BEST 11 \(^0^)/ : Regrets?

109 0 0
                                    




Danica Yvonne Hernandez POV

Nakaramdam ako ng konting pagtataka ng makita kong nagtext sa akin si Marvin.

Gusto niyang makipagkita at kausapin ako.Siguradong may ginawang hindi maganda ang lalaking yun. Hindi naman lalapit sa akin yan kung wala siyang ginawa saluhan ako ng kasalanan niyang isang yan eh ako taga ayos sa mga kasalanan niya kapag nalalaman ng magulang niya ang mga kalokohang ginagawa niya.

Pero ano pang saysay ng pagtetext niya kung hiwalay na kami? Hindi niya na nga dapat tinitext pa eh kasi wala na kaming koneksyon pa sa isa't isa tapos na ang obligasyon ko sa kanya bilang asawa niya. Dapat siguro magpalit na ako ng number para hindi na niya uli ako natetext pa. Ayoko na siyang makita pa,sawang sawa na ako sa paulit ulit na litanya niya sa paulit uli na pagsosorry niya pero hindi pa rin siya tumitino.

"Ma... kailan ba tayo bibisitahin ni Papa?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin na nandito na pala si Sophia. Ang alam ni Sophia panandalian lang kami dito kina Mama hindi ko sinabi sa kanya kung gaano kasama ang kanyang ama na siya ang dahilan kung bakit hindi buo ang pamilya namin ngayon. Alam kong dapat niya ding malaman habang lumalaki siya na hindi na niya muli pang makikita ang Papa niya dahil hiwalay na kami.Alam kong masakit yun, maling lalaki kasi nag napili ko at yun ang pinagsisihan ko.

"Hindi pa kasi tumatawag si Papa mo e—"

Kring!!!! Kring!!!!!! Kring!!!

Biglang nagring yung cellphone ko, dahilan para mapunta ang atensyon ni Sophia nagriring kong telepono.

Nakanguso siyang lumapit sa aking telepono para tingnan yung tumatawag sa akin. Nakita kong biglang nanlaki yung mata niya.

"Si Papa!" nagliliwanag ang kanyang mukha ng makita kung sino ang tumatawag, dali dali niyang itong sinagot at hindi ko na siya napigilan pa. Napapikit na lamang ako sa sobrang pagkadismaya.

Wag niya naman sana sabihin na hiwalay na kami at ako pa ang idahilan niyang masama. ako dapat ang magsabi kay Sophia ng lahat lahat at hindi siya.

"Hello Papa?" excited niyang sabi.

"Okay naman po ako Pa..bakit hindi niyo po kami binibisita rito?"

"Hmmph! Lagi niyo naman sinasabi na busy kayo! Lagi nalang wala kayong oras sa amin ni Mama kaya siguro kayo iniwan ni Mama!"

"Puro kayo pangako! Hindi niyo manlang naisip kung gaano kahirap kay Mama ang ginagawa niyo! Ako ba naisip niyo? " tila naiiyak niyang sambit.

"Tama na Pa..kung mas mahalaga pa sa inyo yung ginagawa niyo mabuti pa pong iwan niyo nalang po kami! Hindi po namin kayo kailangan!" sabay baba niya.

Niyakap ko siya matapos niyang ibaba ang telepono akala ko hindi niya ako naiintindihan kung bakit ko ito ginawa pati ang nararamdaman ko naiisip niya rin. Bata man ang pagiisip niya tila maliwanag sa isip niya kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Magpaganun pa man kailangan ko pa rin ipaliwanag sa kanya paunti unti na hindi na talaga kami babalikan ng kanyang ama.

Mukhang wala ng dahilan pa para kausapin ko pa siya.

"Salamay anak"nakangiti kong sabi habang kayakap ko si Sophia.

"Bakit ganun si Papa.. Mama? Parang hindi niya tayo namimiss? Hindi niya manlang tayo binibisita dito o kamustahin manlang?"

"Alam mo naman kung ano ang trabaho ng Papa mo si ba Sophia anak? Trabaho niyang magligtas ng buhay kaya lagi siyang nasa ospital."

"Dapat hindi na lang siya ang naging Papa ko!Hindi ko ramdam na may Papa pa ako!" sabay kalas niya sa akin at lumabas ng kwarto.

Nahihiarapan ako ...

Mali naman kasing ipamulat ko sa kanya na ang ama niya isang walang hiya. Ayoko magtanim siya ng sama ng loob kay Marvin masama kasi yun dahil kahit sa pangalan hindi ko mababagong tatay niya pa rin ito.Mali rin naman na magsinungaling ako sa kanya sa totoong nangyari kaya kami naghiwalay? Hindi magandang halimbawa na magsinungaling sa kanya na akala niya okay pa kami ng kanyang ama yun palay hindi na.

Ito ang mahirap kapag maling tao ang pinakasalan mo, maling tao ang minahal mo.Ang masakit lang pati inosente nadadamay dahil sa problema naming magasawa apektado ang buong pamilya.Pinagsisihan ko talagang nagmahal pa ako, feeling ko naging makasarili ako noon at puro saya lang ang iniisip ko.Hindi ko inaakalang aabot sa ganito ang mangyayari ng dahil sa pagpapakasal ko.

Sorry anak kasalanan ko ito ..kung sana nagisip muna ako bago ako magpakasal hindi sana mangyayari to.

Binilin ko muna si Sophia kay Mama alam kong nagtatampo yun gusto ko man siyang kausapin alam kong hindi niya ako pakikinggan kapag ngayon ko siya kinausap baka pag nagkalaunan maintindihan niya rin ang sinabi ko kaya pahuhupain ko muna yung tampo niya.

Naisip kong lumabas at humanap ng solusyon sa aking problema. Alam kong hindi ako mapapagisip ng mabuti kapag nasa bahay akom dahil kay Sophia . Napgusapan na namin ni Marvin ang patungkol kay Sophia dahil ayokong makita na niya ang anak namin ng dahil sa ginawa niya. Hindi siya karapatdapat na ama o hindi ko masasabing matatawag pa siyang ama sa ginagawa niya.

Naglalakad lang ako ng naglakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa mag gabi,naisip kong pumunta sa bar.

Maingay maraming tao at puro amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sa akin pagkapasok ko.

Umupo ako sa counter at nanghingi ng isang hard drink nila. Hindi ko na tinanung kung ano yun basta nung maiabot sa akin nung bartender nilagok ko agad.Hindi ko akalain na makakarating ako sa lugar na ito ng dahil may problema ako dati hindi ko alam ang mga ganitong bagay, lahat ng ito'y bago sa akin. Nanghingi ako ng isa na nasundan ng dalawa hanggang sa hindi ko na alam kung nakakailang baso na ako ng naiinom ko. Sa una hindi ko nagustuhan ang lasa pero tila ang isip ko ang gustong ipagpatuloy lang ang paginom ko.

"Isa pa nga" lasing kong sabi.

Hilong hilo na ako, pero hindi ko iniinda ang nararamdaman ko mas lamang kasi ang sakit na iniwan ng walang hiya na yun kaysa sa hilo ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko pero kita ko pa rin ang mga tao sa paligid,kahit paano kaya pa naman siguro umuwi.

"Kaya mo pa ba? Ang dami mo ng nainom." biglang may nagsalita sa gawing kaliwa ko kaya hinanap siya ng mga mata ko.

May katabi pala ako? Hindi ko napansin.

Hindi ko na siya gaano maaninag pero nakikita ko namang lalaki siya dahil sa buhok at boses niya.

"S—Shi no ka naman?"bulol kong sabi.

"Kanina pa kita pinagmamasdan,kanina ka pa umiinom. Inawat na kita, tutal parang wala ka namang kasama." paliwang nito.

Napatango tango ako habang nakapikit.

"Saluhan mo nalang ako, kailangan ko to." pipikit pikit kong sabi sabay lagok uli nung isang baso.

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon