Lucas' POV
Napikon yata sakin si Momo kagabi. Baka hindi nanaman mamansin yun. Kaya hinihintay ko siya ngayon dumating. Ayan na!
"Dei!" tawag ko sakanya habang papalapit sakanya pero nilagpasan lang niya 'ko. Napikon nga! Haha! Habol ulit!
"Huy! Dei ko" tumigil siya at tiningnan ako ng masama at naglakad ulit. "Dei, sorry na! Nagbibiro lang ako kagabi."
Wa-epek! Deadma lang ulit. Hanggang sa pagpasok namin ng classroom, 'di niya ako pinapansin. Ikaw naman kasi Lucas! Kita nang nage-emote yung tao, inasar mo pa! Nagulo ko na lang ang buhok ko. Kelangan ko makaisip ng paraan para pansinin na niya 'ko. Tibay naman kasi ng babaeng 'to!
Riyel's POV
Nabigla ako kagabi sa sinabi ni Rhian. Sigurado ako umiyak yun si Momo kagabi. Nakapag-usap naman kami ni Rhian kagabi. Hindi naman daw naman niya daw ginusto yun. Parang naman kaya natin kontrolin yung nararamdaman nung tao. Wala naman daw si Rhian nagawa kasi hindi naman nagpapigil si Zack, kahit maging rebound lang siya. Naiipit ako sakanilang dalwa eh!
"Nako naman! Ang daming problema!" sabi ko habang ginulo ang buhok ko, eto naman katabi ko kung tignan ako para akong baliw.
"Mukha kang baliw."sabi ko na eh. Utak talaga namin ni Ren, konektado masyado
"Sino ba namang 'di mababaliw sa mga problema. 'Di ko alam kung pano makakatulong kila Rhian at Momo"
"Hayaan mo lang sila mismo magkaayos. Speaking of Momo, tignan mo oh. Hinahabol siya ni Lucas." napalingon naman ako nun, mukhang nagsosorry si Lucas ah. Ano kayang ginawa nung lalaking yun?
"May 'thing' sila???"
"Kung ang ibig sabihin ng 'thing' mo eh, nililigawan siya ni Lucas, yes, yes he is." may english pa yan! Haha
"Weh?!"
"Ay hinde! Nagbibiro lang ako! Kita nang naka-serious face ako oh!" napakamot naman siya ng batok niya
"Eh kasi naman . . . yung sigang babaeng yun?! Na mas malakas pa sakin mang-asar! Nililigawan ni Lucas. Tsk. Tinamaan na din." na din??? Siya din?
"Bakit tinamaan ka na din? Oy ah! Hindi ko alam yan!" dinuroduro ko pa siya
"W-wala yun! Halika punta na tayo kila Momo habang maaga pa." hinila na niya 'ko papunta sa kabilang room. Pag dating namin dun, hindi pa rin pinapansin ni Momo si Lucas pero si Lucas pasulyap-sulyap ki Momo.
"Garcia!" lumingon naman siya samin
"Ano Savedra? Uyyyyy, ano yan!" sabay tingin niya sa magkahawak pa palang kamay namin ni Ren, napatingin syempre kami at agad bumitiw "Uy kayo ha!"
BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomancePano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...