Chapter 28 The <3 Never Forgets!

546 4 0
                                    

“Iha…

Okay ka lang ba???”

“Dad…

Huhu…

Dad…

Hirap na hirap na ko…”

“Iha…

Lumabas ka na kase dyan.

Dadalhin ka na namin sa ospital…”

“NO!!!”

“Ehra…

Wag ng makulit…

Come on!!!”

“Ayoko nga po!”

“Bakit ba ayaw mo iha???”

“Nahihiya ako eh…

Huhuhu…

Dad.

Ansakit sakit na ng tyan ko…

Bakit kase di makuha sa loperamide toh…”

Nagtawanan silang lahat.

Nasa loob ako ng cr ng room ko pero pakinig ko sila…

One hour na ako dito sa loob.

Kanina pang mga 2 pm nung nagstart sumakit ang tyan ko.

Naka ilang take na din ako ng gamot pero wala pa din…

Naiiyak na nga ako sa sakit eh.

Para kaseng inaantok na ako dito sa loob ng cr.

Wala na nga akong iniinom o kinakain pero todo pa rin sa pagsakit ang tyan ko.

Nahihiya akong magpadala sa ospital kase sigurado namang malalaman ng mga classmates at friends ko to.

Nakakahiya na kaya ako naospital ay dahil sa LBM.

Sama na ng pakiramdam ko pero tinatawanan pa nila ako…

“Why are you laughing???

Huhu.

Kala nyo ba masaya na magkaganito?

Nahihirapan na ako…

Nahihilo na ko.

Sobrang sakit na ng tyan ko.

Tapos tumatawa lang kayo dyan???”

“Ayaw mo naman kase magpadala sa Ospital.

Pano ka ba gagaling?

Iha.

Hindi na nga tumatalab ang gamot dibah?

Hindi na yan basta LBM lang…”

“Nakakahiya nga po Dad.

Malalaman sa school toh!”

“Anak, lahat ng tao dumadanas sa LBM.

Hindi lang ikaw…

Tara na iha.

Nag aalala na din kame dito para sayo.

The Player's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon