All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Base 3"
"Lt. Fritz, any news regarding team Posiedon? Ilang araw na silang walang comms dito sa Base 3." tanong ng isang balbas saradong lalaki.
Mga nasa mid-thirties na at matipuno ang katawan. Siya ay nasa loob ng isang malaking silid. Isang control room kung saan marami kang makikitang monitors sa paligid. Maraming staff na nakaupo sa kanikaniyang upuan at abala sa kanilang ginagawa.
"Admiral, base po sa LPC (Last Point of Contact) nila ay malapit na sila sa target location. Janus picked up a signal interruption sa coordinates na iyon. And our ESP team can't contact them either sir." sagot ni Lt. Fritz.
Napakunot ang mukha ng Admiral sa sinabi niya at napatutop ang kanang palad sa noo nito.
"Look's like they're on there own. Try to establish communication again. Hindi natin sila pwedeng pabayaan doon. Report to me kapag nakontak nyo na sila." muli ay tumayo ito at naglakad patungo sa pinto.
"Yes sir!" sagot ni Lt. Fritz.
Agad na pinakilos ni Leutenant Anton Fritz ang mga kasamahan para gawin ang pinapagawa ng Admiral sa kanila.
Team Posiedon is a team composed of five individuals. One Captain, one vice Captain and three team members. Their mission is to eliminate a very powerful ex-soldier/terrorist Alfonz Ortiz. The team is not just an ordinary MERC (Mercinary) group. They are what we call SPECIAL individuals.
May mga abilities sila that surpass an ordinary human being. Dahil hindi rin naman ordinaryong tao ang kanilang makakalaban. Alfonz has a superhuman group protecting him. Mga gaya rin nila ang mga ito kaso nga lang nasilaw lang sa salapi. Mga SPECIAL na nasa panig ng kasamaan. Mga Assasins for hire ang iba at ang ilan sa mga ito ay napapabilang pa sa WANTED LIST ng Order.
"Sir." biglang sabi ni Janus Centurion, pinakabatang ESP team member ng Base 3.
"What is it Sgt. Janus?" tanong ni Fritz.
"May nasasagap akong psychic wave na mula sa mga singsing ng Team Posiedon. They have engaged with the target and now in pursuit." lumapit si Janus sa kanya at hinawakan ang likod ng batok ng Leutenant. Gamit ng Mind Project ay naipakita niya ang mga nagaganap sa nasabing team.
Meron palang Psychic Type na babaeng tumutulong sa kaaway. Ito ang dahilan ng pagkawala ng komunikasyon ng team sa base.
Dapat silent operation sana ito pero ng dahil sa existance ng Psychic sa panig ng mga kaaway ay madaling natunugan ang grupo ng Posiedon.
"Arthur! This is Lt. Fritz. Eliminate the target ASAP and retrieve Project Leo." nagsalita si Fritz using Janus telepathic ability.
Pagkatapos nito ay sinabihan ng Leutenant ang lahat na i-monitor ang mga nagaganap.
Muling bumalik si Janus sa kanyang station at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Project Leo? Ano yun?" tanong ng isang babaeng katabi niya. Di kasi niya sinasadyang marinig ang sabi ng leutenant.
"Isang syrum. Pero hindi ko alam kung ano ang gamit nun." sagot ni Janus.
"Ah, ok!" pasimpleng sagot nito.
.
End of Chapter...
BINABASA MO ANG
The Order Of Three (ON HOLD)
FantasíaIsang samahan na may iisang layunin. Walang iba kundi ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mundo. Pero ang tanong, kaligtasan para saan? Sa masasang loob, kriminal, terorista at iba pang bandidong grupo?... O baka naman may iba pang dahila...