CHAPTER 27

48 3 0
                                    

JONGIN

Hindi ako sa Mansion umuwi pagkagaling namin sa Hotel. Magulo pa ang isipan ko kaya doon muna ako sa nirentahan kong kwarto dumiretso.

Sayo to Kuya?
Nakalimutan ko tuloy na low profile pala ako dito.

Ah, hindi. May pinuntahan kami kasi ng boss ko kaya ako ang naging driver niya sa ngayon. Umuwi lang muna ako dahil matatagalan pa daw siya sa meeting niya.
Palusot ko kay Yeji

Aba pormado ka din ah. Sosyal mo namang driver.
Tiningnan pa nila ang brand ng tshirt ko. Para silang inspector

Wala ba kayong mga pasok? Tanong ko nalang para hindi na ako ang focus nila

Kakadating lang namin. Exam week ngayon kaya by sched yong exam. Sagot naman ni Ryujin

Bihis kayo. Roadtrip tayo. Nasaan ba si Tae?

Tulog ata. Panggabi ang schedule niya.
Wait lang.

Iniwan naman nila ako bigla.

Ate Bel?
Tawag ko sa may ari ng bahay

Oh baste. Wow. Pogi natin ngayon ah. Ikaw ba ang may dala ng kotse? Sinisipat din niya ang BMW kong kotse

Magroroadtrip kami nila Ryujin. Sama ka ba?

Naku, hindi na. Walang magluluto dito mamaya. Baka magreklamo ang ibang borders.

Hiramin ko na lang po muna yong tatlo. Okay lang po ba?

Saan naman kayo pupunta?

Diyan lang po sa BGC. May food festival at banda doon. Alam mo na pang bagets.

Oh siya sige. Mukhang last day na naman ng exam nila ngayon. Mag ingat sa pagmamaneho. Ikaw na ang bahala sa tatlo ha. Makukulit yan bahala ka.

Salamat po. Hindi naman po kami uumagahin. Baka gabihin lang.

Sabihin mo na lang kay Ryu na dalhin yong duplicate ng mga susi.

Sige po.

Hinintay ko na lang ang tatlo. Kahit may hangover pako, ayokong mapag isa. Siguradong mag iisip lang ako at mag iisip. Bukas na lang ako mag iisip. Mag eenjoy muna ako kasama ang mga bagets na to.

Saan tayo pupunta Kuya? Excited na tanong ni Lia ng umandar na ang kotse

Saan niyo ba gusto? Yong makakauwi tayo ha. Baka ipapulis ako ni Ate Bel. Sagot ko

Enchanted kingdom tayo Kuya. Agad namang sabi ni Yeji

Doon ba tayo? Tanong ko sa dalawa

Sige Go! Pangarap talaga naming makapunta dun Kuya. Pero ikaw ang taya Kuya Ha. Agad namang sabi ni Ryujin

Ako ang bahala sa inyo. Relax lang kayong tatlo. Ano ba ang Dream Destination ninyo? Yong dito lang sa Luzon ha.

Hmmm. Ako Baguio. Sabi ni Lia

Ako naman. Gusto kong magSubic. Sagot naman ni Ryu

Ako. Gusto ko talaga yong Vigan. Kaso malayo. Sagot naman ni Yeji

Hayaan niyo. Sa bakasyon, magbabaguio tayo.

Agad naman silang nagtilian sa sinabi ko.

Sure ka ba Kuya? Baka prank to ha. Sabi pa ni Yeji

One month na lang Kuya. Bakasyon na. Baka nakakalimutan mo. Pagreremind pa ni Ryujin

Hanggang ano'ng Date ba ang pasok ninyo?

PRIORITIES. (TAGLISH) FEB 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon