Momo
"WHAT?!" -Rhian
"Oh my gosh!" -Riyel
"SERYOSO?" -Zack
"1 point." -Niko
Yan po ang mga sari-saring reaksyon mula sa nangyari nung nakaraang linggo. At oo, ngayon ko pa lang sakanila kinukwento. Busy kasi sa training eh.
"I was slightly depressed!" sabi ko na parang yun na ang explanation sa mga nangyari nun.
"Nang dahil dyan sa depress depress mong yan! Muntik ka nang masagasan! Dahil-" sermon naman ni Rhian na akala mo nanay ko eh.
"Pero Mo, you do realize that may humalik sayo na stranger. COMPLETE stranger!" sabat naman ni Riyel na parang manghang-mangha pa sa nangyare sakin. "A sweet one if I may add."
"Nakatakip nga kasi yung mukha ko ng panyo nung lalaki kaya hindi ko siya nakita! Pati yung kotse kasi . . . " umiiyak ako. Ba't nahihirapan akong sabihin yun.
"Mag-iingat ka nalang sa susunod Mo. Wala na tayong magagawa, nangyare na. Buti nalang nga naligtas ka nung taong yun." Kung si Rhian parang nanay, si Zack parang tatay. Yiee! Sila na ang meant to be. Pero hindi pa rin narerealize ni Rhian yun. Haaay, parang kailan lang, crush ko pa si Zack.
"Nasayo pa ba yung panyo nun lalake?" tanong bigla sakin ni Niko. "Tsaka nilabhan mo ba? Kadiri naman kung ibabalik mo ng may mga uhog mo no." Dagdag niya saka tinawanan ako.
"Syempre nilabhan ko! Gago."
"Aray naman. Nagbibiro lang." nakakuha siya ng isang malakas na batok.
"Teka nga, sabi ko group study 'di ba? Hindi group chat!" sigaw bigla ni Rhian. Napag-isipan kasi naming maggroup study para sa test namin para bukas. Tsaka para makalabas rin ng bahay. Hahaha! "Mag-aral na nga tayo!"
Sa huli wala naman kaming napala sa group study namin. Alam niyo naman ang group study, depende sa mga taong kasama sa group. Eh samin ata si Rhian lang ang pursigido mag-aral. Kaya naman ako hindi nakapag aral ay kasi pinagtatatanong ako ni Riyel tungkol dun sa lalaki na lumigtas sakin.
"Hindi mo talaga nakita yung mukha niya? Kahit konti? Eyes? Nose? Ears? Hair?!" Sunod-sunod yan natanong ni Riyel. "Gwapo ba yung boses? Malambot ba yung lips?! Mabaho ba?! Ano-"
"GABRIELLA!" sigaw bigla ni Ren. Ako sana yung sisigaw kaso inunahan na ako ni Zharren. Mas mabilis yan mairita ki Riyel kesa sakin eh. (Palibhasa palaging nakatutok ki Riyel! Hihi!) "Ano ba! Ang ingay mo! Mag-aral ka na nga dyan! Hindi yung tinatanong mo kung sinong lalake dyan ni Mo eh." Wooot selos.
"Mag-aral ka lang dyan! Mabilis lang naman. Bilis na Mo! Ano na?" kulit niya ulit sakin.
"Oo na! Tigilan mo na ang kakasundot." Sagot ko sakanya kaya tumigil naman siya. "Basta ang una kong napansin sakanya yung . . " ano nga ba? AH! Yung tibok ng puso niya. Parehas ang bilis ng sakin. Yung para bang konektado sila nung moment na yun. "Yung heartbeat namin. Parehas yung bilis nung magkayakap kami. Ang weird nga eh. Tapos sunod kong napansin yung amoy niya. Mabango, amoy lalaki. Yung pabango niya gusto ko. Yung mukha niya talaga hindi ko nakita."
"KYAAAAAA ~!" sigaw bigla ni Riyel na parang baliw! Tumalon-talon pa. Anyare dito?!
"GABRIELLA! Tumigil ka nga kakatalon! Ano bang-"
BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomansPano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...