BEST 7 \(^0^)/ : Behind the favor.

100 2 0
                                        

Avril Zaira POV


Katulad nga sinabi ko kahapon babalik ako dun sa café kung saan kami nagkita nung nanloko sa akin.Dala ko na yung dinrawing kong mukha nung nanloko sa akin.Ngayon ang kailangan ko nalang gawin ay ang ipaskil ito sa labas ng café nila para kung may makakilala man sa kanya may makapagsabi sa kin kung nasan siya.

Nang makarating ako sa café agad kong kinausap yung mga waiter at waitress dun kung may nakakita sa President ng Keyden na si Adrian Parker.Pinakita ko din yung dinrawing ko para mamukhaan nila, kaso wala ni isa sa kanila ang nakakilala.

Aaminin ko hindi ako marunong gumuhit.Trying hard lang,kailangan kasi talaga..nag baka sakali lang akong may makakakilala sa kanya gamit yung dinrawing ko, wala naman kasi akong picture niya.

Naisip kong magpaalam sa may-ari nung Café para ipaskil na yung dinrawing ko kahit pa alam kong pangit at pang elementary yung drawing ko.

Alam kong tingin na sakin ng mga empleyado rito ay baliw dahil sa pinaggagawa ko itutuloy ko pa rin ang plano ko. Kailangan kong makausap yung nanloko sakin,kailangan niyang ibalik yung perang nakuha niya sa bangko.Ayokong magbayad nun..napakalaking utang nun at kahit panghabang buhay ata ako magtrabaho hindi ko mababayaran yun.

Sinamahan ako ng isang babaeng empleyado sa office ng boss nila para personal na makapagpaalam na ipapaskil ko yung dinrawing kong mukha. Kumatok muna yung babaeng empleyado nila bago kami pumasok.

Tok! Tok!

"Come in" sabi nung lalaki sa loob.

Pumasok na kami sa office ng boss niya.Isang nakasalaming lalaki,nakatuon ang atensyon ng lalaki sa papel na hawak niya.

"Boss gusto niya daw po kayo makausap.."wika nung empleyadong kasama ko.

Parang kasing edad lang namin ang boss nila hindi siya katandaan.At hindi maitatangging asset niya ang mukha niya dahil gwapo talaga siya.Siguro kung tatantyahin dalawa o tatlong taon ang agwat nito sa edad ko hindi ko rin masabi matangkad kasi siya.Kadalasan kasi nadadaya ang edad base sa itsura at tangkad.

"Sino daw?" ani nito ng nakatingin parin sa mga papel na hawak niya.

"Siya po boss.." tila nahihiyang sabi nung babae.

Tumingala na yung boss nila para makita ako.

Kita ko ang konting pagkagulat sa mukha niya ng makita niya ako.

Bakit naman? Kilala niya na ba ako?

Pero teka bakit parang pamilyar rin sakin yung mukha niya?

Parang nakita ko na siya e...

Hindi ko lang maalala kung saan at kailan?

"Okay you may go now. I'll talk to her.." sabi ng boss nila tsaka binitiwan nito ang hawak niyang mga papel.

"Sit down.." saad nito na sinunod ko naman.

"Bakit mo ako gusto makausap?" panimula nitong tanong sakin.

"Pwede ko po bang ipaskil ito sa labas ng Café niyo? Baka nakikilala niyo rin po siya?" sabay pakita ko nug ginuhit kong mukha.Napakunot noo rin siya, alam kong hindi niya makilala yung dinrawing ko kasi hindi naman ito mukhang tao.

"Uhmmm...mahirap mang pong kilalanin tong dinrawing ko pero kilala niyo po ba si Adrian Parker? yung may-ari po nung Keyden Ent. Nakasumbrero po siya,medyo nasa thirties po siguro ang edad niya.Kumukuha daw po siya ng mga talent na nakakasalubong niya kahit sa kalye at balak niya daw po ito pasikatin. " paguulit ko ng sinabi nung lalaki sakin.

Lakas loob ko ring paalam sa kanya,kahit na baka magalit siya o pagtabuyan niya ako,murahin niya ako sa ilalagay ko sa labas ng Café niya.

Tumango tango naman ito na parang may napagtanto.Pansin ko sa mga mata niyang naawa siya sakin.

"Sige..ilagay mo maski saan mo gusto.."

O.O

"Po?Talaga po?! " gulat na gulat paglilinaw ko sa kanya.

Hindi ako makapaniwalang papayag siya ng ganun ganun.As in parang hindi naman siya gaanong nagisip at nagalit sa kakapalan ng mukha kong magpaalam ng isang bagay na kung titingnan parang baliw lang ang humihiling pero pinayagan niya ako.

"Oo..ikaw na bahala kung saan mo ilalagay, manghingi ka nalang ng pandikit sa mga empleyado ko" sabi nito sakin.

"Maraming maraming salamat po..." maluha luha kong pasasalamat sa kanya.

Grabe ang bait naman ng may-ari ng café na ito... Sobra...

"Sige na..ipaskil mo na yan.."

"Salamat po uli..." sabi ko tsaka lumabas na ng office niya.

Ipinaskil ko sa glass wall nila yung ginuhit kong mukha. Naghintay lang ako sa tabi nito at sa tuwing naiisip ko na malabong malabo na ang tyansa na bumalik pa yung nanloko sakin sa café na ito ay naiiyak ako,tuloy basang basa na naman yung panyo kong dala.

Ang laki ng problema ko, wala na akong trabaho nagkautang pa ako. Paano ko babayaran yun? Ni wala nga akong maientrada na pera kina Mama tapos nagdagdag pa ako ng utang?

Kung hindi sana ako nagpaloko. Kung hindi sana ako naging ganun kadesperada magkaroon ng tabaho. Kung sana nagisip muna ako bago ako kumilos. Hindi sana nangyari ito.

Nagulat nalang ako ng may naglapag ng isang box ng tissue sa mesang kinauupuan ko.

"Sige iiyak mo lang.." sabi nito tsaka pinat yung likod ko. Siya yung owner nung café. Nagtataka akong tumingin sa kanya..

"Sige lang ilabas mo lahat yan ngayon...bukas dapat panibagong buhay na uli.Move on,dahil wala ka ng magagawa dyan kundi ang solusyunan ang problema,hindi naman pwede na parati ka nalang iiyak.Di ba? "sabi nito na ikinatango ko naman.

Iniyak ko lahat hanggang sa maubos na yung box ng tissue na dala ng may-ari nung café sobrang nakakahiya na ako.Mugtong mugto pa yung mata ko pulang pula pa yung ilong ko.Gusto kong magpasalamat sa owner ng café na ito sobrang bait niya sakin.

Inabot na ako ng gabi kakaantay sa taong simula pang naman alam ko ng hindi na uli babalik rito.Magpaganun pa man ang solusyon ko ay ang magtrabaho sa café na ito para kung sakaling bumalik siya rito kasama ang bago niyang biktima mahuhuli ko na siya at sinisigurado kong mabubulok siya sa bilangguan.Para wala na siyang maloko pang inosente kagaya ko.

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon