09: Acts of Service

36 4 0
                                    

Masaya akong nakatingin sa bahay nila Elimae habang umiinom ako ng tsaa rito sa may balcony. Nagkausap kami kanina through call. Gusto ko silang tulungan pero gusto nilang sila lang muna at nirerespeto ko naman 'yon. Maaga silang nagsimulang naglipat bahay.

Alas onse ng tanghali nang ako'y bumaba dahil dumating na ang in-order kong mga gamit para sa pag crochet. Malawak ang aking ngisi nang magpunta ako sa dining area. Nakatingin lang si Beberly sa akin habang nakataas ang kanyang kilay.

"Oh? Ang saya mo yata?"

Umupo ako sa upuan at sinimulang kainin ang steak na niluto niya. "Oh? Ang bitter mo yata?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Huh?" Tinuro niya ang kanyang sarili. "Ako bitter?" She scoffed. "What would be the reason?"

I smirked then looked at her. "My friend, perhaps?"

"Argh!" Umaakto siyang parang nasusuka.

Bahagya akong natawa. "May progress na ba sa inyo?" Sumimsim ako ng juice. "Tanungin ko nga siya mamaya."

"Progress? Meron." Nagsimula siyang kumain. "Mas lalo lang akong nagagalit sa kanya."

"You really hate him, huh?"

She nodded. "I do, Ren. I really do."

"You can tell me about it, Joy... Only if you want to."

"Ayoko na siyang pag-usapan pa. Saka kung may magugustuhan man ako sa mga kaibigan mo, si Arron 'yon." Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa inis napalitan 'to ng matamis na ngiti.

"Uh-oh..." I smelled trouble. "Hindi ba siya off-limits?" I asked. Hindi ko kasi nakakausap si Arron tungkol sa kanyang lovelife. The last time I heard about it was years ago, when he was at his lowest.

"I think not," aniya bago nagpatuloy sa pagkain. "Mangingibang bakod muna ako, okay lang ba?"

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "What do you mean?"

"Pupunta muna ako sa Men's Village. Doon siya nakatira, e."

Natawa ako. "Okay lang. Sa totoo niyan, isa lang naman sa mga Mendes ang hindi ko close doon." I was talking about Aziel. I know it has been years but Amaris didn't deserve that. "Sila Hailey ang may-ari ng village na 'yon."

"Hailey? You mean Mendes? The actress Hailey Mendes?!"

I nodded. "Take care, okay?"

"I will."

***

I spent the rest of my afternoon trying to make the crocheted william flower but it was a fail. Susubukan ko ulit bukas. Katatapos ko lang maghapunan nang marinig ko ang mga busina sa labas ng bahay.

"Tara!" Nakangiting sabi ni Cedar nang makalabas ako ng bahay. Kunot ang noo kong nakatingin sa kanya at saka sa mga pinsan ko. "Pinayagan kami ng mga asawa namin."

"Saan naman tayo?"

"Huwag na sa club. Magagalit si Amaris kapag nalaman niyang mag-iinuman tayo. Ayaw niyang mamatay ako nang maaga." Natatawang sabi ni Imil habang pinaglalaruan ang kanyang car keys. "God, I'm so in love with my wife."

"Same!" sabat ni Marcus na kalalabas lang sa bahay niya. "Pwede bang sumama si Kali?" Tanong ni Marcus. "He's inside."

We all nodded. Nang bumalik sa loob si Marcus ay nagpaalam naman ako sa kanila na pupuntahan ko muna si Elimae para magpaalam. Hindi pa ako nakapindot sa doorbell nang makita kong nagbukas ang gate. Malawak akong ngumit nang makita si Elimae.

"Ano ba 'yan?" I uttered. "Sobrang ganda mo naman?"

Bahagya siyang natawa. "Ang flirt mo naman."

"What are you doing here?"

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon