BEST 5 \(^0^)/ New beginning.New challenges.

152 3 0
                                    

Danica Ivonne POV

Naisipan kong bumalik sa bahay ng aking mga magulang kasama ang aking anak na si Sophia dahil hiwalay na kami ng aking asawa.Natatakot akong sabihin ito sa aking pamilya na hiwalay na kami ang pagkakaalam kasi nila mabait ito at hindi ako sasaktan.Siguradong pagsasabihan ako lalo ni Lola dahil nagmadali ako sa pagpapakasal.

Akala ko siya na ang tamang lalaki para sa akin mali pala ako dahil isa palang manloloko ang pinakasalan ko.Ayoko ng magkwento pa dahil hindi narin naman importante na pagusapan pa ang isang walang kwentang tao katulad niya.

Sa tuwing naalala at naiisip kong naging asawa ko siya pinagsisihan kong naging asawa ko siya, hindi na dapat ako nagtiwala sa katulad niya. Dapat inaalam ko muna bago siya pakasalan masyado akong nagpadala sa aking nararamdaman at mali yon.

Napabuntong hiniga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Naisip kong ilipat ng eskwelahan si Sophia kaya eto ako ngayon naghahanap ng eskwelahan malapit sa aming bahay.Sa ngayon itatago ko muna ang dahilan kung bakit kami bumalik sa bahay saka ko nalang sasabihin sa kanila.

Sa aking paglalakad nakasalubong ko ang aking kaibigan.

Si Chloe

"Danica!Ikaw na ba yan?"

Tumango lang ako at ngumiti

"Hala! Kamusta ka na? ang daya mo ha! hindi mo na kami gaanong kinakausap simula nung nagkaasawa ka,nakakatampo ka tuloy :/. Anyways kamusta ang buhay may asawa? "curious na tanong niya.

Hindi pa ako handa ikwento sa kanya na hiwalay na kami ng walang kwentang yun.Ayokong malaman nila na diborsyada na ako at niloko lang ako ni Marvin.Alam nilang kinasal ako pero hindi ko sila nagawang imbitahin dahil gusto ni Marvin na kami kami lang at ang pamilya nila ang nasa kasal.

Hindi rin naman magarbo ang naging kasal namin dahil mas gusto nito ang simple at pribado.Nagtampo nga sila sa akin nun ng hindi ko sila imbitahin.

"Ahm.. okay lang naman kami,masaya naman kami."tipid kong sagot sa kanya.

Ayokong magkwento dahil baka kumalat at makarating pa kina Mama at Papa o baka kung saan pa makarating ang kwento.May tiwala naman ako sa mga kaibigan ko pero sa ngayon mas gusto kong wala pang nakakaalam na naghiwalay na kami ng asawa ko.

"Eh si Sophia kamusta naman siya?"tanong niya uli.

Alam nilang nagkaanak kami dahil nagkakacontakan pa naman kami pero nung nagtagal at naging busy kami parepareho hindi na muli kami nakapagusap.

"Okay lang din siya."

"Buti nakita kita rito anong ginagawa mo rito?"

Talagang inuusisa niya ako.

"Ah..binisita sila Mama" pagdadahilan ko rito.

"Ah.. siguro naman ngayon may oras ka na samin ? Let's hangout sometimes isama mo na rin si Marvin gusto namin siya makita : ). For sure matutuwa niyan si Sab at Liza na makita ka at may bonus pa dahil kasama mo ang asawa mo. :D Ano pogi ba napangasawa mo? Madaya ka kasi hindi mo pinapakita samin asawa mo. "ani niya na may pagnguso kunwaring nagtatampo.

"Hehe.." katiting na sagot ko.

Hindi lingid sa kanila na nagkabf ako, kaso nga lang hindi ko na nagawang ipakilala sa kanila, bukod kasi may mga kanya kanya na kaming pinagkakaabalahan ay may mga kanya kanya na din kaming love life yun lang lugi nila sa kin dahil ako hindi ko pinakilala sa kanila si Marvin samantalang sila kilala ko ang mga bf nila.

Oo bf nila.. hindi pa sila nagpapakasal si Chloe kasi hindi pa nagpopropose yung bf niya sa kanya,sa tagal ng pinagsamahan nila ni Jared alam ko sa kasal din ang tuloy nila,sigurado yan. Si Liza naman busy kaya kahit ayaing magpakasal ni Oliver lagi siyang rejected buti hindi napapagod ito para antayin siya kung kailan hindi na siya busy.And last si Alaina na napakaconservative,ang dahilan naman kaya hindi pa ito nagpapakasal ay dahil hindi pa daw siya ready magpakasal kasi gusto niyang ipakita na hindi sa tagal ng pagsasama bilang magkasintahan ang dahilan kung bakit sila magpapakasal kundi dahil sa gusto din niyang matiyak kung si Cody na nga ba ang tamang lalaki para sa kanya dahil takot din siya masaktan at takot na magkamali sa gagawing desisyon.Kahit pa matagal ko silang hindi nakausap at nakasama alam ko na hindi pa din sila nagpapakasal dahil sa mga rason na yan. Dahil kapag magpapakasal sila agad ako kokontakin ng mga yan para imbitahin.Kahit pa hindi ako nagpaparamdam dahil gumagawa ng paraan ang mga yan makausap lang ang kaibigan nila.

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon