Momo
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nangyare samin ni Lucas. Alam mo yung ang hirap niyang iwasan kasi magkatabi kami?! Kaya kahit anong iwas ko sakanya, magkikita at magkikita kami sa classroom.
“Mo, napapagod na ako sa inyong dalawa ni Lucas. Ginagawa niyo kong pader!” -Zack
Alam nang buong barkada yung nangyare samin. Nung nalaman nga ni Zack halos sugudin niya si Lucas kung asan man siya. Si Rhian hindi rin nagpatalo at handa na rin sabunutan si Ivy nun.
“Ayoko nga siyang kausapin.”
“Kung hindi mo lang yun katabi mauupakan ko na yun eh.”
“Yun na nga eh. Katabi ko siya.” Ugh nakakairita lang. Katabi rin ni Lucas si Ivy eh! “Teka nga! Balik na nga tayo sa training.” Sabi ko tsaka tumayo na. Tumakas lang kasi kami sa training ngayon. Nagkabanggaan kasi kami kanina palabas ng gym kaya ayun nagkausap hanggang tumagal.
“Tinatamad na ko, Mo. Tsaka baka matuluyan ko pa yun si Lucas kapag nakita ko siya kung babalik ako.”
“Wala pa ba siya dun kanina?”
“Maaga ako nagsimula sakanila lahat eh.” Siguro pwede ko naman siya silipin. Hindi niya naman malalaman eh. Ewan ko pero gusto ko lang siya makita.
“Punta lang akong gym. Hintayin mo ko dito.”
“Hoy! Anong-”
Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at tumakbo na. Alam ko naman yung iniisip niya eh.
“Sasabihin ko lang ki Niko na sabay kami uuwi mamaya!” mukhang narinig niya naman yung sinabi ko kaya tumuloy na ko.
Pagkapasok ko ng gym, napatingin sakin yung mga players sa loob. Malamang kilala na nila ako kasi EX ako ng captain nila. Tss. Hinanap ko sakanila si Niko pero mukhang wala siya dun sa mga naglalaro. Kaya hinanap ko nalang yung gamit ni Zack since hindi na siya babalik dito, kukunin ko na para sakanya yung bag niya. Pero mga gamit ni Lucas yung una kong nakita. Andito na pala siya. Bakit hindi ko siya nakita? Asan-
“Anong ginagawa mo dito, Mo?” napalingon naman ako ki Nikon a pawis na pawis. “Tapos na ba training niyo? Teka hindi-”
“Ah h-hindi. Hindi pa kami tapos. Uh kinukuha ko lang yung gamit ni Zack. Ayaw niya na daw kasing magtraining kaya ito, ako na kukuha.” Sabi ko sakanya tsaka tumingin tingin sa mga nakakalat na mga gamit. Ni hindi ko nga alam kung asan yung gamit niya eh. “Sabay tayo pauwi ha?”
“Sige na, balik ka na sa training mo. Ako nalang magdadala nitong gamit ni Zack. Ang tamad talaga nang lalakeng yun, ikaw ba naman utusan. Hintayin mo nalang ako dun sa dati.”
“Sige.”
Nagsimula na ako maglakad palabas ng gym. Ewan ko nga kung bakit pero ang bagal ko maglakad. Siguro, gusto ko lang talaga siya makita ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siya ulit makausap tulad ng dati. Pero alam ko hindi na maibabalik ang dati.
“Ivy-”
Bigla akong natigilan. Kilala ko yang boses na yan. Kaya napalingon ako kung saan nanggaling yung boses at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Lucas kausap si Ivy. Nakaharap sakin ang likod ni Lucas kaya hindi nila ako nakikita tsaka medyo tago ang kinatatayuan ko.
Hindi naman sa sobrang lapit ko sakanila pero naririnig ko sila. Bigla ko nalang nakita na niyakap ni Lucas si Ivy. Nagsasalita si Ivy pero hindi ko siya naririnig. Na parang biglang sila lang yung nakikita mo kahit ayaw mo silang makita. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko pero ayaw sumunod ng mga paa ko. Ngayon ko lang sila nakitang ganito ka lapit sa isa’t isa. Intimate is the right word for it.
“I know that you know that I like you.”
Hindi ko na kinaya kaya isa-isa nang tumulo ang mga luha ko. Kahit mabilis lang ang paghalik nila, masakit pa rin makita.
Sinimulan ko na maglakad palayo sakanila dahil baka mapansin na nila ako at ayaw kong makita nila akong umiiyak. Bakit kasi inakala ko pa na mahal niya talaga ako? Na totoo yung sinabi niya na minahal at mahal niya talaga ako kahit nagawa niya yun. Ako naman si tanga naniwala sa kanya ulit.
“Tanga. Tanga. Tanga!”
Kahit pinunasan ko na mga luha ko, tuloy-tuloy pa rin and pagtulo nila. Hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko. Naglakad lang ako nang naglakad kahit marami na kong nabubunggo. Gusto ko lang mapag-isa at umiyak ng umiyak.
Nalaman ko nalang na may bumusina na kotse sa tabi ko at may humila sakin papunta sa tabi at niyakap ako.
“Miss! Okay ka lang?!”
Konti na lang. Konti na lang at mabubunggo na ako nung kotse. Masyado akong nabigla kaya hindi ako makapagsalita.
“Damn.” Bulong ng lalaking nakayakap sakin. Halos hindi ko na siya marinig dahil ang naririnig ko lang ay ang parehas na pagkabog ng dibdib naming dalawa.
“Sa susunod kasi miss, tumingin ka sa dinadaanan mo!” sabi nung driver ng kotse saka ko narinig pinaandar yung sasakyan niya.
“It’s a school zone, *ssh*le! You should have been more cautious in driving!”
Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko nang tignan ko yung lalaking nagligatas sakin kaya naman sinubukan kong punasan kahit tulo pa rin sila ng tulo. Naramdaman ko nalang na may panyo na sa harapan ng mukha ko. Hinwakan ko yung magkabilang dulo ng panyo kaya natatakpan ang buong mukha ko ng panyo. Nakakahiya ang itsura ko ngayon, uhugin.
“Ang tanga ko talaga. Sorry-”
Biglang may dumampi na kung ano sa mga labi ko, hindi mismo sa lips ko kasi nakaharang yung panyo eh. Ang alam ko lang may humahalik sakin. Hawak-hawak nang lalakeng 'to yung magkabilang dulo ng panyo at ang mukha ko. Pero bago ko pa man masapak kung sino ‘tong nagligtas at bigla akong hinalikan ay inalis niya na yung lips niya sakin at pinagdikit ang noo namin.
Bakit kumakabog ulit ang dibdib ko?
“Promise.”
Pagkatapos niyang sabihin yun, narinig kong naglakad o tumakbo? Hindi ko sigurado dahil pinunasan ko pa yung mga luha ko gamit ng panyo niya. Pagtingin ko sa paligid ko ng tanggalin ko yung panyo.
Ako nalang ulit mag-isa.
A/N: Sino kaya 'tong mystery kisser na ituuu?? Abangan sa susunod na kabanata!! Sorry super late again and super short! Busy kasi sa thesis and school works! :c Anyway, thanks ulit sa pagbasa and please I do hope you VOTE and especially COMMENT! :"> xoxo
-MnMs05
P.S.
Internet Fling! Sana basahin niyo rin! HAHAHA xoxo
BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomancePano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...