Chapter 12: A Day of Kisses

102 1 0
                                    

Momo

Habang pabalik ako ng room namin, walang tigil nanaman ang pagbubulungan ng mga chismosa.

"Siya ba yung sinasabi mo? Sure ka?! Ang panget kaya!"

"Oo nga mas maganda pa ako dyan noh."

"Kanina nga may nakita kaming kasama ni Luke. In fairness girl, maganda kaso pandak!"

Mga chismosang 'to! Wala nang magawang matino. Magchichismisan na nga lang, rinig pa!

*Calling all Volleyball varsitarians, please proceed to the gymnasium. Again . . . *

Ano kayang meron? Teka balik ko muna 'tong lunch . . . box. Lunch . . . (>////<) Eeeeh! Nataandaan ko nanaman yung . . . yung k-kiss. Napahawak tuloy ako sa lips ko. Ang lambot niya. Tsaka ang pula pa . . . AAAAHHHH!!!! Ba't ko ba 'to iniisip?!

"Huy!"

"AAAAHH!"

"Problema mo?! Masakit sa tenga ah!"

"Nanggugulat ka naman kasi!" bigla kasi 'tong sumusulpot! Tumingin naman si Zack sa likod ko na parang may hinahanap.

"Hanap mo?" tanong ko.

"Si Lucas?"

"Naglunch kasama yung pinsan niyang linta. Bakit mo hinahanap?"

"Ganito kasi, birthday na ni Lucas-"

"ANO?! Birthday na-" wala pa akong regalo para sakanya!

"Mo, relax. Next month pa."

"Grabe ka! Akala ko pa naman ngayon birthday niya. Wala pa naman akong nabiling regalo kung nagkataon." Hanggang ngayon kasi 'di ko pa rin alam kung kelan birthday nun.

"Hindi mo kasi ako pinatapos eh. Tsaka mukhang okay na sakanya yung-" sabi niya tapos ngumuso naman siya ng lips niya. "Yiee. May first kiss na-ARAY NAMAN! 'To naman 'di na mabiro."

Binatukan ko nga. Pinaalala pa kasi. >3>

"Ah basta. Mamaya na lang at pinapatawag na kami sa gym."

Tinago ko na yung lunchbox ko sa bag ko at dumeretcho na sa gym. Napa-isip naman ako kung sino mga kateam ko. Mabait kaya sila? Sigurado magagaling din yun.

"Excuse me, varsity ka po?" Tanong sa akin ng isang babae.

"Opo. Ikaw?" Ngumiti naman siya sakin.

"Oo din. Akala ko pa naman wala talagang meeting. Ako pala si Marionne. Marionne Cardona."

"Molly Garcia. Momo na lang. Junior."

"Senior na ko eh. Haha!"

Seryoso?! Kala ko sophie eh. Maliit lang kasi siya. Basta mas matangkad ako sakanya.

"Halika, magsimula na daw tayo."

Sa sahig lang kami na upo. Since 12 persons per team. 24 kami lahat kasi kasama yung boys.

"Okay guys and gals, pinatawag tayo ni coach dito para daw magkakilakilala na tayo. Unfortunately, hindi siya makakapunta. Pero permitted na ito ng school kaya excused tayo habang nagmimeeting tayo."

Naghiyawan naman yung boys. Syempre, excused kami eh! (^o^)v

"Okay, tama na ang pagdiriwang. Form tayo ng BIG circle!"

Ayun nagform kami ng BIG circle! Buti na lang malinis ang gym namin.

"Spin the bottle tayo!" sigaw ng isang lalake.

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon