BEST 9 \(^0^)/ : Sip on the wrong cup.

105 2 0
                                        

Caleigh Beatrice POV

Papasok na ako ng office at hanggang ngayon naghihinala pa rin ako sa taong nagalok kay Avril na papasikatin daw siya nito. Maaga rin siyang umalis ng bahay at nitong umaga mugto parin ang mga mata niya parang pati sa bahay umiyak rin siya.

Kagabi umuwi siyang mugto na ang mata niya at para siyang nanghihina.Kahit si Lola alam ko naghihinala rin sa kanya. Sila mama at papa lang ata ang hindi makakahalata,bagkus masaya pa nga sila para kay Avril.Pero ako iba ang kutob ko parang may hindi tamang nangyari sa kanya.Kasi yang si Avril kapag masaya at kapag may nangyaring maganda sa kanya agad niyang itong ibabalita kina mama tsaka pa lang makakarating samin yun pero hindi ni wala siyang sinabi sa unang araw niya dun sa nagalok sa kanya magartista.

Dumaan muna ako sa isang café bago pumasok sa opisina.

Naisipan kong umorder ng hot chocolate dahil nakagawian ko ng uminom nito bago pumasok.Hindi ako umiinom ng kape dahil ako sinanay nila Mama na uminom nito alam ko nakakanerbyos ito ,tapos mahihirapan ka pang makatulog dahil sa caffeine tsaka nakakataas rin ng cholesterol at blood pressure ang kape. That's why I don't drink coffee but I drink beer and other liquor products. Hahaha

"One hot chocolate grande. " sabi ko sa babaeng nasa counter.

"Name mam?"tanong nito ng makuha ang order ko.

"Leigh.." sambit ko naman tsaka isinulat nung babae sa counter yung name ko sa lalagyan nung hot chocolate.

"Just wait on this side mam..Next please.. "saad nito tsaka inasikaso naman yung next customer na kasunod ko.

Nagkakalikot muna ako sa cellphone ko habang nagaantay sa order ko.Tumunog yung phone ko habang nagbobrowse ako sa isang site,isang mensahe ang dumating. Napakunot naman ang noo ko tsaka lumingon at nagpalinga linga.

Si Gavyn ang nagtext at isang litrato ang kanyang pinasa,nakatalikod na babae. Alam ko namang ako ang nasa litrato dahil kapareho ko ng damit ,kulay ng buhok at hugis ng katawan.Ibig sabihin narito din siya at hindi ko lang alam kung saan banda siya. Napatigil ako sa kakaligon ng tinawag na ako para sa order ko.

"One hot chocolate for Ms.Leigh?" tawag nung lalaking nasa counter.Napatingin naman ako sa receiving counter kaya naglakad na ako para kunin yung order ko.

Pero taka akong napatigil dahil may lalaki ring papunta sa counter at kinuha yung order ko.Agad akong lumapit para kuhain ang order ko sa kanya, nakatalikod pa siya nang humarap siya sakin hawak niya nga ang inorder ko dahil kitang kita ang pangalang nasa cup nito.Nanlaki naman ang mata ko kung sino ang umangkin ng oder ko.

"Akin nalang to ha? Malelate na kasi ako eh.." anito tsaka pilyong ngumiti sabay umalis. "T—teka! " habol kong sabi.

Abat talagang! Siraulo talaga yung!!!!!!!!!

ARRRGGGGGHHHHHHHH!!! GAVVVVVVVYYYYYYNNNNNNNN!!!!!!!!


PATAY KA TALAGA SAKIN PAG NAGKITA TAYO!!!!!!!!!!!!

.............

Dahil inantay ko pa yung order ni Gavyn nalate ako. Bakit sakin ang bilis iserve yung sa kanya inabot ng trenta minutos bago ko nakuha paano ba naman daw kasi inuna nila yung nagorder ng coffee dahil yung chocolate daw madali lang iserve kaya nakaligtaan nila.Madali na ngang iserve hindi pa inuna! Buti nalang mababait yung boss ko at hindi ako pinagalitan kainis na Gavyn talaga yan eh,sisirain pa yung magandang image ko sa kumpanyang pinapasukan ko.

Oo nga pala ang company na pinapasukan ko ang isa sa well known companies here in the Philippines and in UK.

The Lowen Group of Companies.

Ang dami nilang produkto na halos lahat nasa market na. Nagsimula sila sa wines dun sila unang sumikat,then they also try makipagsabayan sa market by making some dairy products like milk,cheese and yogurt. Dagdag pa nun ay ang mga meat products nila like tocino,longanisa and many more. Kaya nung na hired ako rito laking tuwa nila Mama at Papa mas pa dahil napromote agad ako dahil may nasolve akong problem sa department namin kaya mas lumaki rin ang sweldo ko sa maikling panahon palang.

"Oh bakit Gavyn ang pangalan ng iniinom mong kape?" tanong ng lalaki kong katrabaho na si Syd.Napatingin naman ako sa inumin ko kitang kita ang pangalan nung ugok na yun! Kaasar!

"Tss may nangagaw kasi nung order ko"sabay napairap ako dahil sa inis, naalala ko na naman kasi.GAVYN patay ka talaga sa kin!!!!!!!!

"HAHA halatang hindi naging maganda ang umaga mo ha.. nalate ka pa..pero okay lang yan kina boss mabait naman sila sayo.Sayo lang " pagbibiro nito sakin.

"Bakit sakin lang? Parang sinabi mo na din na may favoritism sila.." saad ko.

Well ganun talaga pag maganda at matalino.HAHA chos!

"HAHA ..parang ganun na nga..akala ko nagpalit kayo ng kape ng bf mo kaya lalaki ang name ng iniinom mo." pagiiba nito ng usapan.

May makarinig sa mga sinasabi mo patay ka.. hahah

"Wag mo na ngang pansinin yang pangalan ng ugok na yan.Nabubwiset talaga ako eh... tsaka hindi kape tong iniinom ko hot chocolate to hindi ako nainom ng kape. I heard hindi maganda ang kape sa kalusugan kaya since nung magtrabaho ako hindi ako nagkakape." tsaka patuloy lang sa pagtitipa habang nakikipagkwentuhan sa kanya.

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon