ng table kaya inalalayan na lang ako ng isang staff papunta sa table na pinareserved. Nakita ko rin si Meg yung fiancée ko kausap si Mommy..
"Good Evening Mom" sabay kiss sa cheeks ni Mommy
"Good Evening Meg" sabay kiss sa cheeks ni Meg
Hindi naman sa tinutwo time ko si Mimi.. May usapan kasi kami ni Meg.. Remember niyo noong unang pagkikita namin ni Meg?
Flashback
Chapter 6
(A/N : sa chapter 6 hindi po nakasaad doon kung ano ang pinag-usapan nila.. So dito malalaman niyo lahat)
"Sorry kung natagalan. Halika na. Balik na tayo baka hinahanap na tayo doon sa table" -Meg
"Wait. Can we talk?"
"Sure" -Meg
"Can I ask you a favor?"
"Ano yun?" tanong ni Meg
"before ng kasal.. Pwede bang tulungan mo ako.. Gusto ko ligawan at mapasagot yung babaeng pinakamamahal ko.. Kahit for 3 months lang.. Gusto ko maging masaya.."
"Huh? Di kita maintindihan"
"tulungan mo ako.. Bago pa tayo ikasal gusto ko maging masaya.. Kahit may kapalit..Please? After 3 months.. I'll leave her.. Para pakasalan ka para sa kompanya niyo.. So Please?"
"FINE! Give me your number. Simulan mo na manligaw para di sayang yung oras. Tara na?"
At bumalik na kami sa table
End of Flashback
Hindi ko pa naipakilala ang sarili ko ng lubos.. Oo.. Ako nga si Erique Villafuente ang nag-iisang anak ni Rhina at Robert Villafuente.. Ang may-ari ng Villafuente coorporation isa sa mga pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas at Ang mga magulang ni Meg noon sila ang pinakamalaking investor namin pero ngayon nalulugi ang kompanya nila kaya naisuggest ng mga magulang ni Meg na ituloy ang pag merge ng kompanya namin.. Paano kami na damay ni Meg sa mga kalokohan nila? Ang sagot HINDI KO ALAM. Hindi ko nga alam ang buong pangalan ni Meg rason pa kaya kung paano kami nadawit dito? *sigh
Si Meg yung tumutulong sa akin noong nililigawan ko pa si Mimi.. Walang niisang suggestion ni Meg ang pumalpak.. Nakakatuwa nga eh.. Pwede ng maging manghuhula si Meg.. Sa loob ng isa't kalahating buwan nagkikita kami ni Meg tuwing may aasikasuhin sa wedding.. Madalas kaming magkatext naikwento na rin niya ang tungkol kay Jessy ang Ex boyfriend niya..
Isa't kalahating buwan na lang bago ang kasal namin ni Meg kaya naman todo todo na ang paghahanda ni Mommy at ng magiging mother and father-in-law ko.. Wala na kaming magawa ni Meg kundi sumang ayon na sa mismong araw ng anniversary ng kompanya eh ang mismong kasal naamin ni Meg..
"Here's your order Ma'am and Sir.. enjoy" Sabi nung waiter na habang sineserve ang mga pagkain
Kumain na muna kami lahat.. Andito na pala ang mga magulang ni Meg at yung wedding organizer.. After namin kumain doon na nagsimula ang pag-aasikaso ng kasal.. Hindi na kami nakialam ni Meg kung ano gusto nila kasi naman una sila ang may gusto pangalawa hindi kami magpapakasal dahil mahal namin ang isa't isa pangatlo seseryosohin ko ang pag aasikaso ng kasal kapag si Mimi ang bride to be ko.
Natapos na sina mommy sa pag discuss kung ano ang gagawin sa wedding kaya nag pasya na kami na umuwi na kasi may pasok pa bukas.. Pero sabi ni Mommy magfile ako ng 1 week absent siya na raw bahala kumausap sa dean ng school kasi para matutukan ko ang pag-aayos ng kasal namin ni Meg.. Hindi ako makatanggi kay mommy kaya naman tumango na lang ako.. *sigh
Ang hirap pag naiipit ka sitwasyon.. Ang hirap pumili kapag ang pinag-uusapan ay ang kaligayahan mo o ang pamilya mo.. Pero hindi ko naman kaya irisk yung dalawa.. Gusto ko balance.. Masaya ako pero dapat andyan ang pamilya ko.. Pero.. Pwede pa ba yun sa sitwasyon ko ngayon?
Nung makarating ako sa bahay agad kong tinawagan si Mimi pero walang sumasagot.. Siguro tulog na si Mimi sabagay quarter to 10 na malamang tulog na siya.. Kaya naman nailgo na ako para marefresh at nagbihis ng damit pantulog at nahiga sa kama..
Nababagabag ako kaya hindi ako makatulog.. Hindi ko alam kung paano babawi kay Mimi kapag nalaman niya na ikakasal na ako.. Pero siguro maiintindihan niya in time.. Ayoko kamuhian niya ako.. Ayoko magalit siya sa akin.. Magpapakaselfish muna ako kasi alam kong hindi ko na mararanasan ulit maging masaya kapag ikakasal na ako kay Meg..
-------------------------
Andito ako sa school ngayon.. Nagfile ako ng absent for 1 week.. Kianusap niya yung dean para payagan ako umabsent for 1 week.. Hindi ko alam kung ano inirason ni mommy para mapapayag si dean ng ganon pero kung tutuusin mabait naman din si dean kaya naman di siguro nahirapan si mommy na magrason..
Hinihintay ko si mommy ngayon sa labas ng restroom.. Hindi ako naka uniform kaya naman ang daming tumitingin na studyante sa akin.. Sino ba nman ang hindi titingin na ang student council president ng school eh naka shorts, snikers at simpleng T-shirt lang na pumasok sa school…
Pagkalabas ni mommy galing sa restroom agad naman kaming tumungo papuntang parking lot.. Dala ko ang kotse ko kasi utos ni mommy sa akin dahil tinatamad daw siya magdrive.. Nagmaneho naman ako pauwi sa bahay..
Hindi ko nakita si Mimi kaninang umaga.. Siguro hapon klase niya ngayon.. Hindi ko pa alam ang schedule ni Mimi kasi di pa naman kami nakakapag-usap ng maayos simula noong inihatid ko siya kagabi sa bahay nila.. Wala rin akong narerecieve na text galing sa kanya.. Siguro busy siya.. *sigh
Wala naman akong ginawa kundi sumunod sa lahat ng utos ni mommy.. Ang boring nga dito sa bahay.. Puro utos ni mommy ang naririnig ko…
*bzzt *bzzt
From : Mimi <3
I miss you :*
____________________________________________________
BINABASA MO ANG
My Crush is my future Brother-in-Law?
Roman pour AdolescentsDefine Crush, yung siya ang rason kung bakit may gana kang pumasok sa school. Yung nagagawa mong magsinungaling sa crush mo kapag tinatanong ka niya kung sino crush mo. Pero paano pag nalaman mo na ikakasal na ang CRUSH mo? May magagawa ka ba? kung...
