07: Words of Affirmation

41 4 0
                                    

"Pinapakilig mo ako," sabi ni Elimae pagtapos niyang ilapag ang pagkain sa gilid ko saka niya ako niyakap sa likod. "Hindi ko inaakalang ganito kasaya ang mararamdaman ko."

Napapikit ako upang mas maramdaman ko ang kanyang pagyakap. Matapos ang ilang minuto ay tiningala ko siya. "This feels nice."

She kissed the top of my head before she pulled away the hug. "Let's eat?" she asked. Binuksan niya ang dala niyang plastic kanina saka isa-isang nilabas ang fried chicken na nakalagay sa isa pang plastic at kanin. "Alam kong hindi ka kumakain nang ganito dahil loyal ka sa pagkain ng Bloom Restaurant pero dahil nandito tayo at wala naman kayong branch na malapit dito ay ito ang kakainin natin, okay? Fifteen pesos lang ang fried chicken dito habang ten pesos naman ang kanin. Kapag nandito ako lagi, ito talaga ang madalas kong kinakain."

Tinanggap ko ang binigay niyang plastic sa akin. "Para saan 'to?"

"Isuot mo 'yan sa kamay mo para makakain ka gaya nito." Pinakita niya sa 'kin kung anong ibig niyang sabihin at sinunod ko naman siya. Medyo mahangin kaya nililipad ang kanyang buhok at alam kong nahihirapan siya kaya tinanggal ko muna ang plastic sa kamay ko saka ako tumingin sa kanya. "Give me your hand," marahan kong sabi.

She looked at me with full of confusion. "Mag-po-propose ka na?" Pabiro niyang sabi. "I'm still studying, sugarplum." She pouted.

Bahagya akong natawa. Marahan kong kinuha ang kanyang kamay. I took her scrunchie, stood up, and tried my best as I could to tie her hair. "Napansin ko kasing nahihirapan ka kaya tatalian ko ang buhok mo."

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy lang ako sa pagtali sa kanyang buhok. Noong una ay nahirapan pa ako. Hindi na kasi ako madalas nakakapagtali ng buhok nina Catmint, Lilac at Serene dahil busy na kami sa kanya-kanya naming buhay kaya nakalimutan ko kung paano.

"Your wolf-cut hair really suits you," I muttered. "Everything about you is perfect to me."

She was quiet the whole time. Then I heard her sniffled. Bigla akong kinabahan kaya agad ko siyang hinarap. She was sobbing.

I wiped her tears then caressed her cheeks. "Do we have a problem, my Eli?" malambing kong tanong. "Did I do something wrong? Please, tell me..."

She sniffled then she looked at the sky and smiled. "What did I do to deserve you?" She muttered. "In every chapter of our story, you always have your way of telling me how much you want to be with me... You..." She pointed at me. "You're the best thing that ever happened to me... Do you know the reason why I like you?"

I slowly shook my head. I was still looking at her. She was crying and she still look beautiful.

"You're my safe haven, sugarplum... When we were in danger, you protected me. When I was having anxiety, you comforted me. Do you know why you're different from others? Because you're not doing that to impress me..." She smiled.

Malawak akong napangiti saka ko iniwas ang aking tingin. Kinikilig ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. "K-Kumain na tayo."

"Ang gwapo mo talaga."

***

Sa kalagitnaan nang aming pagkain ay biglang tumunog ang aking cellphone. I was about to ignore it because I knew that it came from an unknown number. Lahat kasi ng nasa contacts ko ay may customize ringtones. Ayoko sanang may makaistorbo sa amin ni Elimae.

"Sugarplum..."

Napatingin ako kay Elimae pagtapos niyang uminom ng tubig. Seryoso niya akong tiningnan saka niya tinuro ang cellphone ko.

"Sagutin mo na. Baka emergency."

Sinunod ko siya. I heaved a sigh before I answered it. "Yes? Who am I speaking with?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon