CHAPTER 13 BABE???

651 4 0
                                    

“Class dismiss.

You may go guys.

Godbless”

“Thank you sir…”

Tulala padin ako.

Nakatingin lang sa board..

 Halo halong emotion lang ang nasa akin ngayon..

Lungkot at disappointment dahil bumagsak ako.

Di ko napanood ang game,

Di ko nakita si kief.

Regret, dahil napaka shunga ko…

Confused, kung anong meron ke kief?

Bakit wala man lang syang paramdam … (sad face)

Sayang talaga!

Kung nagbasa lang sana ako ng ayos!

Wala lang akong magagawa kundi tumulala habang tumutulo mga luha ko…

20 minutes nang tapos ang klase.

Nag alisan na yung mga kasama kong bumagsak,

pati si sir…

Binigay pa sa akin ni sir yung book let bago sya umalis…

“Ehra?

I am sorry ah…

Pero may usapan naman tayo dibah?

Wag mo sana isipin na napaka cruel ko…”

“Hindi po sir…

naiintindihan ko po…”

“So,

tara na…

umuwi na lahat ng classmates mo…

Wala na naman daw kayo klase”

“Sige sir…

Dito na po muna ako…

Wala na naman pong ibang magkaklase dito”

Nakatulala padin ako habang nakikipagusap kay sir…

daig ko pa ang ginahasa kung maka react ako… haha

"You know what,

sa halip na magmukmok ka jan,

why not go out…

Baka makikita mo sa labas yung mga gusto mong makita.

Yung ate mo,

baka andito pa sya...

Sige na…”

“Ok lang po ako sir…

Wag nyo na po ako alalahanin”

“Nagi guilty kase ako eh”

“Wala po yun…

Gusto ko lang po talaga mapagisa…

Wag na po kayo magalala sakin.

Okay lang po talaga ako”

At nagsmile ako kay sir...

para nadin, sabihin na…

ayus lang talaga,

wala akong problema sa kanya…

Umalis na si sir,

nadidinig ko yung mga usapan ng mga estudyanteng dumadaan…

The Player's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon