05: The Celebration

47 4 2
                                    

"Elimae..." pagtawag ni Lilac sa kanya. She was folding my clothes dahil maaari na akong lumabas ng hospital ngayong araw.

"Yes, Ate?"

"Here's your clothes." Iniabot ni Lilac sa kanya ang isang paper bag. "Ilang araw ka nang nandito at hindi umuuwi kaya binilhan kitang masusuot mo."

Napangiti ako. Dahil sa sitwasyon ko, hindi ko maalagaan si Elimae kaya ang mga kapatid at mga pinsan ko ang nag-aalaga sa kanya. It was so pure. My heart was throbbing. Hindi ko inakalang susuportahan nila ako nang ganito. I was a lucky guy.

Ayaw ni Elimae na umuwi dahil gusto niya akong bantayan. Ilang araw na siyang nandito at nag-aalaga sa 'kin. Napapailing na lang ako. Ako dapat ang mag-aalaga sa kanya, e.

"Thank you, Ate."

"Kumain ka na ba?" tanong ni Archer sa kanya. "May dala kaming pagkain na niluto ng pinsan ko."

Agad siyang tumingin sa 'kin. "Ren, nagugutom ka na ba?" malambing niyang tanong sa 'kin.

"Mamaya na ako kakain pagtapos mo," I replied, smiling.

"Sige." She smiled back. "Kakain muna ako, okay? Then susubuan kita."

I nodded. Masaya ko lang siyang tinitingnan habang kausap sila. I was so happy that my family welcomed her with warmth. Moments after, pinakain na ako ni Eli. Pagkatapos ay nagtungo siya sa bathroom upang maligo. Sumunod naman ay ako.

"Pwede bang ako na lang ang magpaligo sa kanya?" Elimae asked Archer when we were about to go inside the bathroom. Siya kasi ang nagpapaligo sa 'kin dahil hindi ko pa masyadong nagagalaw ang mga kamay ko.

All of us were staring at her. I cleared my throat then I took a glance at my cousins who were smiling from ear to ear. "Ito ba 'yong sabi ni Ren dati na kapag nagka-girlfriend siya ay harap-harapan niyang ipapamukha sa 'tin?" nakangising tanong ni Marcus.

I sighed and mouthed, fuck you. Ewan ko ba, kapag nakikipag-usap ako kay Marcus, sumasama ang ugali ko. Masyado kasi siyang mapang-asar. Mabuti nga at natitiis siya ni Jarzaiah, e.

"Okay lang ba, Ren?" tanong ni Archer sa 'kin.

"Y-Yeah. O-Okay lang," sagot ko. Napakamot ako sa ulo at pilit na ngumiti kay Elimae.

"Tara na!" Hinawakan ni Elimae ang aking kamay at mahinang hinila papasok ng bathroom. "Umupo ka lang dito," aniya saka niya tinuro ang isang upuan.

I was breathing heavily. Umupo ako sa upuan saka niya ako tinulungan para matanggal ang suot kong damit.

"Ang sabi sa 'kin ni Kuya Marcus ay binibihisan ka pa ni Ate Jarzaiah dati," nakanguso niyang sabi. "Ang daya naman?!" She hissed. "Tapos ang sabi pa, magpapakasal kayo kapag single pa rin kayo ngayon!"

"That was a long time ago, Eli..."

"Kahit na! Aba! Pa'no na lang kung hindi nagkatuluyan si Kuya Marcus at Ate Jarzaiah? Eh, 'di kayo sana?"

"Hindi naman kami romantically involved sa isa't-isa," I began. "We only said those things because we once lost hope for love..." I looked straight into her tantalizing eyes. "I'm sorry if it hurts you."

"I'm sorry. Nagselos lang ako nang slight," malambing niyang sabi saka niya binuksan ang shower. "Close your eyes, Ren." I obliged. "Nagsha-shampoo ka ba?"

"Yes." Then I felt like she poured something on my head. Ilang segundo ang lumipas nang marahan niyang kinukuskos ang aking ulo. "The shampoo smells good."

"That's what I'm using," she replied. "Bibilhan kita ng ganitong shampoo para sa tuwing naliligo ka ay maaalala mo ako."

"Kahit naman hindi ko magamit ang shampoo mo ay lagi naman kitang naaalala."

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon