Chapter 2: Bitter si bestfriend.

356 10 10
                                    

Momo

"Alis na 'ko ma! Penge baon!" paalam ko ki mommy.

"Oh! umuwi ka nang maaga ah! Huwag magpapagabi!"

"Opo! Bye ma!"

Umalis na ako ng bahay at pumunta sa sakayan ng jeep papuntang school. Gipit eh. 

Pagpasok ko sa gate binati ko si guard. Ang bait eh, kesa namin sa matandang guard sa isang building! Ang sunget! Hmph!

"Morning guard!" bati ko sakanya. Hindi ko alam pangalan ni guard eh!

"Morning din."

"Guard, andyan na ba si Rhian o si Riyel?"

"Si Riyel ata pumasok na."

"Ah. Salamat po!"

Pumasok na ako at dumeretso sa room namin at nilapag yung bag ko sa upuan ko. Wala pa namang masyadong tao eh. Palabas na ako ng room para pumunta sa room ni Riyel pero ayan na pala sa pinto ng room namin eh!

"Oh? Pano mo nalaman na dumating na 'ko?" tanong ko.

"Wala. Tiningnan ko lang kung nandito ka na o si Rhian. Instincts lang yan!" sabi niya naman saka siya tumawa. Siya na tuloy.

"Ikaw na may instincts! ANIMAL instincts!"

"Nga pala, gwapo ng katabi mo ah! Familiar nga yung mukha niya eh."

"Oo nga eh, bait nga din. Ikaw sino katabi mo?"

"Ay! Oo nga pala! Yan yung nakalimutan kong sabihin sainyo kahapon!"

"Oh? Sino nga?! Nangbibiten eh!"

"Si JK katabi ko!"

"WEH?! DI NGA?! Ba't di mo kaagad sinabi! Dapat pala tayo magkaklase para mapagtulungan natin yang JK na yan eh!"

"Oo nga eh. Pero hindi ko naman talaga siya katabi nasa likod ko lang."

"Ayos na yan basta malapit ka sa kanya! Nasaan na ba kasi si Rhian tagal dumating! Naeexcite na akong sabihin eh!"

Alam naman kasi namin na kahit break na sila, may nararamdaman pa rin sakanya si Rhian. Hindi niya lang pinapahalata. Ayaw niyang ipakita na natalo siya. Parang ganun.

"Hoy mga BAKLA! Anong pinag-uusapan niyo ha?!" sa wakas dumating na si Rhian.

"Tungkol lang naman sayo! Kaya ipasok mo na yang bag mo!" Sagot ko naman sakanya.

"Tumabi kaya kayo para makapasok na ko?!" tsk! Ang aga naman nito magtaray!

"Oo nga naman, Mo. Tabi na tayo at baka masipa pa tayo ng mahal na reyna!" biro naman ni Riyel. Pumasok na nga siya.

Rhian

Eh kasi naman pinapapasok ako tapos paharang harang sa pinto (>.<)

"Che!"

Tumabi na nga sila at pinapasok ako.

"Ano naman kayang pinag-usapan nila tungkol sakin?"

Malamang naman Rhian, yung tungkol sa break-up niyo ni Joker. Hayst. Yan pa rin tawag ko sakanya. Bwiset naman oh. Hindi ko na lang nga iintindihin. Nakakabwiset eh.

"Oh? Ano na? What's your chismax?" sabi ko nung nakalapit na ko sakanila.

"Guess who kung sino nasa likod ni Riyel!" sabi naman ni Momo.

"Pader?" tanong ko. Alam ko naman kung sino eh.

"HINDI! TAO Rhian hindi bagay!" sigaw naman ni Riyel. Buti na lang nasa garden kami. Kami lang kasi nakakaalam ng spot na 'to.

"At hindi rin kayo bagay!" sabi ni Momo ng mapait.

May pa guess who guess who pa kasi eh! Alam ko naman kung sino eh. Ayaw ko lang talaga sabihin pangalan nun.

"Hindi kami bagay? So lalake?"

"YES!" sigaw nitong dalawa. Naman eh.

"Si Carlo?"

"HINDI!" sigaw ulit nila.

"EH SINO NGA?! MAY PA GUESS WHO GUESS WHO PA KASI EH!" sigaw ko din. Nakakainis na eh. =_=

"SI JENKO NGA!" sabay nilang sigaw dalawa.

(O.O) ako yan

(=_=) ako rin yan

Pakialam ko ba naman sa bwisit na yun?! Gandang tadyakan sa mukha eh! Yung . . . y-yung bading na yun!

"Ano naman kung nasa likod mo siya?"

"Ay grabe! Bitter 'te?!" sabi sakin ni Momo.

"Mukha ba 'kong ampalaya? Hindi ako bitter noh! Malas lang yun sa buhay ko!"

"Sinabi lang naman namin sayo para maresbakan namin yung malas na yun!" sabi ni Riyel.

"Ano resbakan na namin?!" nag-ala siga naman si Momo.

"Huwag na! Sabihin pa niyan nagpapapansin ako sa kanya! Hayaan mo yung bading na yun!"

"Oo nga, saka na natin resbakan Riyel! At magtatime na, kaya bye Riyel!"

"Sige, kita na lang tayo mamaya! Bye Mo, Bye Rhian!" paalam samin ni Riyel.

Nagwave na kami sa kanya at pumunta sa linya namin. Habang nasa linya kami, tahimik lang kami at baka mapagalitan kami ng teacher namin. Kaya napa-isip naman ako, bitter nga ba ako? Gusto ko pa rin naman siya hanggang ngayon eh. Kaya galit pa rin sa kanya si Momo tsaka si Riyel. Ikaw ba naman gawing REBOUND ang bestfriend mo, di ka magagalit?!

A/N: Short lang po tungkol sa past ni Rhian and Jenko. Please vote and comment. Thank you! :)

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon