17: Raindrops

38 3 0
                                    

"Wake up!"

I groaned. Sobrang inaantok pa ako at hindi ko alam kung bakit may bigla-biglang tumatawag sa 'kin.

"Tanghali na!"

"Fuuuuuck!" I lazily opened my eyes then I saw the woman, again. "Pinapatulog mo ako tapos gigisingin?! Nananadya ka ba?" galit kong tugon sa kanya.

"Your food," aniya saka siya sumandal sa may pintuan ng kwarto ko. "Nilapag ko ro'n sa lamesa."

"Nagtatrabaho ka ba rito?"

"Depende sa mood pero ngayon, oo..." Nakapamulsa siya saka niya ako tinalikuran.

"Aalis ka na?"

Bigla siyang napahinto pero hindi siya lumingon. "You'll hate me more if I stay."

Hindi ako umimik at tiningnan ko lang siyang paalis. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay nagtungo ako sa banyo at naligo. Mabilis lang akong naligo dahil alam kong kapag magtagal ako ay maaalala ko na naman si Elimae, at kapag maaalala ko siya ay mababaliw na naman ako.

Alas dose na akong nakakain. Maraming dinalang pagkain 'yong Rain at naubos ko naman 'yon. Masarap naman kasi ang mga pagkaing dinadala niya. Nang matapos ako ay napagdesisyunan ko ulit na matulog dahil sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Mamayang hapon na lang siguro ako lalabas at magbabakasakaling matakasan ko 'yong babae na 'yon.

***

Hapon na nang magising ako. Nag-ayos muna ako bago lumabas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Mabuti na lang at hindi crowded sa lugar na 'to. Nang makarating ako sa dalampasigan ay may nakita akong mga nagkukumpulan sa may 'di kalayuan. They must be on their early twenties.

I had my fun when I was their age. I hope they wouldn't let their smile fade away.

Napapailing-iling ako. Tinalikuran ko sila saka naglakad-lakad. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong uminom pero parang nawawalan ako ng gana sa kung ano man ngayon. Mabuti na lang at nagsuot ako ng jacket dahil malamig ang simoy ng hangin dito sa Karao lalo na't malapit nang mag gabi.

Ilang minuto rin akong naglakad nang mabagal. Napahinto ako dahil bigla hindi ko maiwasang 'di tingnan ang paglubog ng araw. I forced a smile, "I'm sorry if I can't appreciate your beauty at the moment," I muttered.

When I'm gone, I hope my family—

"Hoy!"

I got startled when I heard a voice. I immediately looked at her direction. There she was, again... walking towards me while holding a glass jar. "Nandito ka na naman?!" iritado kong sabi sa kanya.

"You can't get rid of me," she said then clicked her tongue. Binuksan niya ang glass jar saka may kinuha sa loob. Malawak siyang ngumiti sa 'kin bago niya pinakita sa 'kin ang nakuha niya. "Kumakain ka ba ng sugarplums?" Nilapit niya sa 'kin ang isang sugarplum. "Here. Take it—"

Agad kong winakli ang kanyang kamay dahilan nang pagkasagi ko sa glass jar na dala-dala niya. "Fuck!" I hissed. "Are you okay?" pag-aalala kong tanong sa kanya.

"Ano bang problema mo?!" she shouted. "I was trying to be nice!"

"How did you know that sugarplum is my favorite?! Alam mo ba ang sa 'min ni Elimae?!"

"Ano?!" Kunot-noo niyang tugon. "Anong pakialam ko sa inyo?!"

"Bakit may dala-dala ka niyan?!"

"Tang ina?! Ikaw lang ba pwedeng kumain nang ganito?! Is it my fucking fault that my Dad made these for me?!"

"I used to love that but I fucking hate it now!"

"You're dumb!" Lumuhod siya sa buhangin at isa-isang kinuha ang mga nahulog na sugarplums at binalik 'yon sa glass jar. Nakita kong taas-baba ang kanyang balikat. "You're fucking stupid!" she muttered.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon