Chapter 64 - My Last Waltz with You

551 16 24
                                    

 JUNE 03

"Lahat kaya kong ibigay sayo.

Kahit pa ang puso ko."

Paulit ulit ang mga linyang ito sa pagrehistro sa utak ni Ehra.

Ehra's POV

Patay ka na nga ba Kiefer?

Bakit naman ganun? huh? Anong ibig sabihin nun?

Iniwan mo din naman ako eh, diba pinangako mo sakin na hindi mo ako iiwan.

Pero sabagay, Hindi mo naman ipinangako na hindi ka mamamatay. :(

Huhuhuhu...

Ang daya daya mo naman.

Kung sinabi mo agad na mamamatay ka, edi sana namatay na lang din ako :(

Pero sabagay. Hindi mo naman alam na mamamatay ka na. 

waaaaaahhhhhhhh!!!!

Kiefer Isaac Crisologo Ravena :(

Pano pa ko mabubuhay kung wala ka na. :(

Naramdaman mo na ba agad yun bago ka operahan kaya ganun yung mga sinabi mo sa sulat? huh? :(((

Pano na ako Kief? Pano ko pa kakayanin kung wala ka na.

Alam mo naman na ikaw ang nagpapasaya sakin, pano ako magiging masaya?

Alam mo naman na ikaw ang buhay ko, pano pa ako mabubuhay?

Alam mo naman na ikaw ang pangarap ko, pano pa ako mangangarap?

Pag wala ka? Parang wala nadin ako. Wala na ang lahat sakin. :( Cause you are my everything. :(((

"Lahat kaya kong ibigay sayo.

Kahit pa ang puso ko."

Tama ba ako sa naiisip ko?

Kaya ba hindi magsink in sa utak ko na wala ka na eh dahil andito ka lang?

:(((( Kefer. :((((

Bakit?

"Anak, kakain na tayo. Baba ka na."

Si mommy, di ko napansin ang pagdating nya...

"oh Ehra? Umiiyak ka na naman?

Anak, tama na naman yan oh!

Please?"

Ngumiti lang ako pagkasabi nya nun.

Tumayo ako at sabay na kameng lumabas ng kwarto ko para sa agahan.

Nasa mesa na sina Daddy at ate, Naupo ako sa upuan ko.

At nagsimula na kameng kumain.

Matapos kumain, nagpunta ako sa sala at naupo. Sina dad naman ay nagpunta sa pool area. kita ko sila mula sa kinauupuan ko. Niaaya nila ako pero sinabi kong gusto ko munang manood ng tv.

Masarap ang pagkain, wala akong masasabi sa luto ni Manang Fe. :) The best talaga sya magluto ever. :) Niluto na naman nya ang paborito kong adobo. Ako lang ang mahilig sa adobo samin, kaya feeling ko lagi Fiesta na kapag nagluluto si manang ng adobo. haha. Swerte ko. 

Nilibot ko nang tingin ang paligid, maganda ang bahay namin. Mahangin mang pakinggan, pero mayaman kame. Lahat ng gusto at kaylangan ko, kahit hindi ko hingin napupunta sa akin. Nagkasakit ako at nagawa nila akong ipagamot. Nakapagaral ako sa Adeneo. Pero freebies na lang lahat yun. Bonus na lang. Swerte ko.

The Player's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon