Chapter 6: Ducks

271 4 5
                                    

Momo

Throughout the day, hindi kami nagpansinan ni Zack. Parang kagaya ng dati, yung wala siyang pakialam sakin, I don't exist in his world. 'Di ba dapat ganun talaga? Crush ko lang naman siya. Baka masira ko pa yung image niya sa nililigawan niya.

Tatlong araw na din kaming 'di nagpapansinan. Nailang siguro kami or ako dun sa nalaman ko. Eh alam niyang may crush ako sa kanya. Kaya nga masaya ako naging kaibigan ko manlang siya.

ANEBEYEN! 'Di bagay sakin ang nageemote! Pagpinansin niya akong araw papansinin ko na rin siya. Para ok na ulit kami. Sana 'di mamisinterpret nung girl na nililigawan niya kapag magkasama kami. Friends lang talaga siguro. . . OUCH . . . FRIENDZONED! Hahaha! At least FRIENDzoned hindi STRANGERzoned! XD!

Nandito kami ngayon ng barkada sa canteen. Break time namin eh

"Mo, you're spacing out. May problema ka ba?" Lucas

"Ha? Ah sorry. May iniisip lang. Bakit mo natanong?" ako

"Wala lang hindi ka dumadak eh."

Dumadak? Ano yun???

"Anong dadak?"

"Yung ganito oh ( '3')"

Hahaha XD Ang cute niya kapag gumaganyan siya! Para siyang bata. Gusto kong pisilin ang cheeks niya!

"ARAY! MOMO MASAKIT! GARCIAAAAAAA!"

Pinisil ko nga yung cheeks niya! Lambot talaga ng cheeks niya. Inggit ako. (TT^TT) At dahil sumigaw siya dahil sa kurot ko. Napatingin samin ang barkada.

"Ano ka ba Momo, para ka namang ewan, namimisil bigla ng pisngi" riyel

"Ang cute niya kasi pagnakanguso! 'Di ko napigilan. \(>3<)/"

Namumula na yung cheeks niya. Sorry Lucas!!! Hinihimas-himas niya na yung cheeks niyang pinisil ko.

"Sorry talaga!!!"

"Sasunod mag paalam ka naman. Nabigla ako sayo! Kung hindi ka pala dumadak nangungurot ka ng pisngi!" Lucas

"Kanina ko pa gustong tanungin, ano ba yang dumadak na yan?"

"Yung ganito nga----"

"----OPS! Lucas, mas ikakabuti ng pisngi mo ang huwag gawin yung iniisip mong gawin kundi kawawang pisngi ang aabutin mo." Nico

Napalunok naman nun si Lucas. Hehehe. Good girl na talaga 'ko. 0=) Tumingin siya ulit sakin.

"Basta yun! Alam mo na kung ano ibig kong sabihin. 'Di ba dak fes tawag dun?"

"DUCK FACE hindi DAK FES. Tigas naman nito!"

"Eh sa nakita ko lang sa 9gag eh. Ikaw lang naman nakikita kong gumagawa nun eh. Para kang si Daisy."

"Daisy? Si Daisy Duck? Bakit naman?"

"Palagi ka kasing nakanguso pag badtrip ka o kung ano."

"Ikaw nga dyan ang cute mo kapag nakaganun ka. Kaw nalang si Donald. Ako si Dai" (pronounced as 'dei')

"Tapos ako naman si Doc. Hahaha. Tanda mo si bugs bunny kapag nandyan yung duck, sino nga ba yun? Basta, tawag niya dun Doc . . . Or Duck? Basta katunog nun."

Mukhang kami nalang dalawa nag-uusap dito ah. Nakatingin na samin ang barkada.

"Pinag-uusapan niyo dyan Lucas?" Ren

"Ikaw Ren, di ba Doc?" sabi ko tapos tumingin ako ki Luc---- I mean Doc :D

"Yup, tungkol sa bagsak mong grade sa subject mong kinukuha sa TU. Tama, Dei?"

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon