31: Thorns

39 2 0
                                    

Trigger warning

It took him hours... HOURS of drinking! Naglakad siya patungo sa dalampasigan... nang biglang lumakas ang bugso ng ulan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gawi niya. Malakas ang aking buntong-hininga. This guy reminded me of Mom.

"Kumain ka muna diyan, anak," sabi ni Mom habang hinaplos niya ang aking mukha.

"Hmm..." Napapikit ako nang maramdaman ko ang init mula sa kanyang palad. Mas diniin ko pa ang aking mukha sa kanyang kamay. Sabik na sabik ako sa kanyang mga haplos.

"A-alis muna ako, ah?"

Napatingin ako sa kanyang mga mata. It was still the same. Ni hindi ko na yata matandaan kung ano ang itsura ng kanyang mga mata kapag masaya. Ni minsan hindi ko nakitang ngumiti siya nang totoo. Madalas ay pilit lamang.

"Huwag mo akong hanapin, okay?" Pagbibilin niya saka niya ako niyakap nang mahigpit.

Sobrang gaan nang aking pakiramdam. Ilang segundo lang ang yakap na 'yon pero para sa 'kin sapat na 'yon—napawi lahat ng kalungkutan dahil sa yakap na 'yon. Masaya akong ngumiti sa kanya at tumango. Ayokong isipin niya na mahina ako at kailangan niya pa akong alagaan. "Okay po," sabi ko habang 'di maalis-alis ang aking ngiti.

Nang makaalis si Mom ay ninanamnam ko ang aking pagkain. Ito yata ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko. Ganito pala ang nagagawa kapag masaya, ano? Halos lahat perpekto. Pagtapos no'n ay nagligpit ako at nilinis ang kanyang kwarto.

Sana ay matuwa si Mom pag-uwi niya.

"Rain!" Pagtawag sa 'kin ni Ari na nakadungaw sa bintana. "Laro tayo!"

Malawak akong ngumiti. Tatango na sana ako kaya lang naisip ko si Mom. "Uuwi pa si Mom, eh. Baka umuwi siya nang wala ako. Baka kailanganin niya ako, eh."

"Sige na..." pagmamakaawa ni Ari. "Saka tingnan mo oh!" Turo niya. "Umuulan! Ligo tayo sa ulan! Si Kyler nasa dalampasigan at naglalaro."

"Oh, sige. Basta saglit lang tayo, ah?"

Malakas akong tumawa nang makalabas ako ng bahay at naramdaman ko ang ulan. Basang-basa kami ni Ari habang naglalakad papunta sa dalampasigan. Napahinto kami ni Ari nang makita si Mom na papalapit sa dagat.

"T-Tita Reign?" bulong ni Ari. "Siya ba 'y-yan?"

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gawi niya—iniisip ko kung ano ang ginagawa niya rito. Gusto niya bang maligo sa dagat? Nanlaki ang aking mata nang nagtungo siya sa malalim na parte ng dagat.

"Mom!" sigaw ko. "Mom! Ano pong ginagawa niyo?!"

Malakas ang ulam at ang mga alon. Hindi niya siguro ako naririnig. Balak ko sanang sundan siya pero pinigilan ako ni Ari.

"Delikado, Rain!" pagsuway niya. "Teka lang! Tatawagin ko lang ang mga magulang ko. Dito ka lang! Saka hahanapin ko si Kyler," dugtong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa kanya.

Binalik ko ang tingin sa dagat. Wala na si Mom. Sigaw ako nang sigaw. Inisip ko na baka sumisid lang siya pero ilang minuto na ang nagdaan at hindi ko pa rin siya natatanaw. Patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha. Alam kong delikado pero sinubukan kong lumangoy. Ginawa ko ang aking makakaya pero hindi ko pa rin siya nahahanap.

Nawalan na ako ng lakas sa paglangoy at bumalik ako sa dalampasigan. Sa sobrang lakas ng ulan ay 'di ko masyadong tanaw kung ano ang nangyayari sa paligid. Napaupo ako dahil nawalan ako ng lakas. Ilang minuto ang nagdaan ay naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ni Kyler.

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon