KAI
Masyadong stressful sa opisina dahil walang araw na hindi busy. Minsan ang sarap na lang sumigaw sa lobby. Pero hindi ko gagawin yun, aakalain pang nabuwang na ako.
Napalingon ako ng biglang my pumalakpak sa pintuan.
Ikaw pala Dad.
Alam kong mahilig kang sumayaw anak, pero hindi ko alam na ganito ka pala kagaling. This is the first time i watch you Dance simula noong lumaki kana.
Nasa studio room kasi ako. Pinasadya ko talaga to kahit ayaw ni Mommy, pero Dad back me up. Ito ang safe haven ko sa bahay namin.
Ang aga niyo atang umuwi. Sagot ko lang
Sa edad kong to Baste, nabobored na akong makinig sa mga meeting. Ilang taon ko ng ginagawa yun minsan nasusuka na nga ako eh.
Napangiti na lang ako. Joker talaga itong si Daddy, he is a workaholic old man. And when i say workaholic, it's beyond that word.
Where's Mom?
Andiyan lang yan sa tabi tabi. Malamang mas inuna pa yong mga halaman niya kesa magbihis ng pambahay. Alam mo naman yun kulang na lang talaga manganak yun ng halaman.
Isususmbomg kita. Sagot ko na lang
Sus, alam mo naman hold ko sa leeg ang Mommy mo.
Baka gusto mong itali ko ang leeg mo sa rooftop down here?
Napatawa na lang ako ng biglang nataranta si Dad sa boses ni Mom.
Mahal naman. Nagjojoke time kami ng anak mo. Bat sabat ka ng sabat.
Sebastian Jr. tigilan moko. Tsaka bakit mo inistorbo ang anak natin? Alam mong dito siya naglalabas ng stress niya. Sita ni Mom kay Dad
Inistorbo agad mahal? Nanuod lang ako sa performance ni Baste.
Tigilan mo ang anak mo Sebastian at magbihis ka na.
Napakamot na lang ng ulo si Dad na sumunod kay Mom palabas ng studio.
Napapangiti na lang ako sa dalawang yun.
Antagal din bago natanggap ni Mom itong passion ko sa pagsasayaw. Pero hanggang dito lang talaga sa apat na sulok ng studio ko pwedeng magpakitang gilas sa Dancefloor.Andito na din ang mini Gym ko sa loob. Nagdudugtong ito sa mismong kwarto ko kaya kahit hindi ako lumabas ng kwarto, madami akong pwedeng gawin dito.
Napahiga na lang ako sa sahig. Minsan hindi ko alam kung blessing bang pinanganak akong mayaman, minsan naiisip ko na parang gusto kong mamuhay sa mga informal settlers site, kahit isang araw lang.
Noong bata pa ako pagdadaan kami sa mga kalye na maraming informal settlers, nakikita ko ang mga batang mga kaedad ko na naglalaro sa daan, kahit madungis at wasak yong mga suot nilang damit, hindi naman maikakaila sa mga mukha nila na masaya sila.
Because i never experience that kind of childhood. Kahit mababait naman ang mga magulang ko, masyado naman silang strict before because ayaw nilang may masabi ang ibang members ng family namin sa mga anak nila.
Para kaming nasa military noon ni Mark, andaming bawal. Kaya siguro ng maglegal age ako, para akong preso na bagong laya. Dun nagstart ang pagiging partygoer ko. Hinayaan naman ako nila Mom as long na wala akong gawin na gulo.
Nagpapasalamat pa din ako dahil sa trust na binigay nila Mommy sakin, wala akong naririnig na reklamo everytime na magpapaalam akong aalis sa gabi.
But sabi nga nila lahat may hangganan. Hindi pwedeng parati ka na lang masaya. Like now, i am bored as hell pero wala naman akong ganang umalis. Parang hindi ko feel uminom ngayon.
BINABASA MO ANG
PRIORITIES. (TAGLISH) FEB 2022
FanfictionHanggang saan ang kaya mong gawin para protektahan ang taong mahal mo. Hanggang kailan mo dapat gawin ang obligasyon mo bilang tagapangasiwa ng kumpanya ninyo. When is the right time for Love? When is the right time for Happiness? When is the right...