Chapter 11: The Distant Cousin

126 0 0
                                    

And the next thing I know, we're here in a particular restaurant waiting for our orders. Naka-order na lang kami, wala pa siya.  Parang nakalimutan niyang kasama niya ako. Alam niya namang may plans kami after eh. Ang sabi niya lang . . .

"Uhm Mo, una na kayo nina Niko sa resto. Susunod na lang ako."

Then and there umalis na sila. Wait. What just happened here??? Ba't parang shock na shock siya pagkakita niya dun sa babae? May pabeso-beso pa silang nalalaman kanina.

"Tignan mo 'to. Wala lang yung manliligaw niya, ang lungkot na." FYI Niko, hindi ko na siya manliligaw

"Boyfriend ko na siya."

"ANO?!?!?!" aray! Sa lakas ng pagsigaw nila, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa resto.

"Tumahimik nga kayo! Kung makareact naman kayo parang nabuntis niya ko." nanlaki naman yung mata nila. "Ano ba kayo! 'Di na kayo mabiro!"

"Pero Mo seryoso na. Kelan pa?!" tanong naman sakin ni Riyel

"18. July 18."

"Woah. Ganun na katagal?! At hindi mo man lang sinabi samin?! Bestfriend?!" kung ako si Mt. Pinatubo. Eto Mt. Apo! Teka alin ba mas malakas? Basta! Mas malala si Rhian!

"Eh k-kasi . . . humahanap lang ako ng magandang timing para sabihin sainyo."

"Talaga lang ha." Niko

Natahimik naman kami. Isa-isa na ding dumadating yung mga inorder namin. Hanggang sa lahat ng pagkain na inorder namin nasa mesa na. Isang oras na din kami naghihintay sakanya. Wala man lang tawag o text akong nakukuha galing sakanya. Sino ba kasi yung babaeng yun?! Nagugutom na 'ko ah!

"So . . . who was that girl again?" bigla naman nagsalita si Niko at lahat sila tumingin sakin

"I don't know." napatungo naman ako "Alam niyo-" napatingin naman siila ulit sakin "Kain na tayo!  Nagugutom na 'ko kakahintay dun sa kapreng yun."

Nagsimula na ako kumain at sila din. Bahala siya sa buhay niya kung hindi siya sumunod. Bwiset!

Rhian

Kainis 'tong si Momo. Ngayon lang sinabi samin na sila na ni Lucas. Pero ang galing nila magtago ah. Hindi namin nahalata. Kala kasi namin ligaw part pa lang si Lucas. Kaya pala kung ano-ano binibigay ki Momo na regalo. Yaman talaga. Back to the present.

Nakabayad na kami ng kinain namin pero wala pa rin si Lucas. Ano kaya nangyari dun sa lalakeng yun. At sino kaya yung babae kanina?

"Lyn."

"Ha?" si Zack lang pala. Siya lang naman tumatawag sa akin nyang nickname na yan.

"Wala. Sabi ko kelan mo kaya ako sasagutin. Tignan mo si Mo-"

"Zack, iba si Momo. Iba ako." napatungo naman siya sa sinabi ko. Pauwi na kami eh. Hahatid niya daw ako kaya kasama ko siya ngayon.

"S-Sorry." haay. Palagi na lang ganito.

"Zack, hindi pa talaga ako handa pumasok sa isang relationship. Ulit." napatingin naman siya sakin at hinawakan yung kamay ko

"Sinabi ko naman sayo 'di ba? Maghihintay ako."

Ayoko naman siyang itulad sakin, naging rebound. Alam ko yung pakiramdam na yun at ayaw kong maramdaman din niya ang sakit na yun. Kahit gano mo kamahal yung taong yun, hindi mo mapapantayan ang mahal niya kahit anong gawin mo. Siya pa rin ang pipiliin niya.

Momo

Wow. Ni-isang text wala pa akong narereceive galing ki Doc. Ano ba ginagawa nila nung babaeng yun? 'Di man lang ako itext kung bakit hindi siya nakapunta kanina.

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon