Caleigh Beatrice POV
Hi! ako nga pala ang isa sa nakakatandang kapatid ni Avril actually hi-ah basta!! Naiinis ako sa kanya ako si Caleigh Beatrice Hernandez . Nandito ako nga sa work ko medyo nakakastress din pala kapag ka, kakapromote mo lang mas lalong bumigat ang trabaho pero masaya ako dahil kahit bago lang ako dito napromote agad ako dahil sa sikap, galing at talino ko. HUH!
Anyways ako ang masungit na kapatid ni Avril na lagi siyang inaasar,iniinis at ginagalit,dahil ayoko sa kanya simula bata pa lang siya napaka hina niya sa Lahat ng bagay, sa pagaaral, sa paghahanap ng trabaho grabe hindi mabilang nagkabi kabilang interviews na pinuntahan niya ni isa walang tumanggap sa kanya dahil paano nakatapos nga mababa naman ang records bukod dun parang bata pa kung sumagot.Naalala ko nung unang interview niya halos matae daw siya sa sobrang kaba grabe -_____-.
Hindi din gaanong palatandain yun, madalas makalimot sarap nga palaklak dun yung memo plus ng tumalas yung pagiisip eh,at dahil sa itsura niyang mukhang elementary? Height elementary? Jusmiyo isa sa ikinaproproblema niya dahil yung iba , pinagkakamalan pa siyang highschooler, eh bente anyos na kaya yun.
Kung kumilos lang ay highschooler na parang hindi pa grumagraduate. Lumaki kasi yan si Avril na nakasandal lang lagi kila Mama.Hindi siya pinagsasabihan ni mama ayan tuloy lumaking aanganga si Papa naman ayun hinayan din basta daw makatapos lang siya, ayan na nakatapos na nganga naman sa paghahanap ng trabaho -__- okay enough of her, ni minsan ni hindi ako sinagot niyang babaeng yan halos lagi akong kontra dyan lagi namang ipinagtatanggol ni Mama kahit pa— ... anyways ...
Natapos na din ang mahaba habang oras ko dito sa trabaho nakakapagod...
Hayyyyyyyyyy sakit ng batok ko :/. So tumayo na ako para magligpit ng gamit ko, tsaka nagpaalam na ako sa mga ka officemates ko.
Pagbaba ko sa lobby, may sumalubong sa akin isang lalaki, hindi ko siya kilala pero parang pamilyar ang mukha niya,nagsalita siya pero hindi ko siya pinapansin.
Patuloy lang ako sa paglalakad, patuloy lang din siya sa pagsunod sa akin. Mabilis akong naglakad sa side walk dito sa labas na ng company namin, at agad akong pumara ng bus para makasakay. Nung sumakay ako nahabol pa din niya ako. Lumayo ako sa kanya at sa dulo ako umupo, inilagay ko yung side bag ko sa tabi ko para hindi siya makaupo sa katabing upuan at ayun buti naman natauhan tumayo lang.
After 40 mins madami ng nakatayo at halos hindi na madaanan yung gitna ng bus so nung malapit lapit na ako tumayo na ako tyempo pa dahil nakatulog ata yung tukmol na nasunod sa akin.Kaya dahan dahan akong tumayo, nakisiksik at nagexcuse na din syempre baka balyahan ako ng mga balugang lalaki dito kawawa naman ang maganda kong mukha. So after 43214234234 years nakalabas na din sa malaimpyernong bus na yun takte parang pandacan ang peg ng mga bus ngayon sa pilipinas jusmiyo ...
Tumawid na ako, at tumigin sa likod ko jusko ayan na naman siya so hindi ko na matiis. Bwisit tong mukhang dinosaur na to sundan daw ba ako hanggang sa bahay ko?!! Ano to stalker?!!!! Hindi pa ako sumisikat may stalker na ako?!! huh!!tingnan mo nga naman ang ganda ko kasi talaga :D . Bago pa sumobra sa haba ng san juanico bridge ang yabang ko dito hinarap ko ng yung dinosaur na sunod ng sunod sa akin.
"HOY SINO KA BA HA! KANINA KA PA SUNOD NG SUNOD SA AKIN ALAM MO BANG PWEDE KITANG IPAPULIS DIYAN SA GINAGAWA MO!!! HA!! " matapang kong singhal sa kanya.
"Hindi mo ako maalala??Hindi mo ba ako nakikilala???" takang tanung niya.
"Malamang magtatanung ba ako kung hindi ??!! inis kong sabi sa kanya
"Pagtapos mo akong halikan dun sa bar nung isang araw gaganyanin mo lang ako!!! ha!!!!!!!! " tapos hinawakan niya ng mahigpit sa dalawang braso ko...
BINABASA MO ANG
That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/
Roman d'amourHer life becomes miserable when she get conned by someone... She tries her best just to pay the money stole by the swindler... But problems doesn't want to leave her... How will she surpass all the problems that she encounter ???? Will she give up b...
