Gavyn Charles Alvarez POV
Tila nakonsensya naman ako sa kalokohang ginawa ko. Alam kong hindi maganda ang ipinapakita ko kay Leigh ngayon dahil siguro nakita ko na namang kasama niya yung lalaking sinasabi niyang boyfriend niya.
Malungkot kong sinundan siya ng tingin habang papalayo siyang naglalakad.Alam kong umiiyak siya dahil nung ibigay niya sa akin yung inorder ko kita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya. Paano ko ipapaliwanag na nagseselos lang ako kaya ganun ang trato ko sa kanya?
Matagal ko ng gusto si Leigh magkaklase pa lang kami nun, umamin na ako sa kanya kaso parati niyang binabasag ang mga sinasabi ko.Lagi niyang iniiwasan at palagi niya akong tinatarayan. Tapos sa tagal kong ipinipilit na ipakita sa kanya na gusto ko na siya ngayon malalaman kong may boyfriend na siya?
Ano bang problema niya sa akin?
Bakit hindi niya ako magustuhan?
Parang lahat naman ng paraan nun magpahanggang ngayon ginagawa ko para mapansin niya ako kaso hindi niya pa din maramdaman ang gusto ko iparating at ngayon mas lalo na siyang lalayo sa akin.
Leigh...Ano bang dapat kong gawin para mapansin mo naman ako?
Nagising ako sa pagiisip ng biglang may umakbay sa akin. Mabagal akong napatingin sa taong nakaakbay sa akin.
Si Matthew.
Schoolmate namin siya ni Leigh nung highschool kami.
Anong ginagawa niya rito?
"Sundan mo na siya,hanggang ngayon pala ganyan pa rin kayo.Wag na wag mong hahayaang umalis siya ng umiiyak ng dahil sayo.Mas lalo mong pinapalala ang sitwasyon mo pre.Sige na baka mahuli ka na naman niyan."
Tumango ako at mabilis na tumakbo.
Lingon sa kanan.
Lingon sa kaliwa.
Arggggggghhhhh nasan ka na??
Baka nakalayo na yun,ano pa nga ba?
Tumingin ako sa relo ko.
Nasa office na siguro siya, ang tagal ko kasi siyang sundan e.
Bahala na, kung isipin niya man na hindi ako nagiiisip sa aking ikinikilos.
-----------
Akala niya siguro hindi ko alam kung saan siya nagtatrabaho, isa yan sa mga tinanung ko kay Avril kaya alam ko na ngayon kung saan siya pupuntahan.
Agad akong pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho.
"Can I speak to Ms. Caleigh Hernandez?" wika ko sa babaeng nakaupo sa front desk.
"Just wait for moment Sir, I'll just check if she's already on her area."
Nagdial siya sa phone at may kinausap sa kabilang linya.
"Uhmm Sir gusto niya po malaman kung ano pong name naghahanap sa kanya.Pwede ko po bang malaman kung ano name niyo?"
Hindi niya pwedeng malaman na ako ang naghahanap sa kanya dahil sigurado hindi siya baba para harapin ako.
Napabuntong hininga ako.
Sinenyasan ko siyang ibaba niya na ang tawag at mukhang naintindihan niya naman.
"Anong floor niya sa building na ito?Pwede ko bang malaman?" agad kong tanong sa kanya.
"Hindi po kami pwede nagpapakyat sa taas ng kahit sino, hindi po allowed ang kung sino sa taas unless empleyado po kayo at isa po kayo sa mga investor ng kumpanya. At dapat po nagpaapointment kayo para makapasok po kayo."
BINABASA MO ANG
That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/
RomanceHer life becomes miserable when she get conned by someone... She tries her best just to pay the money stole by the swindler... But problems doesn't want to leave her... How will she surpass all the problems that she encounter ???? Will she give up b...