JENNIE
Hindi ako makakain ng maayos dahil hindi niya ako tinigilan sa kakatitig. Ano kaya ang problema nito.
Kelan ba kayo luluwas ng Baguio? Tanong niya
Wednesday. Hanggang sabado kami dun. Sagot ni Sana
Sasama ka ba sa Baguio Girl? Tanong ni Sana kay Irene
Madami pa akong aayusin dito eh. Baka sa susunod na. Andun naman ang Parents niya para mag alaga sa kanya.
So sa Baguio kana ba magsesettle? Tanong ulit ni Sana
Yeah. Wala na namang reason para manatili ako dito sa Manila eh. Kaya na naman ni Wendy at Karina na pamunuan. Paghanda na si Karina talaga, susunod na lang si Wendy sa Baguio.
Mabuti naman at mapagkakatiwalaan na ang kapatid mo.
Mapagkatiwalaan na yan sa maraming bagay.
Matapang yan eh. Matibay ang puso niya hindi katulad ko.Napatingin naman ako sa kanya at naghinang ang mga mata namin.
Bakit ang lungkot naman ng mata mo?
Tanong ng isipan koAno bang sabi ng Doctor mo? Kakayanin mo na bang hindi ka naka oxygen? Normal ka naman ngayon? Tanong naman ni Mina
Kaya na naman pero huwag lang yong mapapagod talaga ako. Iwas muna sa long walks dahil madali akong hinahapo. As much as possible mas makakabuti na ipahinga na lang muna. Iwas stress din kaya tambay muna ako.
Nahalata kong hirap din itong magsalita ng mahaba. Tumataas baba kaagad ang balikat niya pagmahaba ang sagot niya.
Wala ka naman taning?
Napatingin kaming lahat kay Sana. Anong klaseng tanong iyon. Pero infairness nacurious din ako.
Wala pa naman. Siguro pag inatake ako ng malala baka magkataning na. Nakakaya pa naman ng gamot. Pero masyado ng mataas ang dosage ko. Kaya binabawi ko sa Pagkain, baka ang katawan ko naman kasi ang bumigay.
Mabuti naman. Di pa nga kita natitikman eh. Pahiram Girl ha. Sabi pa ni Sana kay Irene
Depende yan sa kanya. Sagot naman ni Irene
Sorry pero iba ang gusto ko eh.
Sagot naman niya na nakatingin lang sakinKaya napatingin na din silang lahat sakin.
Kanina ko pa kayo nahahalata. Gusto niyo bang mag usap ng kayo lang?
Ang bibig talaga ni Sana kahit kailan. Walang preno.
Wala naman kaming dapat pag usapan. Di ba Jen?
Yeah. Matipid kong sagot
Nakataas kilay naman si Irene na nakatingin na din sakin. Syempre tinaasan ko din siya ng kilay, siya lang ba may kilay?
Jen can we talk? Tanong na ni Irene
Ramdam ko na agad na may tension.
Sure. Sagot ko din
Sama ako. Sabi ni Seulgi
No, dito ka lang. Sagot ni Irene at nauna ng umalis
Jen. Tawag ni Seulgi
Don't worry hindi ko aawayin ang Ex Wife mo. Sagot ko lang
Sa Garden kami sa harapan nakahanap ng mauupuan.
Ikaw ba ang sinasabi ni Seulgi na nakilala niya before? I mean yong babaeng nag alaga sa kanya? Deretsong sagot naman niya
Yes.
BINABASA MO ANG
PRIORITIES. (TAGLISH) FEB 2022
FanficHanggang saan ang kaya mong gawin para protektahan ang taong mahal mo. Hanggang kailan mo dapat gawin ang obligasyon mo bilang tagapangasiwa ng kumpanya ninyo. When is the right time for Love? When is the right time for Happiness? When is the right...