3

1 0 0
                                    

Dahil sa dakilang pangyayare ay iniiwasan na ako ni Kookie.....

Waahhhh.... T.T

Nandito kami ngayon sa school.
Magkasabay kami kaninang umaga pumasok.
Kaso wala siyang imik.
At tuwing tatawagin ko siya ay sasabihan nya ako na bilisan ko daw yung lakad ko kasi malelate na kami.
Eh ang agaaga pa.

Haist....

Nagkita sina Kookie at Bea sa hallway and as usual and happy nila kaya dumiretso na ako sa classroom at nagtungo sa upuan ko at pinatong ang ulo ko sa braso ko.

Pumasok na din sina Kookie at Bea sa classroom nang holding hands at nagtatawanan.

Bakit ko ba naiwan yung headset ko kung kelan ayaw kong marinig yung tawa nang babaeng yun.

Sa unang tingin mabait si Bea, humble, at palakibigan. Pero ang totoo ay napakabruha niya daig pa yung mga antagonist sa kahit anong movie man yan.

Ilang beses niya na akong sinasaktan at sinasabihan na layuan ko si Kookie at wag ko daw agawin sa kanya ang attention ni Kookie.
At dahil ayaw kong mainis sakin si Kookie ay hindi ko sinusumbong sa kanya yung mga pinagsasasabi at pinagagagawa ni Bea sakin dahil for sure hindi niya naman ako papaniwalaan at si Bea ang kakampihan neto.

"Goodmorning class!" Dumating na ang Math teacher namin kaya natigil na din sa paglalandian sina Kookie at Bea.

"Goodmorning sir!"

"Today we are going to discuss on  how to derive the formula of…"

*kringgggg~*
Tunog nang mahiwagang bell na nagpapahiwatig na recess na.

Nagsitayuan ang mga estudyante nang nag goodbye na si sir at lumabas ng classroom.

Umalis na din pati si Kookie kasama si Bea nang hindi man lang ako nililingon. Sakit ha. Tagos sa ribs.

Tutal may baon naman akong dala kakain nalang ako dito sa classroom. Nilibot ng paningin ko ang room at ni isang estudyante maliban sa akin ay walang naiwan kaya ang tahimik ng room. Ok na din siguro to kesa makita ko silang naglalandian.

"Hi. Vanessa Kim right?" Lapit sa akin ng isa sa kaklase ko? Hindi ko maalala kung isa sa kaklase ko o hindi dahil wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko maliban kay Kookie.

"Yes. And you are?" Sagot ko kasi nga hindi ko kilala alangan magpanggap ako na kilala ko siya kahit hindi naman.

"Ouch." Luh? Nakagat ba siya ng daga? Ipis? Lamok? Langaw? Biglang nagouch eh.

"Kinagat ka ba nang langaw?" sa dami nang naisip kong kumagat sa kanya bakit langaw pa ang lumabas sa bunganga ko?!

"Ouch. Kasi you hurt my feelings. Kaklase mo ako eh tapos we are seatmates pa naman din pero hindi mo ako kilala. Nakakahurt kaya." Sabi niya na may pahawak effect sa puso niya na kunware nasaktan.

"Ahy ikaw pala yung natutulog lagi sa tabi ko." Nasabi ko nanaman nang hindi sinasadya.

"Ikaw ah. Namumuro ka na. Kanina mo pa ako sinasaktan ng mga masasakit mong salita. Huhu" hala may nabaliw na ata.

"Wala ka bang balak kumain? Kasi kung wala, ako merong balak kumain kaya magpakain ka." Sabi ko dahil gutom na ako.

"Bigyan mo ko share tayo." Sabi niya na hindi ko parin alam pangalan niya pero ang kapal nang mukhang humingi nang pagkain ko.

"Yan." Inabutan ko siya ng isang skyflakes.

"Wala bang panulak na kasama?" Tinaas baba pa niya yung magkabilaang kilay niya. Aba hindi man lang nahiya!

"Baka gusto mo itulak kita palabas nang classroom pag hindi ka pa nagtino?" pagsusungit ko sakanya. Hindi naman ako ganito eh. Ewan ko lang kung bakit naiirita ako sa kanya o baka wrong timing lang siya mangulit kung kelan... broken hearted ako…

"luh, nabaliw ka na ata. Ako dapat umiiyak kasi pinapalayas mo ko dito eh." Pinunasan niya yung tumulo kong luha.

Hindi ko pala namalayan na umiiyak na pala ako. Anubayan. Nakakahiya.

"Sino ka ba? Baka mamaya kidnapper ka pala wala kaming pangransom."

"Ahy grabe ka. Nabaliw ka na nga talaga. Kanina nagtataray tapos iiyak tapos ngayon pagsasabihan mo akong kidnapper? Hah. Masyado akong gwapo para maging kidnapper!"

"masyadong mahangin ang sabihin mo! Baka gusto mong masapak kita?"

"Huwag naman po. Madami ang iiyak kapag nasugatan ang maganda kong mukha ;) " napairap nalang ako sa taas ng confidence nitong lalaking to eh. Gwapo naman siya pero syempre mas gwapo si kookie hihi~

"Brylle Fuentes nga pala ;) "

Ha? Yung isa sa mga hartrab nang school?!

Weyt kelan ba naging bigdeal sakin yung mga yun. Loyal ako kay Kookie huehue, na loyal kay BeadaBruhilda.

"Ahh. K." Nasabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Meron ka ba? Ang dali mong magpalit nang mood eh… Aray! Bakit mo naman ako binatukan eh nagtatanong lang naman ako eh." nagpout siya habang hinihimas yung part na binatukan ko.

"Kumain ka na nga lang baka gusto mo kalbuhin kita?"

"Opo na po."

Pagkasabi niya nun ay kinain niya na yung biscuit na binigay ko at buti naman tumahimik na ang classroom.

"Bakit ka nga pala nagiisa dito?"

"Kasi hindi dalawa?"

"Pilosopong bata"

Unti unting nagbalikan yung mga kaklase ko sa classroom dahil malapit na pala magtime para sa susunod na subject at dahil sa pesteng Brylle na to hindi ako nakakain ng maayos.

Dumating na din sina Kookie at Bea.

"Oy kung nakakamatay lang ang titig matagal nang nasa ilalim nang lupa yang magsyota sa titig mo ah."-Brylle

"Tsk"

"Selos ka noh? Ikaw ah may gusto ka kay Kookie noh? Ayiee Selos siya." Pangaasar niya sakin at kanina pa ako nagtitimpi kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa aking naibunyag na ikinagulat nang lahat ng magaaaral sa classroom namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends Lang Wala Nang Iba? (BTS JUNGKOOK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon