JENNIE
Nakakasawa din palang office, condo lang ang routine mo araw araw. Yong parang wala ka ng social life kahit marami ka namang kaibigan.
Pasalampak akong nahiga sa sofa pagdating ko ng condo. Yong pagod kang uuwi pero ni isa wala namang sasalubong sa yo.
Shit. Bakit namimiss ko si Seulgi? Mag iisang buwan na kasi itong hindi nagpupunta sa bar.
Kalma naman Jen, may asawa na yon tao. Saway naman ng kabilang utak ko
Eh ano naman kung may asawa. Hindi naman sila magkasama. Sagot naman ng kabila
So ano? Magiging kabet ka? Girl naman.
Napabuntong hininga na lang ako at agad ng tumayo para uminom ng tubig.
Napakunot noo ako ng biglang may nagdoorbell. Wala naman kasing tawag from the receptionist na may aakyat dito.
Mom. Bati ko lang sa dumating
Dere deretso lang itong pumasok. Naupo na lang ako sa sofa habang parang imbestigador ang aking ina sa pag iinspect ng condo ko. Alam kong may gusto lang itong makita dun.
So how was my place? Tanong ko ng maupo na din siya sa harapan ko
So you are really living alone. Akala ko pa naman dito na nakatira yong babae mo.
Sino sa kanila?
Pinili kona lang na asarin siya laloMaghunos dili ka nga Jennie, sino sa kanila? God! Hindi ko akalaing madami pala sila.
Hindi naman ako aalis ng Mansion Mom kung nag iisa lang siya. Sagot ko pa
Hindi ka pa talaga nakuntento dun sa Lisa na yun? Why? Don't tell me hanggang ngayon hindi kapa din niya naipaglaban sa Nanay niyang mahadera.
Ano pa nga ba. Sagot ko lang
Andami naman kasing babae anak, bakit sa anak pa ng isang Monster?
Natawa na lang ako kay Mommy. Pero pag nagkita sila ng Monster na yun, malawak ang ngiti at may pabeso pa si Mommy.
Hindi ko din alam Mom.
Hindi kita tinanggap para lang balewalain ng ibang tao. maganda ka, sexy, matalino, professional. Aba, lugi pa yong anak niya sayo?
Mom, ano ba ang pinunta mo talaga dito.
I am just checking my daughter bakit masama ba yun? Akala ko kaso ginugulo ka ng Jiyong na yun.
Saan mo na naman nabalitaan yan?
Ayoko lang na may nang aagrabyado sayo Jen. Ikaw lang mag isa dito, sino ang tutulong sayo if my emergency? And sabi ng pinsan mo masyado kang workaholic. Mas gugustuhin ko pang malaman na nambababae ka talaga kesa subsob ka sa trabaho.
Napailing na lang ako. Minsan itong ina ko hindi ko magets ang trip.
Alam mong iba ang pamilya natin sa pamilya ng mga Sotto. Mas sasaya pa din ako kung makita kong masaya ang anak ko. Kita mo si Kai, kahit laman ng club or bar pa yong pinsan mo na yun pinapabayaan lang ng Auntie at Uncle mo dahil he still knows his obligation and responsibility. He know how to enjoy his youth anak. Sana ganun ka din.
How can i enjoy Mom, if siya pa din ang mahal ko.
Learn to let go if nasasaktan ka na. Hindi yong puro ikaw lang ang nag aadjust, alam ko naman na kaya ka kumuha ng condo is because of her. Pero nasaan siya? Andun sa loob ng palda ng Nanay niya. Naku, nanggigigil ako.
BINABASA MO ANG
PRIORITIES. (TAGLISH) FEB 2022
FanfictionHanggang saan ang kaya mong gawin para protektahan ang taong mahal mo. Hanggang kailan mo dapat gawin ang obligasyon mo bilang tagapangasiwa ng kumpanya ninyo. When is the right time for Love? When is the right time for Happiness? When is the right...