BEST 8 \(^0^)/ : Watch your words.

113 2 0
                                    

Avril Zaira POV

"Im a little bit attracted to you." diretsong sabi niya sakin tsaka tinitigan ako ng matagal.Napansin kong pulang pula na tenga niya sa sobrang puti niya kitang kita ko ito.

"Im a little bit attracted to you."

"Im a little bit attracted to you."

"Im a little bit attracted to you."

Parang natorete naman ang tenga ko sa sinabi niya at nagtambol ang puso ko sa mga narinig ko.Gulat na reaksyon lang ang naibigay ko sa kanya at hanggang ngayon hindi parin ako makapagsalita.In short natameme ako.

Paanong nangyaring maattract siya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi naman niya ako kilala?

Napapikit naman siya,napayuko at napahawak sa kanyang noo.Maya maya inangat niya ang kanyang ulo.Nagtatanong na tingin lang ang naibibigay ko sa kanya,wala talaga akong masabi ni isang salita.

Huminga uli siya ng malalim bago nagsalita.Ramdam kong nahihiya siya base sa kilos niya.

"I don't know... I just figured it out...... today. Wow! I didn't expect that I'll be confessing right away. J-just don't mind what I've said but...... It's true."sabay iwas niya ng tingin sakin,parang nahihiya siya.

Parang hindi niya na pinagiisipang mabuti ang mga desisyon niya,hindi ba siya nababahala na mas lalong magiiba ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.Hindi kasi ako makakita ng rason sa sinasabi niyang naattract siya sakin kahit konti lang.

Magsasalita na sana ako pero nagsalita uli siya at tumingin sakin.

"I'm not being kind to you because I'm making my move to know you, or be closer to you. I confessed because I want to be honest with you and tell what I feel, because my conscience is pushing me to tell you this.I don't want you to doubt me that I have an ulterior motive. I know your situation and I don't want you to feel that same situation again because I don't want to see you again crying." paliwang nito ng nakatitig sakin.

Parang may bigla namang humaplos sa puso ko ng marinig ko yung huli niyang sinabi at parang may mga lumilipad na paruparo akong nararamdaman sa aking tyan.Dagdag pa nun pag bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko namang maitatangging naniniwala ako sa kanya dahil nakikita kong sincere siya sa mga sinasabi niya.

He pause then he talk again.

"My big intention was to help you.It happen that I'm attracted to you...just a little...that's why I confessed.Don't be bothered okay?I won't do anything to you.I know I shocked you. I'm sorry for that. "saad niya ng may pagaalalang tingin sakin.

Pero naguguluhan talaga ako kaya gusto kong magtanong.

Inaantay niya ata ako magreact kaya huminto na siya.Okay ako naman.. "Pero Sir paano naman –"pinutol niya naman ang sinabi ko.

Okay ayaw niya ata ako pagsalitain.-_-

"Actually hindi ito ang unang beses na makita kita. I've met you yesterday, because of my friend Ryley.I treat him as my little brother even if we are not blood related. He was the one who pull you to make an apology in front of me because I want him to apologize to what he did to you but because of the girl who kissed him on the cheeks his plan failed."

Ah naalala ko na! Siya yung lalaking parang nangaasar dun sa nanghila sakin kahapon. Actually hindi ko siya gaanong pinansin that time kasi yung lalaking nanghila sakin yung laman ng isip ko nun. Yung letche na yun.

Kaya pala ganun nalang siya mautal at hindi makapagsalita nun kasi pinagsosorry siya malas malas niya lang dumating yung kalandian niya napahiya pa siya sa maraming tao dahil sa kalokohan niya.May paakbay akbay pang nalalaman.Bwiset na yun!Magsosorry lang hindi pa masabi napaka arogante talaga ng lalaking yun.

Napatango naman ako ng paulit ulit ng maalala ko na kung sino siya.So hindi pala ito ang unang beses kong makita at makaraharap siya.Ang daming tanong sa utak ko bakit naman kaya niya pinagsosorry sakin yung hambog na yun?

Bakit ko naman hindi itanong no?Libre naman siguro yun.

"Bakit naman po niyo siya gusto magsorry sakin?" taka kong tanong sa kanya.

Parang lahat gusto ko malaman.

"Because of his arrogant manners. I want him to learn and don't be so proud of himself,be humble and kind to others. " sagot naman niya.

Para talaga siyang kuya na tinuturuan ng leksyon ang kapatid kapag may nagawang mali. Siguro naikwento nung mayabang na yun na siya ang dahilan kung bakit ako napatalsik sa una kong trabaho.Kung hindi siguro ako napatalsik sa trabaho ko dun, kahit parang part time lang hindi sana ako naloko ngayon at wala akong utang sa bangko.

Talagang mabait na tao at karesperespeto talaga siya hindi siya katulad nung Ryley na yun.Malayo sa kaharap ko ngayon, napakamature niyang magisip at sobrang gentleman.

Hindi ko pa rin makuha kung bakit siya naattract sakin? Sa tuwing naiisip kong umamin siya kinakabahan ako pero nafaflutter kahit paano pala tao pa rin pala ako dahil may nagkagusto sakin kahit katiting na gusto lang.

Sa bagay katiting lang naman daw kaya hindi pa dapat ako magalala parang wala lang yun.Baka gusto lang niya makipagkaibigan.Willing rin naman ako kung makikipagkaibigan siya. Pwede din namang awa lang ang nararamdaman niya hindi attraction, hindi niya lang siguro madistinguish dahil umamin siya agad.Napahonest lang talaga niya at yun ang nakakatuwa sa kanya.

"Are you thinking that again?" tanong niya sakin.Napahaba ata ang pagiisip ko at nalimutan kong kausap ko pa pala siya.

"N—no sir.." pagsisinungaling ko.Madami lang kasing tanong sa isip ko mula ng umamin siya.

"May I know what's on your mind now?" kunot noo nitong tanong sa akin.

"Uhmm..actually Sir maraming tanong sa utak ko simula nung sinabi niyo po sa kin yun.Naguguluhan po ako dahil bigla bigla po kayong nagconfess sensya na po kung masyado ko pong iniisip pero ikaw po kasi unang nagsabi sakin nun kaya hindi po mawala sa isip ko." nahihiya kong sabi.

Kung naging honest siya sakin siguro mas magandang ganun rin ang ibalik ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sakin ng pagkalaki laki."Really? Ang cute mo kaya. No joke. Promise" sabay taas pa niya ng right hand niya na may kasama pang matamis na ngiti.

Hindi ko alam pero napangiti rin ako sa sinabi niya.Ang gwapo niya kasi kaya parang nakakahawa ang ngiti niya tapos ang positive niya pang tao. Nakikita ko na naman ang pamumula ng mga tenga niya HAHA ang cute.

"Yan ngumiti ka na.. mas maganda kung lagi kang nakangiti.Tama na ang iyak ha.." saad niya sakin.

Napatawa nalang ako sa sinabi niya."Ano po ba talaga maganda o cute?" parang bata kong sabi.

Minsan lang naman may magsabi sakin ng cute kaya sakyan na natin kahit parang pabobola lang naman siya.Siya lang nagsasabi sakin niyan HAHA.

"Both?I'm not lying. Okay..ikaw bahala kung ayaw mong maniwala. " ani nito tsaka nakapout pa siya.

Natatawa nalang ako sa kanya may ganito palang side ang boss ng café na ito HAHA.

Napailing naman ako.Lokohin ko nga to..

"Niloloko niyo rin po ba ako?Ganyang ganyan din po kasi yung sinabi sakin nung nanloko sakin eh! Kasabwat ka po ba niya?!" kunwaring husga ko.

Niloloko ko lang siya alam ko namang sinasabi niya lang yun para kahit paano tumaas yung confidence ko sa sarili ko e.Kaso yun na yun din ang litanya nung nanloko sakin eh.Pero alam kong iba siya..

"Hindi ah! Ms.Avril hindi kita niloloko okay...hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin na totoo lahat ng yun kung halos lahat pala ng yun nasabi nung nanloko sayo.Wag mo sanang isipin na lahat ng nagsasabing maganda ka o cute ka niloloko ka lang.Kasi yung iba dun hindi rin madali sabihin.."ani nito na parang nagtampo.

Ang cute talaga nitong boss ko parang batang nagtampo.HAHA

"Alin ba dun yung...'I'm a little bit attracted to you? dun ka ba hindi nadalian sabihin o dun sa maganda ako at cute ako"pangaasar ko.

Nagiging makulit na pala ako dahil sa boss ko.HAHA

Kahit ano namang sabihin niya okay lang tanggap ko kung ano at kung sino ako ng dahil sa kanya medyo tumaas yung confidence ko napakapositive niya kasi.

Namumula ang mukha niyang tumingin sa kin pati tenga niya namumula na naman. HAHAHAH

Bigla siyang nagseryoso pero namumula pa din siya.Nagbablush talaga siya HAHA o assuming lang ako?

"Avril..all the things I told you was true.Believe it or not totoo lahat ng yun."

Ooppss parang hindi ata niya nagustuhan yung biro ko sineryoso niya, joke lang naman po yun.

Parang tagos tagusan naman kung paano niya bitawan ang salitang sinabi niya pati kung paano niya ako tingnan parang no joking anymore.Its time to be serious.

Nahahawa na tuloy ako kakaingles nitong boss ko eh.Ang cute kasi HAHA.Anyways natutunan ko tuloy lumandi dahil sa boss ko. B.I masyado ngayon ko lang siya nakilala madali na akong naimpluwensyahan.

