Avril POV
Umupo ako sa swing at nagduyan ng mabagal.
"Hay..." buntong hiningang sabi ko.
Nakayuko nalang ako habang ng nagduduyan ng biglang may nagabot sa akin bottled juice. Nang tingnan ko kung sino ang nagabot.
Siya na naman?
'Bakit ba ayaw ako tantanan nitong isang to?'
"Oh! ayaw pa tanggapin."may yabang nitong sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin at iniwas ang aking ulo, Hindi ko tinatanggap ang pilit ibigay niyang juice.
Kaso kinuha niya ang kamay ko at iniwan ito sa palad ko.Umupo siya sa tabi ng swing na inuupaan ko.
"Ahhhhhhh....."wika niya ng lumagok siya ng juice.
Binitiwan ko sa aking kandungan ang juice na ibinigay niya.
"Ano ba ng ginagawa mo pa dito ha?" pagtataray ko sa kanya.
"Wala..." maikling sagot niya.
"Pwede ba umalis ka na masyado mong iniistorbo ang quality time ko para sa sarili ko. Okay? Pwede tantanan mo na ako?" inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng umupo dito sa swing? Sayo ba to?" sagot niya naman
"Hindi.. pero ako ang nauna rito.. So humanap ka ng gusto mo pagtambayan magisa.Wag ka nakikisama sa akin dito."
"Eh gusto ko rin sa swing eh..Paki mo." Parang batang saad naman nito.
"Eh di ako nalang lilipat."asar na sabi tsaka tumayo kaso pinigilan niya ako.
"Gusto lang kitang samahan.."biglang sabi nito.
Nagulat naman akong napalingon sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil nakatayo na pala siya sa likod ko.'Ganun kabilis niya akong nalapitan para pigilan?Sobrang lapit niya sa akin kaya inilalayo ko ang mukha ko tsaka humakbang ng isang hakbang kaso may natapakan ako....'
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" nahuhulog na sigaw ko.Napapikit ako sa bilis ng mga nangyari at hindi na alam kung ano ang sunod na mga nangyari.
Bumukas ang mga mata at mas lalong nanlaki ang mga mata ng makita ko kung sino ang nakapatong sa akin ngayon.
Bakit magkalapat na ang aming mga labi???????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"pareho naming sigaw tsaka mabilis na tumayo at lumayo sa isa't isa.
"A—anong ginagawa mo! Wag kang lalapit sa akin!!!!!!" galit na galit kong sabi sa kanya tsaka pinunasan ang madiin ang aking labi.
Aish!!!!
"Sinalo kita okay? Hindi ko naman akalain na maaout balance rin ako kaya nadala ako sa pagkahulog.Anong akala mo gusto lang kitang halikan?Ha! Aksidente yun! Hindi yun sadya!" inis rin niyang sabi tsaka kumuha ng panyo at pinahid ang kanyang labi.' Inis na inis na ako sa kanya.Kung hindi niya ako sinundan rito may mangyayari bang ganito? Panigurado wala'
Nanggigil ako sa inis. "Umalis ka na ngayon dahil kung hindi mo ako sinundan walang namang ganitong mangyayari! Walang Aish!!!! "pagpigil ko sa inis ko.
"Atleast ako ang nakahalik sayo..Eh kung iba ang kasama mo at mas masama kung masamang loob pa yun? Ano ang mangyayari sayo?" aroganteng saad nito sa akin.
"Eh loko ka pala e! At sa tingin mo magpapasalamat pa ako sa ginawa mo? Gusto mo matuwa pa ako ikaw nakahalik sa akin? Dream on! Hindi hindi ko gagawin yun! Umalis ka na sa harapan ko ngayon na! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin. Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya!"may duro kong pagkasabi sa kanya.
Hindi naman ito nagsalita at halos sabunutan na ang sarili ng umalis siya.
'Sobrang nakakapanginit siya ng ulo ang tigas ng mukha niya na sabihin sa akin na parang maswerte pa ako na siya ang nakahalikan ko? Wow! Ang kapal talaga ng mukha ng hambog na yun! Eh in the first place wala namang ganun na aksidente na mangayayri kung hindi niya ako sinundan'. Naghihimutok pa rin ako sa inis ng mapalingon ako sa gilid nakita ko ang dahilan kung bakit ako natalisod.
At dahil pa pala sa juice na binigay niya kaya nangyari yun? Yung aksidente na parang utang na loob ko pa sa kanya? Huh! Mukha niya!
Imbis na mapagisa ako para makapagisip isip may nambwiset pa sa akin. Huh! Feeling nangaalala yun pala manyak naman pala.
Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Inis akong naglakad pabalik ng bahay nasira na ang mood ko.
BINABASA MO ANG
That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/
RomanceHer life becomes miserable when she get conned by someone... She tries her best just to pay the money stole by the swindler... But problems doesn't want to leave her... How will she surpass all the problems that she encounter ???? Will she give up b...