Chapter 57 This is it!

680 8 2
                                    

Ehra's POV

ITO ang araw, na ginawa ng PANGINOON :)))

Tayo'y magsaya :)))

at magalak :)

Sabado, February 9, matapos ang dalwang taon at 2 buwan kong pag stay sa Manila. Kasama ng tunay kong pamilya, kasama ang mga kasambahay na napamahal na din sa sakin, kasama ang magagandang mga gadgets at appliances, mga sasakyan, mga gamit na pangmayaman, mga masasarap na pagkain, masarap na buhay.

Eto ako, handang lisanin ang lahat, handang magsacrifice, handang lumayo, handang maghirap.

Ginusto ko to eh. hehe.

Kung masaya ako?

OO. Masaya dahil hindi matutuloy ang kasal namin ni Charles, masaya dahil makakasama ko si Kiefer, kahit na alam nyang mahihirapan kame pareho, kahit alam nyang madami syang maiiwan, ayos lang sa kanya, basta masamahan nya lang ako. BASTA MAKASAMA NYA AKO! :)

Kung malungkot ako?

OO. Nakakaramdam din ako ng lungkot, dahil mapapalayo kame pareho sa mga mahal namin sa buhay, sa mga kaybigan at classmates, sa PARK, sa ADENEO, at si kiefer sa EAGLES... Alam ko mahirap sa kanya, kase mahal na mahal nya ang mga ka team nya at ang mga coaches, kaso wala syang magawa, isasacrifice nya yun para sa akin...

at walang ibang me kasalanan nito kundi ang mga magulang ko!

Mga selfish kong magulang!!!

Kung MAHAL KO SILA???

OO... MAHAL NA MAHAL PA DIN!!!

Alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ko , pero hindi nila iniisip ang nararamdaman ko.... :(((

Miss na miss ko na sila, miss ko na yung mga lambing nila sa akin, mga kulitan namin, mga hangouts namin. :(

Hindi ko alam kung maibabalik pa namin yun sa dati, lalo na ngayon.

Pero desidido na ako.

Paglabas ko ng kwartong ito, pupuntahan ko lang si Charles na nagiintay na sa labas ng aming bahay..

At ilang oras from now...

MAKIKITA AT MAKAKASAMA KO NA ANG MAHAL KONG SI KIEFER RAVENA.

AT KUNG MAGHIHIWALAY PA KAME????

NEVER!

"Iha???"

salubong sa akin ni dad paglabas ko ng kwarto.

Naghihintay na sya dun at mukhang malungkot. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, buo na ang loob ko, ayokong lumambot ang puso ko para sa kanya, dahil sa ayaw ko at sa gusto, alam kong sya ang masusunod, alam kong ipapakasal nya din ako kay Charles.

Hindi ko sya pinansin at tumuloy lang ako sa paglakad.

Bababa na sana ako ng hagdan pero napatigil ako sa sinabi nya.

"Anak, miss na miss na kita...

Mahal na mahal ka ni daddy...

mahal na mahal ka namin ng mommy mo!"

napakalungkot ng boses ni dad, tagos sa puso ang sinabi nya, pero matatag ako.

HINDI AKO PAPAAPEKTO!

"May lakad kame ni Charles, he's waiting outside.

please excuse me po"

sagot ko at humakbang na ako pababa ngunit muling napatigil sa sinabi ng mahal kong ama.

"Anak, ganun mo ba sya kamahal para makaya mong talikuran ako???"

The Player's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon