08: Physical Touch

35 4 0
                                    

"Attorney Adorn," I uttered when she answered my call. We were already at Jarzaiah's house. I thought it was just us but being low key wasn't in our dictionary. My cousins, siblings and in-laws were here. Amelie, Arron, Chase and Beberly were also here.

"Yes, Ren? Franco and I are on the way. Naglalakad lang kami," natatawa niyang sabi.

"Alam mo ba kung saan si Hunter? Hindi ko kasi siya ma-contact. Jenna too."

"What?!" There was a long silence. "Wait. Kuya told me that he's going back to Italy for some reason. Hindi niya naman nasabing kasama niya si Jenna. And she told me that she wants time for herself muna kaya hindi ko siya kinukulit."

Marahan akong tumango. "Okay..." I sighed. "Thanks, Attorney." Nilingon ko si Elimae. "Hunter is in Italy."

Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtipa. Ang kanyang kamay ay nakita kong nanginginig. I was stunned when she suddenly hugged me. Nakasubsob lang ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"Do you want to go inside?" I whispered.

She nodded.

Tumingin muna ako sa mga kasama naming abala sa pakikipagkwentuhan. Tinanguan ko lang sila. Naisipan kasi nilang mag barbecue at maaga pa naman para maghapunan. Iginiya ko siya papasok sa bahay nila Marcus.

Nang makarating kami sa living room ay agad akong umupo. Nakayakap pa rin siya sa akin saka siya umupo sa aking hita at nagsimulang humikbi. Hinayaan ko lang siya. Kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niya. Nandito lang naman ako para umalalay sa kanya.

"I-I'm worried sick about her..." she began. "N-Nasabi ko na ba sa 'yong hindi naman kami talaga close ni Ate?" Tiningnan niya ako saka ko tinuyo ang kanyang pisngi. Niyakap niya ako at sinuklian ko 'yon. Gustong-gusto ko kapag niyayakap niya ako.

"You can tell me everything, my Eli..."

"Magkaiba kami ng nanay..." She muttered, sniffling. "Pero ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin 'yon. Siya ang nagpapaaral sa 'kin. Siya ang bumili ng Ducati. Ni wala nga siyang nabili para sa sarili niya. Sobra siyang magbigay ng pagmamahal kahit na pinagkaitan siya nang gano'n no'ng bata pa lang siya.

Ngayon lang siya nagkaganito. Lagi niya akong kinukumusta. Ni minsan hindi niya in-ignore ang tawag ko kaya sobra akong nagtataka kung bakit..." her voice trailed off. "B-Baka may nangyari sa kanyang m-masama..."

"Shh..." I grabbed my phone then dialed Erazius' number. Nasa labas lang sila pero ayokong tumayo dahil nakayakap pa sa akin si Elimae kaya naisipan ko na lang na tawagan siya. "We'll handle it okay?" malambing kong sabi sa kanya.

"Yes, Ren?" sagot ni Zius sa kabilang linya.

"Can you come inside? Bring Imil, Archer and Marcus."

"Okay."

Then I ended the call. I was still caressing her back. Medyo kumakalma na si Elimae. Makaraan ang ilang minuto ay nakarinig ako ng mga yabag. Napalingon ako sa kanila. Gulat sila nang mapansing namumugto ang mga mata ni Elimae.

"Marcus, 'di ba may locator device ka pa rin?"

He nodded. "Yes. Why? Anong nangyari sa 'yo, Elimae? Inaway ka ba ni Ren? Gusto mo bang suntukin ko siya?"

Bahagyang natawa si Elimae saka marahang umiling.

"Pwede niyo bang hanapin nila Imil kung saan ang location ni Jenna? Nag-aalala na kami sa kanya. Hindi siya ma-contact." I explained.

They all nodded then they went to Marcus' office.

Binaling ko kay Elimae ang aking atensiyon saka nagsalita. "We'll find her, okay?" I whispered in her ear. "Don't worry, okay?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon