All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Third Person's Narration"
Laganap na ang kasamaan sa sanlibutan. Talamak na ang mga krimen, patayan, nakawan, panglalamang sa kapwa, pangungurakot, at lubhang marami pa. Habang ang mga pahina ng mundo ay nadaragdagan ay unti-unting bumabalik ang mga tao sa umpisa. Sa pagiging mang-mang at ganid.. Sila narin mismo ang sumisira sa kanilang mga buhay at sa mismong kanilang mundo.
.
Unti unti nang nagaganap ang mga nakasaad sa libro ng exodus o ang libro ng mga propisiya. Pumutok na ang dalawang pangmalawakang digmaan sa mga nakaraang taon. Pati narin ang mga pangyayaring dulot ng kalikasan na hindi normal o kakaiba. Kagaya na lamang ng mga super typhoons, unusual hailstorms, tornados at pag-ulan ng snow kahit na hinda pa napapanahon. Maaaring para sa karamihan ay bunga lang ito ng Global Warming. Pero hindi, may dahilan ang mga nagaganap na ito na mas malalim pa. Dahilang hindi maaaring ipaliwanag ng science.
.
Bunga ito ng mga negatibong enerhiya na unti-unti ng naiipon sa mundo dulot ng mga masasamang ginagawa ng mga tao. Ang pwersa ng dilim sa kanlurang sektor ay lumalakas na. May maraming balita na ng mga kakaibang pangyayari. Gaya na lamang ng demonic possessions, mysterious people disappearance. Dark creatures rumored to have been spotted in certain area's worldwide.
.
Pero dahil sa nasa new generation na raw tayo ay hindi ito pinag-uukulan ng pansin ng mga nasa pwestong politikal. Pero ang mga bagay na ito kahit na pilit itinatanggi ay purong katotohanan at hindi dapat balewalain. Kaya naman binuo ko ang ORDER. Isang order na mangangalaga sa kaayusan at pagpapanatili sa balanse ng mundo. Hinanap ko ang mga taong natatangi, mga taong biniyayaan ng pambihirang kakayanan ng mundo.
.
Ang mga SPECIALS ay hinikayat ko para maging parte ng mga mandirigmang lulupig sa kasamaan maging ng tao man o nang mga nilalang ng kadiliman.
.
Kung magkakatotoo man ang nakasulat sa libro ay nakahanda kami. The order of three, ang samahang may tatlong haligi at pundasyon. Mga ulong kumakatawan sa tatlong elemento. Hangin, tubig at lupa na kapag pinagsama ay ang siyang magiging apoy na tutupok sa kasamaan.
.
Ang demon prince ay malapit nang muling tumawid papunta dito sa dimensyong ito. Isa na lang ang kanyang kailangan para makatawid. Iyon ay ang dugo ng tatlong mga nilalang ng kabutihan. Dugo ng mga espesyal na tao. Dugo ng tatlong mga "Chosen". Ang tatlong may pinakamalalakas na kakayanan. Isang psychic, elementor, at ng isang bukod-tanging tao na kayang magamit ang halos lahat ng mga kakayanan gamit lamang ng kapangyarihan ng kanyang utak.
.
Ang mga napiling ito ay nasa aming pangangalaga na sa ngayon. Hindi namin hahayaang makuha sila ng grupong kaanib ng itim na prinsipe. Sasanayin namin sila upang maging malakas at malabanan ang mga kaaway. At kahit na ilagay namin ang mga buhay sa alanganin ay aming gagawin wag lang silang msisuko sa dilim.
Ako si Apollo, isang guardian protector ng mundo... I am not an angel nor a demon, I am both!
.
End of Chapter.....
Happy Hwebes santo sa lahat....
Medyo creepy update, nakikisabay sa panahon.... Ingat bukas dahil Good Friday...
Alam nyo naman ang mga usapan ng mga matatanda na tuwing biyernes santo ay malakas ang kapangyarihan ng mga masamang elemento.....
.
Hanggang dito na muna... Enjoy reading...
BINABASA MO ANG
The Order Of Three (ON HOLD)
خيال (فانتازيا)Isang samahan na may iisang layunin. Walang iba kundi ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mundo. Pero ang tanong, kaligtasan para saan? Sa masasang loob, kriminal, terorista at iba pang bandidong grupo?... O baka naman may iba pang dahila...