Tumikhim naman siya at tsaka nagsalita.

"Moving forward.. kanina pa tayo naguusap pero kahit name mo hindi ko pa alam." kalmado pero maotoridad na sabi niya.

Okay serious na talaga..

"Ay oo nga po pala.I'm Avril Zaira Hernandez Sir." medyo kabado kong sabi.

"Then?" sunod nitong tanong sakin.

"I graduated and took up Bachelor of Science in Business Administration Major in Operations Management.Tama ba sir?" tanong ko.

Baka kasi hindi yun yung gusto niya malaman.

"Go on.." tila seryoso nitong saad.Wow kinabahan naman ako bigla iniinterview niya na ako pero bakit parang baliktad? Nauna akong ihire bago ininterview? Nice one basta wala ng bawian.

"Hmm..I'm currently 20 years old. Ilang beses na ako nag apply sa iba't ibang company pero ni isa walang tumawag sakin para sabihing tanggap na ako,siguro po dahil sa hindi po matataas yung grades ko sa transcript.Tapos po siguro dahil wala pa po akong experience mukha kasi daw akong bata at parang walang alam gawin."

Tumango naman siya.

"Okay lang ba sayo na dito ka magtrabaho?Four year course pala ang tinapos mo pero kung dito kalang magtatrabaho sayang naman yung pinagaralan mo?"

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"I forgot may nanloko nga pala sayo.Okay please sign this and please bring your valid documents tomorrow for you can start to work immediately." sabay abot niya sakin nung J.O.

"Okay po Salamat po uli Sir." tsaka tinanggap yung papel na binigay niya.

"Welcome.Go home now because you need to be early here tomorrow. Working hours here starts at 6am for the preparations and we are opening the Café at 8am til 10pm? Are you okay with that? Baka masyado ng gabi yun para sayo?"

Magrereklamo pa ba ako kung ang bait bait ng Boss ko? Wow boss ko na ang tawag ko.Masarap rin pala pakinggan ang salitang 'you are hired' kahit pa hindi ganun ka taas na posisyon lang ang napasukan ko pero ang sarap sa feeling.

Ang babaw ko, pano ba naman kasi ngayon lang ako natanggap sa isang trabaho wala pang interview at kung ano anong qualifications,walang arte.At ito pang matagalan hindi yung part time lang.

"Okay lang po" walang pagaalinlangan kong sagot sa kanya.

"Sure ka ha?.."pagsisiguro niya.

Ngumiti ako tsaka tumango ng mabilis.Bakit ba ang bait ng isang to..kainis.Wag ganyan boss baka ako ang mahulog sayo.Hindi naman kasi mahirap magustuhan tong si Sir dahil sobrang bait niya,gentleman,mahaba ang pasensya at napakamatulungin sa iba.Kaya siguro tumatagal ang mga empleyado niya rito dahil mabait talaga siya.Pero bakit wala pa siyang gf kung ang bait niya naman?

Parang lahat naman qualities sa pagiging ideal bf nasa kanya na ha?Bakit kaya?

"Hey...you're wondering again.."anito tsaka winagayway yung kanang kamay niya sa mga mata ko.Nakatulala na pala ako sa kanya.Parang ako na naman ata ang interesado makilala siya ha..

"Hehe.. Sorry Sir..." nahihiya kong sabi.

"Okay..see you tomorrow. " tugon rin nito.

"Okay po..."sabi ko tsaka tumayo na.

"Take care.." sabi niya bilang paalam.

Mula sa pagkaseryoso ng mukha ay ngumiti na rin ito.

Nasilayan ko na uli ang ngiti niya.Sus paserious serious pa ngingiti rin naman pala sa dulo.

"Kayo rin po.Ingat din po kayo. " balik kong sagot ko at ngumiti ng pagkalaki laki.

Gumanti lang din ito ng ngiti sakin tsaka na ako lumabas ng office niya. Masaya ako pero malaki laki parin ang problema ko sana mahanap na yung lalaking yun,sana mahuli na nila siya.Yung utang sa bangko ... utang niya yun at hindi ko utang yun..T_____T ginamit lang niya pangalan ko para makautang..

Iwinaksi ko nalang sa aking isipan ang problema kong iyon at naglakad na palabas ng Café para makauwi na dahil gabing gabi na pala.

-.-.-.-.-.-.-

A/N

Sorry sa mga wrong grammars,wrong spelling,typo error, wrong usage punctuation's and lastly sa spacings.Inedit ko uli mianhe ^-^v .

Thank you sa bumabasa at babasa palang .Sana may magcomment at kung nagustuhan niyo pwede niyo ding ivote. Salamat :)

-mio

+

That Wimpy Girl is the BEST!! \(^0^)/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon