The rest of July was a blast. Masyadong mahaba kapag kwinento ko pa. Tamad si author eh. But it was like this, everyday he would send me messages saying 'goodmorning Ma!' something like that. Gusto niya nga sana ako sunduin nung isang araw kaso sabi ko 'wag na kasi mapapagod lang siya kakadrive. At dahil nga hindi niya ako nasusundo, hinahatid niya na lang ako. Hanggang sakayan nga lang.
And after the day na sinagot ko siya, dinala ba naman si Reese sa classroom namin para lang sabihin na hindi napuyat ang 'anak' namin. At dahil hindi alam ni Reese yung daan papuntang classroom nila, hinatid pa naming dalwa ni Doc yung 'anak' namin. Haha.
I also requested that sana wala muna maka-alam tungkol samin. Gusto ko kasi good timing. Mamaya nyan may namatayan pala tapos sasabihin ko 'Uy, condolence. By the way, kami na pala ni Lucas!' wouldn't that be weird?! Kaso nga hindi ko sila matiming-an sa 'di ko malaman-laman na dahilan. Anyway . . .
Once a week lumalabas din kami ni Doc kasama si Reese. Syempre libre palagi ni Doc. Haha. Ayaw niya naman din magpabayad eh. So back to the present, it's the first week of August today, at may pasok dahil nga Monday nanaman. At eto nga kami kumakain ng agahan . . .
"Oh Ma, ba't parang 'di ka kumakain?" tanong ni Jen ki mommy
"May kailangan pala akong sabihin sainyo. I'm leaving. For Africa." muntik na naming mabuga yung itlog na kinakain namin.
"Bakit biglaan naman yata ma?!" ang layo ah!
"Kailangan lang talaga 'nak. Sandali lang naman daw."
"Ma, isang taon? Matagal din yun. Ang layo pa! Africa ba naman!"
"Wala na tayong magagawa Mae. Trabaho yan ng Mommy niyo." nako, payag na si daddy.
"Sige na nga Ma! Basta pasalubong namin ah!"
"Osige. Hala, kumain na kayo. Baka malate pa kayo."
Nadestino kasi si mama sa Africa next month which is September na, kaya pinaalam niya na samin kaagad para daw hindi kami mabigla. Nakakalungkot man, pero kailangan tanggapin na malalayo samin si mommy. Haaay, tama na nga ang pagiging emo.
Eto pa kanina, bago kami mag-agahan, syempre naligo muna ako. At dahil minamalas ako ngayon, nadulas ako sa sahig. Kaya medyo nagkabukol pa ako. Kaya sana naman 'wag na madagdagan kamalasan ko. Please lang Lord!
"May problema ba M-este Dei? Mukha kang nasasapian dyan." kaya sinabihan ko siya 'wag ako tawagin Ma. Kilala naman natin yang mga kaibigan ko. Madaling makapick-up. Haha. Free time pala ngayon kasi may meeting yung teachers, kaya tambay kami ngayon sa garden.
"'Di mo alam Lucas, takas sa mental yang si Momo." sabat naman ni Niko
"Teka lang, 'di mo pala nasabi samin Niko, na close kayo nitong si Lucas." oo nga, hindi namin yan alam ah.
"Eh siya kasi nilapitan ko last year para makapasok sa basketball team. Pero sa kasamaang palad 'di ako nakapasok. Sabi naman nito ni Lucas better luck next year kaya magttry-outs ako mamaya. Sana nga makapasok na!"
"Weh? Ba't hindi ka nakapasok last year?" tanong naman ni Riyel
"Ewan ko dun! Kaasar nga yun eh. Ang bagal ko daw kasi." si Niko?! Mabagal?! HAHAHA!
"Ikaw?! Mabagal?!" see? Pare-parehas kami ng iniisip
Matinik kasi yan si Niko sa chicks, kaya medyo nabigla kami dahil, siya?! Mabagal?! Sa text nga yan nangliligaw eh.
"Oo na, ako na mabagal sa court." nagpout pa. Haha. Kung hindi ko siguro barkada 'to, naging crush ko na 'to. Gwapo kaya ni Niko. Kaso walang talo talo 'tol! XD
BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomancePano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...