"anak????
Anak???
Anaaaakkkk Kooooooooo!!! Huhuhu...
Anaaaaakkkkk kooooooooo!!!"
sigaw ni Tita stella sa loob ng ospital.
"Ehra?? Anak...
Anak ko, salamat naman sa Diyos at nagising ka na.. Dyos ko po, salamat po."
Ito ang mga unang linya na nadinig ni Ehra pag gising nya.
At ang kanyang mommy Stella ang una nyang nakita pag mulat ng mga mata nya.
March 13
matapos ang dalwang araw na pagkakatulog mula sa operasyon, eto ngayon si Ehra, nasa loob ng kwartong huli nya ding nakita bago sya operahan.
Sa loob palang kase ng kwartong ito ay hiniling nyang patulugin na sya dahil ayaw nyang makita ang loob ng operating room,mga doctor na magoopera sa kanya at mga gamit na gagamitin sa operasyon.
Kasama nya din ang mga taong huli din nyang nakita, nakasama, nayakap at nakausap bago sya operahan.
Nilibot nya ng tingin ang paligid ng silid. Sila din yun.
Ang kanyang mga magulang, si Clarisse, si nanay Azon at Kim,si Karla at Nico, si Chris, Charles at Gretchen.
pero mukhang may kulang.
"Asan si Kiefer???"
Yun ang mga unang salita na nabigkas nya nang mga oras na yun, pero wlang sumagot sa tanong nya. Walang pumansin sa kanya.
Sa halip ay suno sunod na tanong mula sa kanyang tuwang tuwang ina ang nadinig nya.
"Anong gusto mo anak?
Nagugutom ka ba?
Tatawagan ko si manang Fe, anong gusto mong ipaluto? Gusto mo bang ipagluto ka nya ng mga paborito mo? Ano ba anak gusto mo?
May masakit ba sayo anak?
Nakikilala mo ba kameng lahat Ehra? Ako anak? Kilala mo ba ako?
Ang mommy mo to.. Ehra???"
Nagtawanan naman lahat ng nandoon dahil sa pagkataranta ng ina.
"Ma, ano ba? relax ka lang"
Sabi ni Clarisse na lumapit sa kanya at hinaplos ang buhok nya. Maluha luha ito pero nakangiti.
"Ate???
Asan si Kief???"
Tanong ni Ehra.
"Sabihin mo lang baby kung anong gusto mo ah.
Kung may nararamdaman kang masakit. Sabihin mo lang ah."
Yun ang naging sagot ni Clarisse sa kanya.
Pagkadinig nun ay muli nyang nilibot ng tingin ang paligid. At ang mga nakangiting bantay at dalaw padin ang nakita nya. Lahat ay nakatingin sa kanya. Lahat ay masaya para sa kanya.
"Nasaan si Kiefer???"
Sa pangatlong beses ay muli nyang tanong. Pero sa pangatlong pagkakataon ay wala din syang nakuhang sagot.
TOK TOK TOK
Isang nakangiting lalaki ang iniluwal ng pintuan.
Kasunod nito ang dalwang mga nurse.
BINABASA MO ANG
The Player's Girl
FanfictionFilipino ka diba? so Mahilig ka sa basketball??? sinong mga UAAP fans jan? raise your BOTH FEET... wwoooohhh! hahaha... dakilang fan kase ako ng UAAP.. ng ateneo specifically. so here it is.. at adik na adik ako kay KIEFER RAVENA kapag minsan... eto...