All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Jayden's POV"
[Base 3]
At nagsimula ang training namin after breakfast. Physical training ang una naming ginawa. If you think madali lang, well no my dear! Combat ability ang inuna sa aming tatlo as newbie sa grupo. Lt. Fritz personaly handled our training, tinuruan niya kami ng basic forms. Yung part na yun ang madali but as we move on ay pahirap ng pahirap. To us ni Ashley nga lang, pero itong si Sieg ay balewala lang sa kanya.
He looks not serious pero kapag pinapaulit sa kanya ang moves ay mina-mani lang niya. Lamang nga lang sa amin ang ability niya, sa tingin ko eh alam na niya lahat ng combat abilities na meron sa mga libro.
"Lleutenant I don't need this. This is childs play for pete's sake." reklamador pa talaga ang ungas!
"Hindi ako nagrereklamo Jayden, I'm just stating facts. Nung malaman kung combat ability ang una nating gagawin ay inaral ko na ang lahat ng martial arts by touching Lt. Fritz at ng iba nating mga kasama dito." paliwanag ni Sieg.
"Mind reader ka nga din pala. Ang daya ng ability mo, you can just instantly learn anything if you want. So tell me, what are the other things that you can do?" sagot ko..
"Secret!" at tinawanan lang ako.
Pinabayaan na lang ito ng Lleutenant at sa amin na sa tabi na nagpahinga. Nagfocus na lang ito sa amin ni Ashley.
So far so good naman at nakakasunod naman kami sa mga kilos ng tinyente at nage-improve. After 1 million years ay pinagpahinga na muna kami ni Lt. Fritz at tinawag si Sieg sa gitna ng training room. Sa may parang arena sa gitna, doon sila tumayo. As if automatically ay nagkaroon ng platform na pabilog doon.
"Let's spar Siegmund para di ka nakatunganga dyan." nagsalita si Lt. Fritz.
Natigil ang lahat sa training nila at pumalibot na lamang sa platform. Balak ata nilang manood sa sparing session ng dalawa.
"Sure why not Lt. Fritz. I'm getting bored anyway." pumayag naman si Sieg.
"Good, so let's start. We can use our ability sa laban." Lt. Fritz.
"Sige, but I'll limit mine to be fair. I wont use Telekinesis, psyshokinesis and the likes. But expect that I'll be using enhanced physical strength, speed, endurance, hearing, and force." sagot ni Sieg.
"Fair enough Sieg."
May naasign na mag ring ng bell to start the duel. Mabilis ang mga pangyayari matapos tumunog ang bell. Mabilis na nakalapit si Siegmund kay Lt. Fritz at inundayan ito ng suntok sa dibdib. Ngunit nahawakan ito ni Lt. Fritz and using his ability ay gumanti sya ng suntok using a diamon fist. But Sieg bended back para ilagan ito at nag back-flip sya kicking Lt. Fritz head. Dahilan upang umangat ito sa ere, pansin ko na naging kasing tigas ng diamonds ang buong katawan ng tinyente.
While in aerial status ay nagbago ang anyo ng braso ni Lt. Fritz at naging matalim na blade. At kusa itong humaba para abutin si Sieg. Muntik ng tamaan sa leeg si Siegmund kung di lang siya nakailag, nabaon ang blade sa metalic platform. Sobrang talas nito, so this is Lt. Fritz nature adaptation ability. He can shift into almost every metalic substance and be exactly like it. Sa ngayon ay earth element pa lang ang pinapakita niya.
Hinugot na niya ang talim at gumawa pa ng isa sa kaliwang kamay. So ngayon ay dalawang blade na ang gamit niya kay Sieg. Mabilis si Siegmund at nakakatama naman, but how can you inflict damage sa isang kasintigas ng metal? Kampante parin naman si Siegmund, nakangiti pa nga eh. Bigla niyang hininto ang pag-ilag sa mga atake ng tinyente at umaktong sasalubungin ito. Gosh! Is he insane or crazy?!
But to my surprise ay nagawa niyang pigilan ang dalawang blade using his index fingers. We don't know what happened but yes nagawa niyang pigilan ito gamit ng hintuturo lang.
"Your ability is supremely strong. But the logic is that, I just have to be stonger. I studied this form and created a body that will withstand it. Pinatigas ko ang katawan ko to the point that your blade won't be able to penetrate it.
He then disappered and reappered sa likuran ni Lt. Fritz giving him a powerful blow. It was just a straight punch mula sa likuran but it has ki added to it. Napatalsik si Lt. Fritz ng mga ilang metro at naglaho ang form nito at nagbalik sa normal.
"Your ability relly on focus. Without it you will lose your form." pasimpleng paliwanag ni Siegmund.
At kami naman dito, as in lahat kami ay gulat. Biruin mo tinalo niya ang second in command ng base na ito. Although Lt. Fritz was not that badly injured. Konting bugbog lang sa likod pero natalo sya.
"Amazing Siegmund!" puri nito kay sieg. "Hindi ako nagkamali sayo. Nasasaiyo ang katangian ng isang future captain." at ngumiti ito.
"Everybody let's all have a break. Tapos na ang palabas. Disperse..." pagpapatuloy nito.
That was just five to seven minutes duel pero ang lakas ng impact nito sa aming lahat. I can't get over it, lalo na ang mga sinabi ni Lt. Fritz. Future captain? Ano yun?
*********-*-------*************
"Somewhere in Atlantic Ocean"
"Unknown's POV"
Malapit narin ang takdang oras, kaunting hintay na lang. Malapit nang maging perpekto ang bioroid program sa tulong ng project leo. Gigising na ang mga perpektong mandirigma na nilikha ko. A new era shall arise and all man shall kneel before me!
For almost thirty years ng pananaliksik ko sa larangang ng biorobotics, cybernetics, bionic at genetic engineering ay sa wakas nakagawa ako ng isang tinatawag na bioroid. This bioroids are genetically engineered humans that are superior in overall biology, but feature ntentionally suppressed emotional capabilities. Sila ang magiging sandata ko upang sakupin ang mundong ito.
At sa karagdagang tulong ay mas mapapalakas ko pa ang aking mga nilikha. Salamat sa project leo. Sa tulong ng nanogene na ito ay magiging imortal ang aking mga bioroids , they kan heal fast, restore lost appendages and even reanimate the dead.
"Ready the project leo nanogene for infusion." utos ko sa aking mga tapat na tauhan.
"Yes doctor. Ready na ang anim na bioroids na tatanggap nito." sagot ng isa sa kanila.
Nanonood lang ako mula sa labas ng glassed room kung saan ginagawa ang pagsasalin ng nanogene sa mga bioroids ko.
"Umpisahan na..."
Nakikita ko na nag-umpisa na ang pagsasalin. I can see the green liquids slowly entering their body till it's last drop. Napangiti ako ng matapos ang proseso. It was a success, all the nessesary changes took over. Nagsisimula na ang mga mutations sa bawat isa sa kanila and it was amazing! A perfect work of art. A scientific breakthrough!
"Magaling..... magpahinga muna kayo aking mga anak!"
I shut their system after nilang maibalik sa kanilang mga biotubes.
"Sa susunod na gumising kayo ay magsisimula na ang inyong misyon!"
.
.
End of Chapter.....
Oh...... diba may action at biglang may evil doctor na nasisiraan ng bait na umeksena...
Sino itong misteryosong doktor na may gawa sa mga bioroids.
At ano nga ba itong mga bioroids na ito?
Kayo ba alam nyo?
Abangan na lang po...
Till my next update....
#24 tayo ngayon sa Adventure category.... so happy!
BINABASA MO ANG
The Order Of Three (ON HOLD)
FantasiIsang samahan na may iisang layunin. Walang iba kundi ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mundo. Pero ang tanong, kaligtasan para saan? Sa masasang loob, kriminal, terorista at iba pang bandidong grupo?... O baka naman may iba pang dahila...