Momo
"So later this afternoon there will be recruitment for the clubs. All of you will line up and go to the gymnasium with your things. Ok?" sabi ni ma'am
"Yes ma'am!"
"So let's discuss now about-
*knock knock*
"Yes?"
Napatingin naman ako sa may pinto. Ayos, delayed ang lesson! Wahaha. Kaso bumalik agad si ma'am. (-_-)
"Class, we have a new student. Well, hindi naman talaga siya new, nagbabalik lang!" ma'am
"You can enter now and then introduce yourself kahit kilala ka naman nila." dagdag ni ma'am.
Pumasok na yung new student, nung humarap na . . . . . . OMG! Sabi ko na eh! Kilala ko eh! Si . . . nakalimutan ko. Hehehe.
"Hi! I'm Mayumi Garxides. Good to be back!"
"You can seat at that vacant seat." ma'am
Pumunta na siya doon sa upuan na tinuro ni madam. Lahat naman kami biglang nanahimik. Ewan ko nga kung bakit sila nanahimik baka siguro nag-iisip ko bakit bumalik ulet si Yumi. Hindi kami close I treat her as a friend kahit hindi kami classmates nang matagal. Nung kinder 2 ko pa kasi siya last na naging classmate, tps ngayon lang ulet. Tapos nung first year kami kinocomfort ko siya sa tuwing umiiyak siya sa room nila. Ako kasi yung dakilang comforter! \(*,*)/
"Okay let's continue . . ." ma'am
"Mo, sa tingin mo, bakit kaya bumalik ulit si Mayumi dito?" Lucas
"Ewan ko Lucas. Ba't ako tinatanong mo? Ngayon ko lang kaya siya ulit naging classmate. Makinig ka nalang kaya."
"Sunget! Nagtatanong lang eh!" sabi niya tsaka nag make-face. "Meron ka ba ngayon?" dagdag niya.
"OO! Kaya manahimik ka dyan."
"Tss."
Ayun nakinig naman. Mas naging close kami ni Lucas kasi nga katabi ko nga siya. Pero si Zack, ayun, kinakausap lang yung close friends niya. Kaya hindi niya naman ako nakakausap. Kaso yung pagiging close namin ni Lucas madalas asaran. (-_-)
"Bb. Garcia" naks si sir oh! Binibini daw! "Anong masasabi mo sa binasang talata?"
Nasagot ko naman kaya pina-upo na ako. Kaso natabig ko yung ballpen ko at nalaglag. Nung pupulutin ko na, may sumambot na.
"Salamat Zack." siya kasi sumambot nung ballpen ko. Kaya flinash ko agad ang aking shining, shimmering smile! *ching!*
"Walang anuman." ngumiti din siya sakin. Ang kyot! >////<
(^__^) <--- ganyan yung mukha ko. Hihihi! Simple lang ginawa niya pero todo smile ako! Tapos bigla siyang tumayo, san yun pupunta? Lumapit siya ki madam, at lumabas. Ah, kala ko naman kung ano na. Ganito kasi yun evertime magbebell na, yung magsesecond period na, lumalabas siya para magCR. Weird noh? Baka kasi nagpapagwapo! Hahaha!
"Kilig ka na nyan?" -Lucas
"Ano naman sayo?!" ako
"Eh para ka kasing baliw dyan na ngingiti-ngiti!"
"Edi ngumiti ka rin kung gusto mo!"
"Hoy kayong dalawa dyan! Nag-aaway nanaman kayo ha!" sabat ni Niko nang nakangiti.
"Bakit gusto mo sumali?!" ako
"Hindi noh. Para kasi kayong aso't pusa mag-away eh. Baka magkadevelopan kayo nyan ha!"
BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomancePano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...