29: Cold Wind

35 2 0
                                    

Almost a week had passed and we were still staying at the village. Marami akong inasikaso para mas mapabilis ang pag-alis namin dito. I was standing at the balcony when I felt a warm hug from behind.

Jealrain...

"Miss na miss kita," she said, sobbing.

I quickly turned around and hugged her back. "I'm so sorry, love. Nasa iisang bahay lang tayo pero nawawalan ako ng oras dahil sa ibang bagay na ginagawa ko. Babawi ako sa 'yo," malambing kong sabi.

"Susunduin ako ni Kyler mamaya-maya. Gusto niyang mamasyal kami."

I nodded, then kissed her on the lips. Pasikip nang pasikip ang dibdib ko. Alam kong napapagitnaan si Jealrain sa mga nangyayari. Kahit hindi niya sabihin sa 'kin, nararamdaman kong nasasaktan din siya.

Nang makaalis si Rain ay agad na pumasok si Marcus sa bahay. "Tara! Alis tayo!" pag-aaya niya.

"Where are we going?"

"Sa Mall," bigla siyang napangiti. "Alam mo, ang dami kong natutunan kay Imil. Ginagaya ko 'yong rules niya sa pag-aasawa."

My brows furrowed. "Ano naman ang rules niya?"

Ngumisi siya. "You're not supposed to know it yet."

***

Akala ko ay mamimili ng mga damit si Marcus para sa kanya pero hindi. Agad niya akong hinila sa arcade. Bumili siya ng maraming token na akala mo ay wala ng bukas.

"Balak mo bang matulog dito at sobrang dami naman ng binili mong token?" tanong ko.

"Mabilis lang 'tong maubos."

At tama nga siya. Nakailang laro na siya sa claw machine pero hindi niya pa rin makuha ang stuffed toy sa loob. Malakas ang aking buntong-hininga. Hindi ko alam kung anong trip ni Marcus pero sana aware siyang may arcade si Imil sa bahay nila, pwede naman siyang maglaro ro'n. Napapailing na lang ako.

"Tingin lang tayo, ah?"

Nilingon ko ang mag-ina na naglalakad habang tinitingnan ng bata ang kabuuan ng arcade. Napangiti ako nang makita kung paano kumislap ang mga mata ng bata.

"Ma, kapag malaki na ako at marami na tayong pera, balik tayo rito, ah? Maglalaro tayo! Labas na tayo, ma. Uwi na tayo."

"Excuse me..." it was my cousin's voice.

Napalingon ang mag-ina sa aming dalawa. Tiningnan ko si Marcus at inabot niya ang mahigit sampung plastic ng token sa bata.

"Kailangan na kasi naming umuwi at hindi na ako makakapaglaro. Sa 'yo na lang 'tong mga token. Sayang naman, eh," pagdadahilan ni Marcus. Malawak na ngumiti si Marcus at ginulo ang buhok ng bata. Nilingon niya ako at tumango siya. "Tara na!"

"T-Thank you po," sabi ng bata. Kita ko sa mga mata niya ang gulat at galak.

"Naaalala ko si Vandre," sabi ni Marcus nang makaalis kami.

Malawak akong ngumiti. "I think they're the same age."

Tumango si Marcus.

"Gusto ko nang magkaanak," I muttered, then shrugging off the thought.

"Ano?" tanong ni Marcus. "Tama ba narinig ko?" bigla siyang napangisi.

I glared at him.

"May baby fever ka, ano?" pang-aasar niya.

I heaved a sigh. "Siguro? I'm the only guy left na walang anak sa pamilya natin... but whenever she's ready. I'm willing to wait. I'm still fixing things."

When The Flower Falls (Fitzmael 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon