All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.Psyche.
The following scenes and events are somehow based on real events and or experience of the author. And with a wide imagination and ideas their are added and modified events to it, to further make it scary.
DUMATING NA PO TAYO SA MGA EPISODES OR CHAPTERS NA PURONG PARANORMAL ANG TEMA.
SO JUST SIT BACK AND ENJOY!"The Haunted Dormitory"
.
Author's POV
Si Ted ay isang binatang nanunuluyan sa isang malaking Dormitory sa isang kilalang bayan sa Mindanao. Dalawa hanggang sa tatlong buwan itong nakatalagang mamalagi roon. Ito ay dahil sa iyon ang nakasaad sa contract na pinirmahan nito sa kumpanyang kanyang inaplayan. While traing ay doon sila iaacomodate ng company. Free of everything including food,water, aircon and with weekly allowance pa. O diba saan ka pa hahanap ng ganitong work na kahit hindi ka pa hired ay marami ka nang benefits.
.
Crystal Valley Dormitory ang pangalan nito. Isang malaking gusali na may apat na palapag. Meron itong mahigit kumulang apatnapung kwarto (40 rooms) may dalawang restrooms (Pambabae at panlalaki) at dalawang sitting area na kung saan may Flat Screen cable TV. Ang bawat silid na pang anim na tao ay may aircon at isang sealing fan sa loob. It's also wide at very comfortable tirhan.
.
But on some matters ay hindi palagay ang loob ni Ted sa lugar na iyon mula pa noong umpisa siyang tumapak dito. Something wierd ang bigla niyang naramdaman pagkapasok pa lang niya rito.
Ted has his senses openned, ang ibig kong sabihin ay bukas ang kanyang pandama sa mga bagay na paranormal. Alam kaagad niya na may mga espirito na nandoon sa dormitoryo. Marami sila.....
....
First day of arrival......
"Wow! Ang laki naman ng lugar na ito guys!" sabi ng ka batch nitong bakla na si Jam.
"Oo nga, dito ba talaga tayo titira?" sabi naman ni Ara isa pa sa makakasama niya.
"Sure thing. You'll all be staying here for the rest of the training days." ito naman ang sagot sa kanila ni Mr. Carlo Hernandez sa kanilang anim.
Si Ted ay tahimik lang na nakatanaw mula sa kanilang likuran. Maigi nitong pinagmamasdan ang bagong magiging pansamantalang tirahan. Nang inaya sila ni Carlo na pumasok ay agad naman nilang binitbit ang mga dalang gamit.
.
"Oh my!" biglang nasabi ni Ted ng makatapak sa unang baitang ng hagdan ng dorm.
"O, anyare?" usisa ni Jam.
"Nothing..." pagkakaila ni Ted.
Hindi na lang pinansin ni Ted ang masamang aura na naramdaman niya sa lugar at nagpatuloy sa pag-akyat. Lahat naman talaga ng ganitong lugar ay may mga ganitong bagay... Di pa ako nasanay... Sa isipan nito.
.
Ipinakilala sila sa mga makakasama nila sa kwarto. Apat sa kanila ay babae at siya lang at si Jam ang boys. Well siya lang pala, si Jam kasi half-half lang. Jam and Ted were assigned to room 207 sa third floor and the girls are on room 309 sa fourth floor. May tatlong makakasamang trainees din sila Ted sa room at saktong pagdating nila ay nandoon ang isa sa mga ito. Si Mat, isa rin itonh trainee na lampas isang buwan na sa training. Matanda ito ng isang taon sa kanila ni Jam na 23. Matangkad, medyo slim but muscular at may kaputian ang kutis.
.
"Hi, I'm Mathew Montecarlo, welcome to crystal valley dormitory!" bati nito sa kanila. And oh, ang accent ng guy nato ay sobrang astig. Parang foreigner lang talaga...
.
Nagpakilala naman din sila in return. Tinulungan sila nitong ipasok sa loob ang kanilang gamit at tumulong din ito sa pag-aakyat ng mga bagahe ng nila Ara sa fourth floor. After that ay bumalik sila sa third floor at tumulong si Matt na iayos ang mga bed nila Ted at gamit sa assigned cabinet nila. They chitchat for a while bago naglibot-libot sa buong boys floor. Bawal kasi ang mga boys sa girls floor according sa rules ng dormitoryo. At tadtad ng surveillance camera ang bawat hallways kaya mahuhuli talaga ang lalabag sa rules dito. At strictly no smoking inside talaga dito.
Tanghali pa lang kaya napagpasyahan nilang magliwaliw muna kasama ng mga kaibigan nilang babae. Since naging palagay na ang loob nito sa mga kasama. Iisa lang din naman ang town na pinanggalingan nila eh. They went to the mall which is walking distance lang sa dormitory nila. Stroll for about three hours at kumain. It was 5pm when they got back galing sa pamamasyal. Bago pumanik ay nag log muna sila sa logbook na hawak ng guard at kinuha ang susi ng kanilang mga rooms. Sabi kasi ni Matt na pang gabi na ang sched nito sa training and that he have to be early as 5pm sa company para sa mga ilang importanteng bagay. Nang maghiwalay na sila sa mga girls ay agad nilang tinahak ang may kadilimang hallway. Binilin narin ng isang nagbabantay dun na kung maaari ay sila na lang daw ang magsindi ng mga ilaw para lumiwanag.
.
"Ay nakakatakot naman to teh! Ang dilim sobra!" narinig nitong reklamo ni Jam.
"Kaya nga we need to turn on the lights diba?" sabi nito. "And besides, not all of the lights are off. OA ka lang masyado."
.
"Eh bakit ba kasi tayo pa ang gagawa nito.? Why not si manong katiwala na lang ang gumawa. Ano sya, walang paa at kamay? Imbalido ang peg?" pagrereklamo nito.
.
"Reklamador mo talaga, sobra. Hindi naman lahat ng switch ang iti-turn on natin eh. Yung madadaanan lang natin. Like this." sagot maman ni Ted sabay switch on sa switch sa bandang kanan nito.
.
"Sa bagay may point ka..." at nakigaya narin si Jam sa kanya untill sa marating nila ang tapat ng kwarto nila. Ibinigay ni Ted kay Jam ang susi para ito na ang magbukas.
.
Habang binubuksan ni Jam ang pinto ng kanilang silid ay napadako ang kanyang paningin sa katapat nilang room. Napako ang paningin niya doon kasi semi-open ang pintuan kaso walang ilaw sa loob. Kadiliman lang ang nakikita niya mula sa maliit nitong pagkakabukas. Naisip niya na baka nakaligtaan lang na isara ito ng umoukupa ng silid. So, he just did them a favor and shut the door closed. And to his shock ay pinanindigan ito ng balahibo dahil sa sobrang lamig ng door knob na tila nagyeyelo.
.
"Hooy! Anong ginagawa mo? Di ka ba papasok Ted?" biglang pukaw ni Jam sa kanyang atensyon.
.
"Ah, wait a sec." dahan dahang lumapit ito sa kinaroroonan ni Jam na nakapasok na sa kanilang silid. But before entering ay napatingin siya sa dulo ng hallway na may kadiliman... And he saw something. Isang bulto ng katawan ng tao... But it seems to be not a guy. Dahil nakasuot ito ng kulay puting damit... Isang babae?
Pero boys floor yun. Bawal ang girls sa area na yun noh! Hindi na lang ito pinansin ni Ted at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid nila......
.
End of Chapter....
Incident 1 will run up to six (6) chapters po. Isa ito sa mga case na iha-handel ng Order of Three.
Ng team ni Seigmund, Ashley at Jayden.
Sa tingin nyo what is going on dun sa building na iyon?
May multo ba doon o may higit pang nakakatakot na bagay..?
Abangan!.......
![](https://img.wattpad.com/cover/29981878-288-k650746.jpg)
BINABASA MO ANG
The Order Of Three (ON HOLD)
FantasyIsang samahan na may iisang layunin. Walang iba kundi ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mundo. Pero ang tanong, kaligtasan para saan? Sa masasang loob, kriminal, terorista at iba pang bandidong grupo?... O baka naman may iba pang dahila...