23: Moment Of Truth

55 4 7
                                    

Kinabukasan ay maaga pa lang ay sinundo na ako ng mga pinsan ko. Walang balak na sumama si Lilac. Si Catmint naman ay buntis kaya ayaw ni Archer na umalis sila habang si Cedar naman ay may inaasikasong trabaho at mamaya pag-uwi niya ay gusto niyang ma-solo ang kanyang mag-ina.

Lord, ibigay niyo na sa 'kin si Jealrain.

"Where's Serene?" I asked Franco. Siya lang ang wala ngayon dito.

"May lakad daw siya," maikling tugon ni Franco.

I nodded. "Okay..." Nang matapos kong suklayan ang aking buhok ay agad ko silang tiningnan. "Let's go." Nauna ako sa paglabas ng bahay at nagtungo sa 'king kotse.

"Attorney, my love," malambing na sabi ni Franco sa asawa niyang si Adorn.

"Yes?"

"I miss Ven," nakanguso niyang sabi.

"Ako rin. Pagtapos ng coronation, uwi tayo agad, ah? Baka umiyak 'yon, eh."

"Hindi naman siguro 'yon paiiyakin ng Daddy mo, 'no?" natatawang tanong ni Franco.

"Gago ka." She chuckled. "Kapag narinig ka no'n, lagot ka talaga."

"Kailan kaya uuwi si Hunter?"

"That... I don't know," she replied, sighing.

Umiling-iling ako bago pumasok sa kotse. Sana ay okay lang si Hunter kung nasaan man siya ngayon. Pinauna ko sila Imil dahil hindi ko alam kung saan gaganapin ang coronation night ng Bb. Pilipinas.

It took us almost two hours to get there. Medyo malayo rin siya sa Bloom Village. Ang dami ring sasakyan na papunta sa venue kaya nagkakaroon ng traffic.

Pagkatapos kong mag parking ay binuksan ko ang aking cellphone upang tawagan si Jealrain. Nakita ko ang text ni Lilac kaya binasa ko muna 'yon.

Lilac:
If you're uncomfortable, leave.

Bahagya akong natawa. Nagtipa ako ng tugon sa kanya saka ko tinawagan si Rain. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag.

"Rain..." malambing kong pagtawag sa kanya.

"Are you there na?"

"Yeah." I sighed. "Gusto na kitang makita."

There was a long silence before she spoke. "Tawagan mo ako pagkatapos niyong mag-usap at sabihin mo ulit sa 'kin 'yan."

"I will." Napalingon ako kina Franco dahil tinatawag na nila ako. Habang naglalakad ay kinakausap ko pa rin siya. "Kumain ka na?"

"I should be the one asking you that," she replied. "Ikaw lang naman ang hindi kumakain sa 'ting dalawa."

"Palagi na kaya akong kumakain."

"Weh?"

"Pag nakita mo 'ko, baka mas lalo ka lang mahulog sa 'kin," bulong ko sa kanya. Bigla kong narinig ang pag-ubo niya sa kabilang linya. "Shit! Are you okay?" Pag-aalala kong tanong. "Puntahan kita riyan." Babalik na sana ako sa parking lot nang bigla siyang magsalita.

"Okay lang ako." She coughed again. "Nasamid lang ako." Saka siya malakas na tumawa.

"Siguro ka bang okay ka lang? Kasi pupuntahan talaga kita."

"I'm okay, Ren. I promise. Hindi talaga ako sanay na ganyan ka," sagot niya. "Puro kasi tayo away at sigawan no'n tapos bigla-bigla kang maggaganyan."

"I'm so sorry, Rain... I'm sorry that you've had to witnessed the worst version of me."

"No," she replied immediately. "Hindi ka dapat mag sorry dahil hindi naman 'yon nakakababa ng pagkatao mo. I'm even proud of you... I'm so proud that you're alive today."

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon