BEST 4 \(^0^)/ Don't talk to strangers.

158 4 0
                                    

Avril Zaira POV

Napaupo ako sa sahig ng Café dahil sa malakas na pagkabunggo.Nanatili akong nakayuko at hinanap kung saan napunta yung phone ko. Nakita ko yung phone ko katabi ng isang ding cellphone na color black. Agad ko itong kinuha ng may nakita din akong kamay na papunta sa direksyon kung saan nandoon din yung phone ko.Napatingin naman ako sa taong yun.

O.O

O.O

Siya na naman?!!!

Inis na tumayo ako,tila gulat rin siya at natulala.Hindi pa din siya tumatayo at parang gusto pa ata na dun nalang siya, tiningnan lang niya ako tumayo.

Bakit pa kasi sa tuwing magkikita kami ng lalaking yun lagi nalang kami nagkakabungguan >_<. Hindi ko makakalimutan,na kaya ako natanggal sa una kong trabaho dahil sa nabunggo ko siya at nadumihan ko yung suit niya.

Hinayaan ko nalang siya at hindi pinansin nakakahiya nakatingin na samin ang lahat.Si Mama naman,napatingin rin samin at akmang tatayo na para tulungan ako. Pero agad naman akong naglakad papalapit sa kanya.

Nung makaupo ako,agad naman nagtanung si Mama

"Ayos ka lang ba Avril?? Dapat kasi tininignan mo yung dinadaanan mo, kilala mo ba yung nakabangga mo ?? Nagsorry ka ba?? " aniya sakin

"Isa isa lang naman ang tanung Ma..Ayos lang naman po ako, hindi ko po kilala yung taong yun,"pagdedeny ko. Hindi ko naman talaga siya kilala,hindi ko nga alam pangalan niya basta ang alam ko siya lang yung nakabunggo ko dun sa party.Kung saan ko naranasan matanggalan ng trabaho ng hindi manlang lumilipas ang isang araw :(.

"Hindi na po ako nakapagsorry nahiya na po kasi ako,pinagtitinginan kami ng mga tao :/ " palusot ko

"Tsk! Dapat nagsorry ka. Sa susunod na may makabangga ka uli magsorry ka na,hindi yung tatakasan mo nalang siya ng hindi manlang nagsosorry.Okay, malaki ka na Avril dapat alam mo na dapat na kahit nabunggo ka din niya dapat nagpasensya ka, okay : ).Mahalaga sa ibang tao kagandahang asal,dahil isinasalamin nito kung ano at sino ka. " sermon ni mama

Tumango nalang ako sa mga sinabi ni Mama

:/

Ngayon lang Ma. Pasensya na kung hindi man ako nakapagsorry siya rin naman eh,titigan lang daw ba ako? :/

Hindi rin nagtagal at dumating na yung estrangherong lalaki na nagalok sakin. Kumaway kaway ako nung nakita ko siya na nakapasok na sa Café .

Wew! Grabe kinakabahan ako ...

"Magandang Hapon po.Adrian Parker po "magalang na bati niya at nakipagkamay kay Mama.


"Magandang Hapon rin po.Ako po yung kumontact senyo kanina. Mama po ako ni Avril"tugon naman ni Mama

"Uhmm..nakapagdecide na po ba siya??.Hmm mukhang hindi nga ako nagkamali ng napili :). Nagmana po senyo ang ganda ng anak niyo ^^.Mukhang hindi po ako mahihirapan na pasikatin siya :) " sabi naman nung lalaki

"Salamat po dahil napansin niyo ang anak ko at binigyan niyo ng oportunidad sa ganyang industriya.Nalaman ko rin po na marami na kayo napasikat na artista na ngayon ay hinahangaan ng marami " galak na sabi ni Mama

"Special po ang anak niyo,nung mapansin ko siya natitiyak ko na na may potential siya at kailangan lang ng konting hasa para lumabas ito. :) . Ipagkatiwala niyo po sakin ang anak niyo papasikatin ko po siya. " kampanteng sabi ni Sir Adrian

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon