Avril's POV
Maaga akong naging dahil na rin siguro naeexcite ako.Nakareceive ako ng text mula sa president ng Keyden sabi niya pumunta daw ako mamaya sa office niya ipapakilala niya daw ako sa mga makakasama ko sa trabaho at sa aking magiging mentor para matrain daw ako sa pagsayaw,pagkanta at pagarte.Nagayos na ako para makaalis ako ng maaga sa bahay.
Nakita ko si Mama naghahanda na ng pagkain.
"Avril, sundan mo ako at maguusap tayo"seryosong wika ni Papa sakin ng makita niya akong pababa ng hagdanan.
Hindi nalang ako kumibo at naglakad para sundan si Papa.Kinakabahan ako,baka magalit na naman kasi siya sa akin.Hay...
Nagusap kami sa garden.May maliit kasi kaming garden kasi mahilig si Lola magtanim ng mga gulay at kung ano ano pa.
"Sigurado ka na ba na gusto mo magartista?" panimula ni Papa.
"Opo" maiksing sagot ko.
Sobrang kinakabahan ako pero desidido na ako sa papasukin ko kahit pa magalit si Papa sa akin.Kailagan kong suwayin sila para rin naman ito samin.
"Sa totoo lang ayoko talagang magartista ka.Hindi madali ang tatahakin mong landas,at natatakot akong hindi mo kayanin ang industriyang papasukin mo."nagaalalang sabi nito.
"Pa.. magttry lang naman po ako,kung alam ko naman pong hindi ko po kaya, ihihinto ko naman po.Ako naman po ang magkukusang sumuko kung alam kong hindi ito nararapat sakin."litanya ko.
Tumango tango lang ito..Pero bakas pa din sa mukha niya ang konting pagaalala sa akin.
"Ikaw lang ang iniisip ko,hindi ako napapanatag dahil baka niloloko ka lang nung lalaki na nagalok sayo pero may magagawa pa ba ako nakapagdesisyon na kayo ng Mama mo?Kung susuportahan ka niya susuportahan na rin kita" nakangiti niyang saad sakin pero hindi ko maintindihan parang may lungkot pa rin sa mga mata niya sa desisyon niyang pagpayag sa pagaartista ko.O.O
Medyo nakahinga ako ng maluwag dun ha..nawala na ang panlalamig ng kamay ko at panginginig nito dahil sa kaba.Tagak tak rin ang pawis ko dahil sa nerbyos.
Wew....
Ikinagulat ko yung sinabi niya sakin kasi si PapaPumayag na siya!!
Yes!!! \(^0^)/
"Talaga po Pa?! Pumapayag na kayo? " hindi makapaniwalang sabi ko.
Ngumiti ito at tumango tango.Dahil sa sobrang saya ko nayakap ko si Papa.Para akong nasa alapaap sa sobrang galak!
"Salamat Pa!! :D " masayang sabi ko sa kay Papa habang nakayakap sa kanya.
Naramdaman ko namang tumango siya at tinapik tapik yung likod ko.
"Halika na baka mahuli ka pa." masayang anyaya niya sakin.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.Sabay kaming bumalik sa loob ng bahay.
Masayang ngiti ang isinalubong ko pagpasok namin ni Papa.
"Oh ang saya mo naman ata" agad na tanung ni Ate Leigh.Hindi nalang ako kumibo at nagsimulang kumain para makaalis na ng maaga.Naiwan namang nakakunot ang noo ni Ate dahil hindi ko sinagot ang kanyang tanong.
Naglalakad na ako papunta sa Keyden..Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang cellphone kong nagvivibrate.Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.
09********* calling....
May tumatawag saking hindi kilalang numero.Sino naman to?
Ah baka taga Keyden to kaya agad ko naman itong sinagot baka importante to.
"Hello po?"
"Ito po ba si Avril Zaira Hernandez?" tanong nung nasa kabilang linya
Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba ang tawag na ito?Bigla akong kinabahan.
"Ako nga po ? B-akit po?"kabadong sagot ko.
Napakagat tuloy ako sa aking daliri dahil sa niyerbyos.
"About po ito sa loan na finale niyo po sa bangko namin."
Ano daw?Loan?
"Ha?loan po?"
"Wala po akong natatandaan na nagapply ako ng loan sa kahit saang bangko" kabadong sabi ko sa empleyado ng bangko.Hiningi ko ang pangalan ng bangko at kung saang branch ito para maklaro.Agad akong pumunta roon para maliwanagan.
Sa bangko-.-.-.-.-.-
"Ano ho? Ginamit po yung pangalan ko para makapagopen ng loan sa halagang dalawang milyon? " gulat na gulat kong tanung sa lalaking empleyado ng bangko.
O.O
Hala! Sino naman ang gagawa sakin nun?
"Oo iha may naalala kaba na pinagbigyan mo ng iyong personal na impormasyon??Kamaganak,kakilala o kaibigan na malapit sayo?Nung nagapply ka sa loan na yun agad din naming iniremit ang pera sa account mo ang sabi pa nung nagassist sa account mo ay urgent raw kaya ipinadala namin agad yung pera."paliwanag nung lalaking empleyado sa bangko.
Napaisip ako bigla at napagtanto kung sino yung nabigyan ko ng personal kong impormasyon.Nataranta akong lumabas ng bangko at tumakbo papumunta sa Keyden kung nasaan ang office nung nagalok sakin.Bakit parang unti unti na akong nakakaramdam ng panghihina..at kaba ...
Dirediretso akong naglakad sa loob at hingal na hingal na nagtanung sa front desk nila
"Ahmm.. excuse me po.."tila nagmamadaling wika ko.
"Ano po maitutulong ko sa inyo?" agad naman na tanung sakin ng babae nasa front desk.
"Pwede ko po ba makausap si Pres. Adrian Parker??"
"Si Sir Adrian ba? Anu kailangan mo sa kanya?" singit nung isang lalaki na empleyado rin ata dito.
"Ah..gusto ko sana siya makausap,ako nga pala si Avril Zaira Hernandez pumirma ako ng kontrata sa kanya kahapon,may gusto lang sana ako iclarify kaya ako nandito." paliwanag ko dun sa lalaki
"Huh?kontrata?kahapon??" pagtataka nung lalaki sa sinabi ko.
Naningkit ang mata nito at napatingin sa ibang direksyon at tila inaalala ang nangyari kahapon.
Naisip ko naman ipakita yung text ni Pres kaninang umaga para proof na talagang hindi ako nagiimbento lang.Agad kong kinuha sa bulsa ko yung cel ko at ipinakita sa kanya yung text.
"Ito yung text niya kanina sakin" sabay abot ko ng cellphone ko sa kanya.
Kinuha niya naman ito tsaka binasa yung mga text sakin.
"Hindi yan totoong numero ng Pres namin dito at hindi siya ganyan magtext, maliwanag na hindi siya ang nagtext sayo."sabi nung lalaki.
Ano daw?
Eh sino to?nagpapapanggap na President lang ng Keyden?Sino yung original yung boss nitong lalaking nasa harapan ko?
Hindi ako napanatag sa sinabi nung lalaki kaya agad kong tinawagan yung numero.Pero out of coverage na hindi na siya sumasagot.Inulit ko uli baka sakaling sumagot na siya sa pangalawang pagkakataon pero wala pa din.
Unti unti ng nagsink in sakin na baka nagsasabi ng totoo itong lalaking nasa harapan ko.
"Tingin ko isa ka sa mga naloko ng taong yan. "usal nung lalaki sakin habang natutuliro na ako kakaisip sa mga nangyayari.
"Ha? Naloko? " parang hindi pa rin ako makapaniwala.
"Madami ng nagpunta rito,ganyan rin ang sinasabi.---" hindi ko na pinatapos magsalita yung lalaki naramdaman ko nalang na naglalakad na ako palabas ng building na yun at papunta na ako sa estasyon ng pulis.
![](https://img.wattpad.com/cover/16410694-288-k418429.jpg)
BINABASA MO ANG
That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/
RomanceHer life becomes miserable when she get conned by someone... She tries her best just to pay the money stole by the swindler... But problems doesn't want to leave her... How will she surpass all the problems that she encounter ???? Will she give up b...